Chapter 6

38.6K 904 24
                                    

One of the reasons why Sophia likes to stay in her Lolo's hacienda is because of the fresh, crystal clear water not only in its seas and rivers, but also in its pool. Napakalinis ng tubig doon. Medyo maalinsangan ang lugar kaya naisipan niyang maligo sa napakalaking pool sa backyard ng Lolo niya.

Isinuot niya ang kanyang two-piece na siya mismo ang nag-design. Bagay na bagay iyon sa katawan niya dahil hindi sa pagmamalaki, well endowed siya. Malulusog ang kanyang dibdib at matambok ang kanyang pang-upo. According to her friends she's got the perfect vitals statistics amongst them all.

Tinabunan niya ang kanyang katawan ng silk bathrobe saka lumabas na ng kanyang kuwarto. Tulog na ang kanyang Lolo. Maghapon din siyang nakabantay sa matanda samantalang si Conrado ay hindi niya matagpuan. Sa ilang araw na pagsasama nila doon ay minsan lamang niya itong makita.

Ang sabi ng kanyang Lolo, ang binata ang nag-aasikaso ng mga nakabinbin na trabaho nito kaya lagi itong wala sa hacienda. Kapag nagkakasalubong naman sila sa hallway ay tatanguan lamang siya nito at tahimik na lalagpasan. Ganoon lamang sila makitungo sa isa't isa. Sinong mag-aakalang mag-asawa sila, hindi ba?

Nang makarating sa mismong swimming pool ay nadismaya siya nang makitang may lalaking naliligo doon. Ayaw na ayaw pa naman niya nang may kasamang ibang tao sa pool, maliban na lamang kung iyon ay mga kaibigan o kapamilya niya. Maselan siya sa mga ganoong lugar.

Sinundan niya nang tingin ang lumalangoy. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong si Conrado iyon. Napakagat labi siya nang makita ang katawan nito. Mukhang alaga sa gym ang lalaki dahil namumutok ang mga muscles at nagyayabang ang six packed abs nito.

May napansin siyang maliit na tatoo sa kaliwang braso ng lalaki. Wala iyon noon. Nagbago na talaga ang style nito. Ayaw niya ng lalaking may tattoo ngunit hindi niya malaman kung bakit naging-hot iyon sa paningin niya. Nang lumangoy uli ito ay nahagip ng mga mata niya ang magandang hugis ng likod ng lalaki, pati ang puwetan.

Hindi niya maintindihan kung bakit siya nag-iinit sa nakikita. Hindi siya nakakaramdam ng ganoong init sa ibang lalaki. At hindi rin niya ugaling magmasid nang naliligong lalaki sa pool! Well, noong kabataan niya ay pinagmamasdan din niya si Conrado nang maligo ito sa batis nang hubot hubad ngunit dala lang iyon ng kapilyahan niya.

She wanted to turn around and go back to her room but her feet wont move. Nabato-balani ang mga mata niya sa lumalangoy na si Conrado. Her attraction to him is so dangerous. Kinakabahan siya sa puwedeng gawin ng atraksyon na 'yon sa kanyang damdamin.


"Señorita Sophia, anong ginagawa n'yo d'yan?"

Muntik na siyang mapalundag sa gulat nang bigla na lamang sumulpot sa kung saan ang isang kasambahay habang may tangang isang tray na may lamang baso ng juice. Hindi nakaligtas sa kanya ang paglingon ni Conrado sa direksyon nila.

Nag-iwas siya ng tingin nang magtama ang mga mata nila. Narinig kaya nito ang sinabi ng kasambahay? Baka isipin nitong sinisilipan niya ito habang naliligo! Napamura siya sa isipan. Gusto niyang pagalitan ang kasambahay ngunit nagpigil siya.

Mayamaya ay umahon ang lalaki sa pool at naglakad papunta sa direksyon niya. Iirapan niya sana ito nang mapansing nakatitig ito sa kanya, particularly sa kanyang katawan. Nag-init ang kanyang mukha.

Nakalantad kasi ang naka-two piece niyang katawan dahil bukas ang bathrobe niya. Naiinis man ay hindi niya mapigilang masiyahan sa reaksyon nito. Lalaki ito at natural talaga ritong tumingin sa babaeng magaganda at sexy.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon