Sophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country.
Her fashion label is famous all over the globe and she consider her life as an open book because of that.
Little did they know, she's keeping a secret...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Araw ng kasal ng isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Sophia, si Guia. Oo, naging kaibigan niya ito, kasama sina Ian, Resha, siyempre si Lorraine at ang pinaka-unexpected sa lahat...si Sidney. Who would have thought?
The story of their friendship is a history. Hindi man maganda ang simula ng pagkakakilala nila, ang importante'y nakilala nila ang isa't isa at ngayon ay mga bffs na. Naging malaking tulong ang mga ito sa paghubog ng kanyang pagkatao. For her, without her friends, perhaps she'll end up being miserable. Her parents are living in Australia and she seldom see them and her brother is always busy with his business.
At ang tanging taong minahal at pinag-alayan niya ng kanyang buong puso't kaluluwa ay iniwan siya... Mapait siyang napangiti saka humugot ng malalim na buntong hininga. She might be successful in her career as a Fashion Designer and a businesswoman but she screwed up in the other aspects of her life. Good thing she had her friends otherwise she'll be lonely and depressed all her life.
Natigil siya sa pag-iisip nang excited siyang kinalabit ni Ian. "Look at Guia! Ang taray ng lola mo, napakaganda!"
Napatingin siya sa bungad ng aisle kung saan naglalakad ang napakagandang si Guia. Maganda na talaga ang kaibigan niya noon pa man pero lalong umangat ang ganda nito dahil sa gawa niyang gown. She made sure her friend would get the finest and most glamorous gown she ever made. Guia deserve it, she's been one of her inspirations in life. Malaki ang paghanga niya rito hanggang ngayon.
Habang pinagmamasdan si Guia na naglalakad sa aisle ay hindi niya mapigilang magbalik-tanaw sa kanyang nakaraan. Parang kailan lang nang siya naman ang naglalakad sa aisle na 'yon. Kumikinang din ang kanyang kagandahan habang suot ang dating traje de boda ng kanyang Mama.
Ramdam niyang iyon ang pinakamaligayang araw ng buhay niya. Sino bang hindi? Ikinakasal lang naman siya sa tanging lalaking nakapukaw ng kanyang interes at nagpaibig ng husto sa kanyang puso. Si Conrado...
Walang paglagyan ang kasiyahan niya nang araw na iyon. Para siyang lumulutang sa ere habang naglalakad kasama ang kanyang mga magulang papunta sa napakaguwapo niyang groom sa harapan ng altar. Pakiramdam niya'y siya na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo dahil ikakasal siya kay Conrado.
Ngunit ang kanyang kaligayahan ay hindi man lang nagtagal ng ilang oras. Matapos ng kanilang kasal ay tumakbo palabas ng simbahan ang kanyang groom at iniwan siya. Wala man lang itong iniwang kahit isang salita sa kanya. Iniwan siyang naguguluhan, napapahiya at nasasaktan.
Hiniling niyang lamunin na lamang siya ng lupa nang mga oras na iyon. Mabuti na lang at nandoon ang kanyang mga magulang, mga kaibigan at ang kanyang Lolo Fabian upang damayan siya. May espekulasyon siyang naririnig mula sa mga tao, na sinundan ni Conrado si Angela, ang ex-girlfriend nito.
She knew he would run after her. Inaasahan na niya 'yon dahil alam niya kung gaano kamahal ni Conrado si Angela. Angela was his greatest love. He had been in love with her ever since they were young. Pinakasalan lamang siya ni Conrado dahil sa kalokohang nangyari sa kanila. The entire marriage was all her fault.