Chapter 7

38K 865 9
                                    

Sa isang malaking yate dinala si Sophia ni Conrado. Nagulat siya nang malamang binili ng lalaki ang yate na 'yon. Hindi nito sinabi sa kanya na pag-aari nito ang yate, nalaman niya iyon sa asawa ng kliyente na katagpo nila ng mga oras na 'yon.

Hindi niya maalis ang tingin kay Conrado habang nakatayo ito sa harapan ng buffet at kausap si Mr. Roberto Ricci, isang Italian businessman na nakapag-asawa ng Filipina Socialite at tumira sa Pilipinas.

Gustong gawing primary distributor ng goods sa isang malaking food chain sa Italya ang kompanya ng kanyang Lolo. Ang Lolo niya kasi ang nagmamay-ari ng pinakamalawak na Agricultural Corporation sa Pilipinas na siyang nagdi-distribute ng mga fresh cacao, mangoes, pineapple, bananas at iba pa sa loob at labas ng bansa.

Hindi niya lubos akalain na papalitan ni Conrado ang kanyang Lolo. Alam niya dating sinasanay ng Lolo niya ang lalaki na mangasiwa ng hacienda at iba pang mga businesses nito. Ganoon nito pinagkakatiwalaan si Conrado. Hindi niya rin masisisi ang kanyang Lolo dahil walang natirang kamag-anak nila ang gustong humalili sa business nito.

Her brother succeeded his father's family businesses in Manila and some parts of the world. Siya naman ay nagtayo ng sariling Fashion Business. Her mother chose to be with her father in Australia, kung saan naroon ang pinakamalaking Headquarter ng business nila. His Lolo was left with no choice but to hon his own successor. At 'yon nga daw si Conrado.

But he's based in Paris now as a Captain Pilot.

Bakit kaya hinayaan ng kanyang Lolo na maging piloto si Conrado at umalis ng bansa kung ito naman pala ang magmamana ng lahat ng negosyo nito? Matagal na rin nilang alam na pagpi-piloto talaga ang gusto ni Conrado. Baka pinagbigyan lang ng Lolo niya si Conrado at kapag nagsawa na itong magpalipad ng eroplano ay babalik na ito sa hacienda.

Pero magsasawa ba si Conrado sa pagpapalipad ng eroplano?


"I used to hear rumors circulating around this city that Mr. Dimaguiba is once your grandfather's worker, isn't it right?"
narinig ni Sophia na turan ng asawa ni Mr. Roberto Ricci, si Mrs. Lorena Ricci.


Pamilyar siya sa ginang dahil isa itong socialite at lagi niya itong nakikita sa mga social gatherings. Kaharap niya ito sa round table kung saan sila iniwan ni Conrado at ng asawa nito upang kumuha ng pagkain sa buffet.


"Yeah, the rumor is true," pag-amin niya.


Mukha namang hindi ito nasurpresa. "But he looks great though. I mean, he speaks with conviction and you can tell he's an intelligent, trustworthy guy."

Kung hindi lang mas matanda sa kanila ni Conrado ng dalawampung taon ang ginang ay maiinis siya rito. She sounded like she had a crush on him. Naloloka na yata siya't pinag-iisipan niya ito nang hindi maganda. Kahit sino namang tao ay hahanga sa kanyang asawa. Kahit siya nga ay napahanga kanina nang marinig niyang makipag-diskusyunan ito kay Mr. Roberto.

She was surprised how far Conrado knows about the ins and outs of the business. He presented himself with class and professionalism. Humanga siya sa laki ng inilawak ng kaalaman nito. Mas may alam pa yata ito kaysa sa kanya sa business industry. To think na piloto ito at hindi businessman.

Napatingin uli siya kay Conrado. Nadagdagan ang atraksyon niya rito lalo na ngayong mas dumami ang magagandang katangian nito. She fell in love with him before when he was a nobody, what more these days? Ang layo na ng nalipad nito, kasing layo ng eroplanong dinadala nito sa himpapawid. Kaya na nitong makipagsabayan sa pamilya niya.



"Do you have children?" untag sa kanya ni Mrs. Lorena.

Ipinakilala siyang 'asawa' ni Conrado kanina sa mag-asawang Ricci. Medyo nasurpresa nga ang mga ito nang malamang may asawa siya dahil matagal na siyang kilala ni Mrs. Lorena na dalaga. Never daw napabalitang nagpakasal siya. Hindi na sila nag-elaborate ni Conrado para hindi na humaba ang usapan.


The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon