Chapter 45

43.6K 1K 145
                                    

Nag-eempake na ng damit si Conrado sa kanyang mga maleta. Matagal pa bago ang susunod na hearing ng annulment nila ni Sophia kaya naisipan niyang lumabas ng bansa at magsimula ng bagong buhay. Naisin man niyang pamunuan ulit ang hacienda, hindi rin naman siya magtatagal dahil ibabalik niya 'yon sa pamilya ng mga Martinez kapag na-finalized na ang annulment.

Iyon kasi ang nakasulat sa will and testament ni Don Fabian. Mapapasakamay niya ng lubusan ang hacienda kapag hindi sila naghiwalay ni Sophia. Kaso ayaw naman niyang matali ang babae sa kasal nila kung may pamilya na ito sa iba. At isa pa, narealized niyang hindi siya makakapag-moved on nang husto kung mananatili siya sa lugar kung saan marami silang masasayang alaala ni Sophia. Pupunta na lamang siya ng ibang bansa, but not France.

He finally confessed to Sophia at the party. It takes a lot of gut for him to tell her how he feels considering he's not vocal when it comes to his emotion. At hindi rin niya alam ang magiging reaksyon nito. Tila nawalan naman siya ng bigat na dinadala nang magtapat siya rito. It was the closure he was longing for.

Alam niyang wala namang magbabago kung malalaman nitong mahal niya ito. Ayaw lang niyang isipin ni Sophia na hindi niya pinahalagahan ang damdamin nito sa kanya. Mahal niya rin ito kahit hindi man sila nagkatuluyan. Masaya naman siyang palayain ito't makita itong lumigaya sa iba.

He was about to close his luggage when he heard his doorbell rang. It must be Angela. Umuwi na naman ito sa Pilipinas at nagyayayang kumain sa labas. Kahihiwalay lang nito sa current boyfriend na isang modelo. Papalit-palit ng lalaki si Angela magmula nang tuldukan niya ang namamagitan sa kanila.

Iniwan niya ang kanyang luggage sa ibabaw ng kama saka nagtungo sa kanyang pintuan. Inayos niya muna ang nagusot na damit bago pinihit ang seradura. Nang buksan niya ang pinto ay napamulagat siya sa kanyang nakita. Si Lorraine! Hindi ito nag-iisa dahil may dala-dala itong bata.


"Hey!" nakangiting bati nito sa kanya na tila ba matagal na silang magkaibigan.



"H-hey," tanging nasabi niya.

His eyes were locked with the baby she was cuddling. The baby looks oddly familiar. Naalala na niya kung saan niya ito nakita, anak ito ni Sophia! Nakatingin din ito sa kanya habang may nakasalpak na pacifier sa bibig. Napatda siya nang bigla itong inabot ni Lorraine sa kanya. Wala siyang choice kundi kargahin at yakapin ang bata. Kinilabutan siya habang karga ito. Tila may kakaibang damdaming lumukob sa kanya habang magkadikit ang mga balat nila ng bata.



"Oh, aint you look perfect? You look like father and son!" Magkasiklop pa ang mga palad ni Lorraine habang nakatingin sa kanila.

"W-what? Why are you giving him to me?" nagtatakang tanong niya.


"He's Sophia's baby. Apparently ay may meeting siyang pinuntahan kaya pinakiusapn niya muna akong bantayan si Riley. Then naalala kong may meeting din pala ako sa manager ko kaya ikaw na lang muna ang magbantay sa bata," nakangising sabi nito.


"W-what? Are you crazy?" 'di makapaniwalang tanong niya.

Pinandilatan siya nito ng mga mata.
"O bakit? Baka nakalimutan mong may utang na loob ka sa akin? Maniningil na ako!"


"Yeah, but...but not like this. I'm not a sitter!"
Hindi pa siya nakapag-alaga o nakapagbantay ng bata sa tanang buhay niya!


"Puwes pag-aralan mo na! Ngayon lang naman 'to. Kapag natapos ako sa meeting ko, I'll take him again with me."

Napatiim bagang siya.
"You're being ridiculous, Lorraine!" sigaw niya sa babae.


Umiyak tuloy ang bata sa gulat.
Nagkumahog naman siyang helehin ito. Narinig pa niya ang mahinang paghagikhik ni Lorraine. Lalo siyang nairita lalo pa't kinuha pa nito ang cellphone at pinicturan sila! Naiinis man ay hindi na lamang siya kumibo. May utang na loob siya rito. Mayamaya ay may isinukbit itong maliit na bag sa kanyang balikat.


The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon