"Sophia! Sophia!"
Panay yugyog ni Lorraine kay Sophia nang bigla siyang naidlip. Parang gusto niya pang matulog. Namimigat ang ulo niya. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at bibig. Namamanhid ang kanyang buong katawan. Ang huling naalala niya bago siya makatulog ay naghihintay sila ng ambulansiya para dalhin sila ni Riley sa ospital.
Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay kisame na ng ospital ang nabungaran niya at tila isinasakay siya sa isang kama na umaandar. May nakakabit na oxygen mask pa sa kanyang mukha.
Nakarating na pala sila ng ospital?
Napatingin siya kay Lorraine. Umiiyak ang kaibigan niya habang hawak-hawak ang kanyang kamay. Nagtaka siya. May kasabayan itong tila mga nurse na tumutulak sa kamang kinahihigaan niya."W-what's going on? Where's Riley?"
tanong niya. Hindi niya maintindihan kung bakit napakabigat ng pakiramdam niya. Tila hinihila ang kanyang mga mata upang matulog."Riley's fine. He's in the Neonatal Unit right now. You...you're not fine!"
Kumunot ang noo niya sa pagiging-hysterical ni Lorraine. Anong ibig sabihjn nito?
"W-what do you mean?"
"You're bleeding persistently, Sophia! You're losing liters of blood after the expulsion of your placenta. Nakatulog ka kaya hindi mo namalayan!"
Kinabahan siya. Gusto niyang bumangon ngunit umikot ang kanyang paningin kaya napabalik siya ng higa. Agad naman siyang dinaluhan ng nga nurses at ni Lorraine.
"Maam, relax lang po kayo. Dadalhin na po namin kayo sa Emergency Room," pagpapakalma sa kanya ng nurse.
Nang makarating siya ng Emergency Room ay agad sumalubong sa kanya si Grace. Nagulat siya nang malamang nandoon ito. Ang sabi ni Lorraine ay agad nitong pinatawgan sa sekretarya niya ang kanyang OB Gyne upang puntahan sila sa ospital.
Sumailalim siya sa mga tests at ultrasound. May tinurok din sa kanyang IV cannula upang bigyan siya ng IV fluids na may lamang gamot upang mag-contract umano ang kanyang matris. Halos hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Nanghihina siya't naminigat ang kanyang ulo. Nakatulog siya saglit para lang magising ulit nang marinig ang boses ng kanyang Mama.
"Sophia? Sophia, are you okay? What's happening to my daughter?"
Mahinang niyuyugyog nito ang kanyang katawan. Ngayon lang niya ulit narinig ang pag-aalala sa boses nito, ang huli ay noong na-ospital siya noong high school siya dahil sa Dengue. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay hindi na niya mahagilap si Lorraine. Malamang ay umalis na ito nang makita ang kanyang Mama. Naiintindihan niya kung hindi ito magpaalam sa kanya.
Agad namang nagliwanag ang mukha ng kanyang Mama nang makitang gising na siya.
"Baby, are you okay?"Baby?
Kung wala siya sa ospital ay baka natawa na siya sa tinawag ng kanyang Mama sa kanya. Never itong gumamit ng endearing words sa kanila ni Cloud. Ngayon lang ito naging malambing at masuyo sa kanya.
"W-what are you doing here, Ma?"
"You, silly child! Nasa bingit ka na ng kamatayan, tinatanong mo pa rin 'yan? I'm your mother!" pagalit na singhal nito sa kanya.
Oh, my feisty mother is back.
"Bingit ng kamatayan—what? What are you talking about?" nagtatakang tanong niya sa Mama niya.
"You didn't tell me you have cancer! Now it's causing you to bleed!"
Napatda siya sa narinig. Agad dumako ang mga mata niya kay Grace na kanina pa pala nakamasid sa kanila. Malungkot itong nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom (Completed)
RomanceSophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and she consider her life as an open book because of that. Little did they know, she's keeping a secret...