Chapter 49

52.7K 1.1K 77
                                    

"Nandito ka lang pala, Pangga. Kanina pa kita hinahanap."

Nakahinga nang maluwag si Conrado nang matagpuan niya si Sophia sa terrace ng mansion na tahimik na nakatanaw sa buong hacienda habang nakahalukipkip. Nakasuot ito ng mahabang bestida na sinasayaw ng hangin kasama ang buhok nito. Nang lumingon ito sa kanya ay salubong na naman ang mga kilay nito.

Dinala niya ulit ito sa hacienda kung saan nagsimula ang lahat. Nang malaman niyang nagkaanak sila ay biglang nagbago lahat ng plano niya sa buhay. Ang plano niyang pangingibang bansa ay kinansela niya. Nang malaman rin niyang hindi naman pala ito nagkaroon ng ibang karelasyon ay nagkaroon siya ng pag-asa.

Determinado siyang magkabalikan sila at ituwid ang kanyang pagkakamali. Hindi niya isusuko ang pagmamahal niya rito, ipaglalaban niya ito at ang anak nila. Alam niyang mahihirapan siya lalo pa't hindi naging maganda ang naging nakaraan nila. Pero sinusubukan niya ang lahat upang mapaamo ulit ito. Ramdam niyang may katiting pa rin itong pagtingin sa kanya ngunit natatabunan ito ng galit.

Nanggaling siya kanina sa hardin ni Manang Badang. May nakita siyang isang napakagandang gumamela kaya pinitas niya iyon upang ibigay kay Sophia. Hanggang ngayon kasi ay hindi siya pinagkakausap nito ng matino. Lagi itong nakasinghal sa kanya, minsan naman ay nakairap.

Lagi nitong hinahanap si Riley, which is understandable kasi nanay ito, ngunit nangangamba siyang kapag ibinigay niya rito ang kanilang anak ay bigla itong tumakas sa kanya. Mapupurnada ang plano niyang panunuyo rito.

"I cant believe you held me captive in this forsaken place!" singhal agad nito sa kanya.

"You call this place forsaken? This is our love nest, Pangga! This is also your Lolo's priced hacienda," pagtatama niya.

"Love nest, my ass!"


Hindi siya nagpadaig sa kamalditahan nito, bagkus ay isiniksik niya sa tenga nito ang dalang gumamela. Mabuti na lang at hindi ito umalma. Inayos niya ang buhok nito kapagkuwan. Napangiti siya. Hindi talaga matatawaran ang ganda nito.


"You're too damn gorgeous to be mad, pangga."


Nakita niya ang pamumula ng mukha nito ngunit umirap lamang sa kanya. Nanggigil siya rito't hinapit ang baywang nito upang mapalapit sa kanya. Kinintilan niya ito nang masuyong halik sa labi. Gumanti ito ngunit saglit lang pagkatapos ay itinulak siya. Nadismaya siya. Namiss niya ang mainit nitong pagtanggap sa mga advances niya dati.


"A-ano ba! B-baka may makakita sa atin..." masungit na asik nito sa kanya.

"It's not as if we've never done this before. We made love in almost every part of this mansion and you never bat an eye."

Lalo itong namula sa sinabi niya. Pinaningkitan pa siya nito ng mata which made her look cuter.
"T-that was before! Hindi na ngayon!"

"That's not what you said to me last night when you bent your knees in the kitchen..."

Tinampal nito ang bibig niya.
"Napakabastos mong magsalita! Baka nakakalimutan mong hiwalay na tayo, Conrado? We're over and you cant change my mind!"

"I'm sorry to disappoint you, love, but I'll do whatever it takes to make you mine again," seryosong saad niya.

Tumikwas ang gilid ng mga labi nito.
"That's never gonna happen again! Napipilitan lang akong gawin lahat ng gusto mo dahil gusto kong mabawi ang anak ko. Pero ang buong puso't kaluluwa ko'y nandidiri sa presensya mo!"

Napatiim bagang siya pero sinubukan niya pa ring magpigil. Alam niyang mahihirapan siyang mapaamo si Sophia. Kailangan niyang pahabain ang pasensiya niya upang magtagumpay na makuha muli ang loob nito. Matagal na siyang nagsisisi na binalewala niya ito dati. Ngunit mas napagtanto niya ngayon kung gaano siya kagago upang ignorahin ito dahil naiba na ang pagtrato nito sa kanya. Namiss niya ang dating Sophia.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon