End Part 1

49.7K 1K 51
                                    

Na-bored si Sophia kaya naisipan niyang magtungo sa hardin at tawagan ang mga kaibigan niya. Nagkausap na rin sila ni Bambi at ipinagtapat nito sa kanya ang lahat na ito pala ang dahilan kaya nalaman ni Conrado ang lahat. Hindi naman siya nagalit ng husto sa kaibigan pero tinalakan muna niya ito nang ilang minuto bago ito pinatawad.

Wala si Conrado at may susunduin daw na kaibigan. Hindi na siya nagtanong pa dahil may tiwala naman siya rito.Sa unang pagkakataon mula nang dalhin siya nito sa hacienda ay iniwan siya nitong mag-isa. Natatakot daw kasi itong tumakas siya bigla kaya bantay sarado ito sa kanya. Hindi naman siya nagrereklamo kahit pa naiirita siya sa presensiya nito. Inaamin niyang gumagaan ang pakiramdam niya kapag nasa tabi niya ito kahit lagi niya itong inaaway.

Medyo nabawasan ang pagsusungit niya rito. Nakikita naman kasi niya sa mga kilos at pananalita nito na sinsero ito sa 'panliligaw' umano sa kanya. Ito lang ang nanliligaw na nakaka-score sa nililigawan gabi-gabi. Si Riley naman ay nasa mabuti daw na mga kamay kaya huwag daw siyang mag-alala. Nandoon pala ito kay Emily at Gino at kachat niya ang mga ito gabi-gabi.

Sa ilang linggo nilang pagsasama ni Conrado sa mansion ay unti-unti nang natitibag nito ang galit sa puso niya. Kinakabahan siya dahil nasasanay na siyang kasama ito araw-araw. Sana naman ay sinsero ito sa ipinapakitang pagbabago. Umaasa na siya kahit ayaw niya.

Nang matapos makipagchikahan sa mga kaibigan at kay Bambi ay naisipan niyang mamitas ng mga bulaklak upang ilagay sa altar. Season yata ng mga bulaklak dahil maraming namumuladkad sa hardin. Nasa kalagitnaan na siya ng pamimitas nang may maulingang mga kasambahay na nag-uusap sa may 'di kalayuan. Baguhan yata ang mga ito dahil hindi niya kilala. Mukhang hindi siya napapansin ng mga ito.


"Ngayon pala ang uwi ni Maam Angela, ano?"


Nanigas ang likod niya sa narinig. Sumiksik siya sa mga bulaklak upang lalong 'di mapansin ng mga ito.

"Ay, oo. Kaya nagmamadali si Señor Conrado kanina na pumunta ng airport at sunduin siya," sabi naman n'ong isang kasambahay.

"Diba mag-ex ang mga 'yon?"

"Oo raw. Kawawa naman si Señora Sophia, iniwan niyang mag-isa dito."

"Oh, eh bakit? Sinundo lang naman, a. Tsaka baka magkaibigan na lang ang mga 'yon ngayon. Ang ganda-ganda ni Señora para ipagpalit ni Bossing sa anak ng tauhan 'no."

"O diba ordinaryong tauhan lang naman dati si Señor Conrado? Tsaka nagkahiwalay din daw silang mag-asawa dati dahil kay Angela."

"Ay ewan ko d'yan! Hayaan na natin sila! Bumalik na nga tayo sa loob at baka hinahanap na tayo ni Manang Badang!"

Nang marinig ang papalayong mga yabag ng dalawa ay umalis na siya sa hardin. Hindi niya alam ang mararamdaman sa narinig. Pamilyar sa kanya ang sakit na tila kumakalat na naman sa kanyang dibdib. Nagbalik na naman ang bangungot niya, si Angela. Lero hindi na muna niya huhusgahan si Conrado. Hihintayin niya ang pagbabalik nito. At kapag nagsinungaling ito sa kanya, tapos na sa kanila ang lahat!

Dumating ang hapon, bumalik si Conrado ng hacienda. Walang kakaiba sa mga kilos nito, parang umalis lang kung saan. Masigla pa rin niya itong sinalubong ng halik at yakap. Hindi ito nagkuwento kung saan ito nagtungo, hindi rin siya nagtanong. Baka isipin nitong nag-eespiya siya sa lakad nito. Mayamaya ay pumasok ito ng banyo. Sakto namang tumunog ang cellphone nito, may nagpadala ng message.

Ayaw man niya ay naintriga siya kaya binasa niya kung sino ang nagtext. Tumaas ang kilay niya nang makitang si Angela. Nagyayaya itong kumain sa labas. Sumikip ang dibdib niya. Niloloko na naman ba siya ni Conrado? Kailan ba ito titigil? Inatake na naman siya ng selos kaya nireplyan niya ito. Pumayag siyang makipag-dinner dito at siya mismo ang namili ng oras at lugar ngunit 'di niya ipinagtapat na hindi si Conrado ang nagtext dito.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon