Chapter 37

44.9K 1.2K 206
                                    

"My intuition is right, Sophia. Your cancer is not totally gone. It's still inside your womb, coexisting with your baby."

Tahimik lamang na nakikinig si Sophia kay Dra. Grace kahit sa kaloob-looban niya'y gusto na niyang umiyak. Imbes na mapanatag ay lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Nang magka-spotting siya kanina ay agad siyang sumugod sa klinika nito. Takot na takot siya na baka mawala ang kanyang anak. Agad naman siyang isinailalim sa isang ultrasound.


"S-so anong magiging epekto nito sa magiging anak ko, Grace?"


Matagal muna itong nakatitig sa monitor ng ultrasound bago ibinalik ang tingin sa kanya.


"This could possible pose a threat to your pregnancy. I think this is one of the reasons why you bled. Kapag nagpatuloy ang bleeding mo, maaari kang makunan."

Napapikit siya. Hindi niya kinaya ang sinabi nito. Ang sakit sa puso. Hindi niya kakayaning mawala ang anak niya!

Bakit naman ganoon? Kung kailan nagkaroon na ako ng pag-asa saka naman nanganganib ang buhay ng baby ko. I know I made a lot of mistakes in my life but this is too much!

Hinawakan niya ang kamay ni Grace.

"Please do something. Please dont let my baby die," garagal na pakiusap niya sa kaibigan.

Napabuntong hininga ito. "I'll try my best but I cant gurantee that your baby will make through it. You see, this is what I've been telling you before. Cancer is not a joke, Sophia. This can pose a harm to you and your baby."

"Don't mind me, Grace. Just save my baby please..." naiiyak na pakiusap niya.

"Sa tingin mo ganoon kadali 'yon? Kapag may nangyaring masama sa 'yo, madadamay ang anak mo."

Humagulhol na siya. "What should I do? I know I've been so stupid for not listening to you and I regret it. I finally realized the impact of my foolishness...but I want my baby to live, Grace!"


Inabutan siya nito ng tissue paper. Iiling-iling na pinagmasdan siya nito. Sa hitsura nito ay parang binagsakan niya ito nang napakalaking pasanin.

"Paiinumin kita ng gamot na makakapagpatigil sa bleeding mo. Ise-set kita ng appointment sa MRI bukas upang malaman natin ang kalagayan ng cancer mo."

"Will you start a treatment for me then? Will you get this cancer out of my system?"

"Do you think we can start a treatment while your baby is in there? You're still in your first trimester of pregnancy. Ang unang tatlong buwan ng pagbubuntis mo ang pinakadelekadong yugto ng pagbubuntis mo!" may bahid na inis na sagot ni Grace.

Hindi na lamang siya kumibo. Alam niyang magulo na ang isipan nito. Kasalanan naman niya ang lahat. Ang dapat niyang gawin ay makipag-cooperate sa lahat ng plano nito sa kanya at ng anak niya. Hindi na siya aangal o magdadalawang isip lalo pa't buhay na nila ng anak niya ang nakataya.

She wished Conrado was there to support her. Hindi madali sa kanya ang pinagdadaanan niya ngayon at kailangan niya nang masasandalan. Tanging si Conrado lamang ang gusto niyang makasama sa mga oras na iyon ngunit batid niyang wala naman itong pakialam sa kanya. Malamang ay masayang-masaya ito ngayon kasama si Angela.

"Where's your baby's daddy?" biglang basag ni Grace sa pananahimik niya.

Mapait siyang napangiti. "I dont know..."

"In times like this, you need his support and care. Malaking tulong ang presensiya niya upang malampasan mo ang napakabigat na problemang 'to, Sophia."

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon