End Part 2

51.2K 1.1K 114
                                    

Nagtaka si Sophia nang makitang nawawala ang Tree House na nakita niyang nakatayo sa puno. Kahit madilim ang paligid dahil gabi na, tanda niya pa rin ang Tree House na pinagdalhan sa kanya ni Conrado dati. Tanging puno na lamang ang nandoon at wala ng bahay.

Nilagpasan nila ang puno. Mukhang may ibang pupuntahan ito. Napatingin siya dito, seryoso pa rin si Conrado. Magmula nang dalhin siya nito sa hacienda ay ngayon niya lang ulit ito nakitang naging ganoon ka seryoso. Nagalit ba talaga ito sa ginawa niya kanina? Pasensiyahan sila dahil nagmahal ito ng selosa!

"Where's the Tree House?" sa halip ay tanong niya.

"I destroyed it."

Nagulat siya hindi sa ginawa nito kundi sa igting ng boses nito.

"Why?"

"Kasi alam kong pagseselosan mo lahat pati pobreng puno," sarkastikong sagot nito.

Nainis siya sa sagot nito. "Eh, bakit ikaw hindi? Diba pinagselosan mo rin 'yong baklang kaibigan ko? Binugbog mo pa nga!"

"You cant blame me. I saw him half naked inside your unit holding my son!"

"He's a fuckin' homo, for crying out loud!"

"I didnt know!" katwiran nito.

"So are we just gonna fight the whole night?" inis na tanong niya.

"I dont know, after you created all this jealousy drama that turned into a fiasco, you tell me."

Nakagat niya ang ibabang labi. Napahiya siya sa narinig. Nanliit siya dahil aminado siyang kasalanan niya. Masisisi niya ba ang sarili niya na paranoid na sa tuwing naiinvolve si Angela sa asawa niya? Ganoon niya kamahal ito! Tapos nagagalit ito kapag ipinaglalaban niya?
Hindi na niya napigilan ang sariling mapaiyak.

Nanlaki ang mga mata nito at napatingin sa kanya. "Now what?"

"Iuwi mo na ako sa mansion!" anas niya sa pagitan ng paghagulhol.

Napamaang ito.
"Why are you crying? It's all your fault for not clarifying all to me then jumping into your nonsense jealousy!"

"Oo, kasalanan ko na! I admit it! Now take me home!"

Napabuga ito ng hangin.
"Jesus..." narinig niya pang bulong nito.

Hinarap niya ulit ito. "I said take me home!"

Saglit itong napapikit bago tumingin sa kanya. Lumambot ang mukha nito nang makita siyang umiiyak. Idinantay nito ang palad sa kanyang mukha saka mabining pinahid ang kanyang mga luha.

"I'm sorry," mahinahon nang sabi nito.
Singhot lang ang isinagot niya. Napanatag naman agad ang loob niya.

"You mean it?" nagdududang tanong niya.

Napangiti ito. Mayamaya ay iiling-iling na natawa. "God, until now I cant decode a woman's strange logic. You're at fault—then you get the nerve to be mad—then you started crying—and now I ended up apologizing."

"That's what it takes to love a woman," nakalabi pang sabi niya.

Mayamaya ay natahimik na naman ito, tila may iniisip. Napatingin siya sa labas. Saan ba siya dadalhin nito? Mayamaya ay inihimpil nito ang sasakyan sa harapan ng isang kubo. Sabay silang dalawa na lumabas. Binuksan nito ang gate ng kubo saka pumasok. Sumunod naman agad siya dito. May patio sa labas ng kubo na may maliit na sala set.
Napapaligiran din ang kubo ng hardin ng mga bulaklak. Simple at maganda ang lugar.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon