Chapter 35

41K 1.1K 146
                                    

Dahan-dahang pinihit pabukas ni Sophia ang seradura ng pinto ng unit ng kanyang Kuya Cloud. Walang nakakaalam na pupunta siya doon. Hindi niya rin sigurado kung nandoon nga ang kanyang kapatid. Kung wala ito sa sarili nitong mansyon, sa condominium unit na iyon ito namamalagi sa tuwing nasa bansa ito.

Nagbabasakali lang siyang nandoon ito at sana'y tama ang kutob niya. Matapos ng komprontasyon nila ni Lorraine kanina'y gustong-gusto niyang makausap agad ang kapatid. Kinalimutan na niyang pinagtataguan ito dahil alam niyang mas kailangan nito ngayon ng makakausap at masasandalan.

Isinara naman agad niya ang pinto nang makapasok saka naglakad papasok ng unit. Nang makarating sa sala ay nakita niya ang isang half-empty na bote ng whisky sa coffee table. Tama ang kutob niya na naroon ang kanyang kapatid. Nagtungo agad siya sa study room nito.

Nang pihitin niya ang seradura ay hindi uli iyon naka-lock, nakahinga siya nang maluwag. Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kanya ang likod ng kanyang kapatid. Nakapamulsa ito habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ganoon ito kapag may malalim na iniisip o 'di kaya'y may pinagdadaanan.

"Cloud," tawag niya rito.


Hindi siya sanay na tinatawag itong Kuya dahil kay Conrado. Kapag tinawag niya kasing Kuya ang kapatid niya dati, automatic na tatawagin niya ring Kuya si Conrado dahil magka-edad ang mga ito. At awkward para sa kanyang tawaging Kuya ang lalaking mahal niya.

Gulat na napalingon ang kapatid niya sa kanya. Nakita pa niya ang munting butil ng mga luhang naglandas sa mukha nito. He's obviously hurting. Nasasaktan siyang makita ito sa ganoong estado. Isa ito sa mga taong kilala niyang matapang pero may mabuting kalooban. Ang makita itong nahihirapan nang ganoon ay lalong nakadagdag nang galit niya kay Lorraine.

Nang makabawi sa pagkagulat ay mabilis na ibinalik ng kapatid niya ang tingin sa bintana. Nakita pa niya ang pasimple nitong pagpahid sa mga luha. Kalmanteng tumabi siya rito. Pinagmasdan niya ang mukha nitong balot ng kalungkutan at sakit. Ibinalik naman nito ang tingin sa labas ng bintana.

Maraming nagsasabing magkamukhang-magkamukha silang magkapatid.
Ngayon ay hindi lamang mukha ang pagkakapareho nila nito. They both have the same fate. They're both been played around by the people they love the most. Nasa dugo na yata nila ang magmamahal, aasa at masasaktan.


"What's up?" tanong niya. Hindi niya ipinahalatang may alam siya sa nangyayari dito.

"Fucked up," sagot nito. Mapait itong napangiti.

"Care to tell me?"

Napaismid ito.
"Yeah, like you're kind enough to tell my why you've been hiding from me these past few weeks."

Natigilan siya. Sapul siya doon.
"I-I told you I'm filing for annulment, right?"


"Annulment...Conrado's going crazy looking for you—"

"Let's not talk about him," putol niya sa sasabihin nito.

Nagkibit balikat ito. "You need to talk."

"I dont need your opinion about my personal life," masungit na sagot niya. Why is he bringing Conrado in the topic?

"What are you doing here anyway? I thought you're hiding?" kapagkuway tanong nito.

"I just thought you need me."


The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon