Natigil sa pagtatahi si Sophia nang maramdamang may isang pares ng mga mata ang nakatitig sa kanya. Dumako ang tingin niya sa may pintuan. Pumintig nang malakas ang puso niya nang makita si Conrado na nakahalukipkip habang nakasandal sa saradong pintuan. Ang mga mata nito'y mariing nakatitig sa kanya.
Kanina pa ba siya nakatingin sa akin? Bakit 'di siya nagsasalita?
"Hey..." tanging nasabi niya.
Umalis ito sa pagkakasandal sa pinto at dahan-dahang naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Inayos niya ang salamin sa kanyang mata. Nagsusuot siya ng salamin kapag nananahi. Nang makalapit ito nang tuluyan sa kanya ay yumuko ito sa harapan niya at pinagmasdan ang kanyang buong mukha.
"I've never met a woman who looks hot wearing eyeglasses."
Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi.
"Be careful, my hotness burns," pilyang sagot niya.
Ngumiti ito labas ang dimple. "I dont mind."
Mabilis nitong tinawid ang pagitan nila't hinuli ang kanyang mga labi. Agad siyang gumanti ng halik dito.
Hinila siya nito patayo pagkatapos ay kinarga saka pinaupo sa mesa, katabi ng sewing machine. Tinabig nito ang mga nakaharang na mga tela sa mesa at dahan-dahang inalis ang pagkakabutones ng blouse na suot niya ngunit pinigilan niya ito."Easy tiger..." natatawang saway niya rito.
Hinalikan nito ang kanyang leeg saka masuyong bumulong sa kanyang tenga.
"I want you so much..."Hinaplos niya ang pisngi nito. "Not now. I need to make these things done before the kids' event. Sa linggo na ang fiesta."
Inalis nito ang kanyang kamay sa mukha nito saka iyon masuyong hinalikan.
"You have a good soul."Napatitig siya rito.
Kung alam mo lang...
Baka magbago ang pagtingin mo sa akin kapag nalaman mong ginagamit lang kita...Iniba niya ang usapan. "Nabili mo ba ang pinapabili kong mga materyales?"
"Yup. Dumayo pa ako sa lungsod para lang mabili ang mga request mo. Those are quite expensive."
"Hayaan mo na, para naman 'yon sa mga bata..."
Ito naman ang napatitig sa mga mata niya.
"You're really willing to go this far just to help those kids.""Yeah, I sincerely wanted to help them."
"Napakabuti ng kalooban mo kahit ipinanganak kang mayaman."
Namula na naman yata siya sa sinabi nito.
"Ikaw rin naman."Kumunot ang noo nito.
"What do you mean?""Akala mo ba hindi nakarating sa kaalaman ko na ipinagpatayo mo ng mga bahay ang mga tauhan natin dito gamit ang sarili mong pera? Pati ang buong lupain katabi ng manggahan ay binili mo para lang ipamigay sa mga tauhan. Tell me now who's the real good guy?"
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya.
"They deserve it after their years of loyalty and hardwork in your hacienda. I know how it feels to have nothing, you know?" katwiran nito.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom (Completed)
RomanceSophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and she consider her life as an open book because of that. Little did they know, she's keeping a secret...