Chapter 20

35.8K 866 89
                                    

"Sophia, the editor-in-chief of the Vogue Magazine Japan contacted me yesterday and was asking a schedule to meet you up. Apparently they were captivated by your kimono inspired evening gowns and they want to feature you in their next month's issue."

Napabuntong hininga si Sophia sa narinig ky Bambi mula kabilang linya. How she wanted to grab the chance to be featured in Vogue Japan. She loves Japan, its culture and people. She would love to share her designs to them but she felt like it's not the right time to do that.

Mas uunahin niya ang kanyang chance na magkaroon ng anak kay Conrado. Disappointed siya kasi nagkaroon siya ng menstruation noong isang araw. Hindi niya alam kung saan siya nagkulang. Sinusunod naman niya lahat ng instructions tungkol sa mga posisyon at kailangang gawin pagkatapos makipag-sex para lang mabuntis. Pero bakit ganoon? Napakailap sa kanya ng pagkakataon.

I need to try harder. Hangga't napapasunod ko pa si Conrado sa mga gusto ko't nababaliw pa siya sa sa akin, gagawin ko na ang lahat.
At hanggang hindi pa pumapasok si Angela sa eksena...

Napabuntong hininga siya nang maalala ang babae. Inaamin niyang parang dinudurog ang puso niya sa usapan nila ni Conrado sa Tree House noong isang araw. Ginawa pala ang Tree House para kay Angela. Nasaktan siya pero hindi siya nagpahalata. Lagi niyang isinisiksik sa utak na wala siyang karapatang sumbatan si Conrado dahil kasalanan niya ang lahat.


"Hey, girl, are you still there?" untag sa kanya ni Bambi sa kabilang linya.


"Y-yeah..."

"So I cancelled our entry in New York Fashion Week," patuloy nito.

"Good..."

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.
"I cant help but to miss the old Sophia. You were so strong-willed and full of life. Ngayon ay tila bigla kang nagbago. I cant blame you though, your life had taken a bitter twist."

Naguilty siya kay Bambi. "I'm really sorry, Bambs. Promise babawi ako sa 'yo kapag nalampasan ko ang lahat ng 'to."

"Paano ka pa makakabawi kung unti-unti ka nang kinakain ng sakit mo? I wish you meet someone their to knock some sense to your head."

Hindi na siya kumibo. Mayamaya ay nagpaalam na siya sa kaibigan. Pinilit niyang pinasigla ang sarili dahil kaarawan ni Conrado. Agad siyang nagtungo sa kuwarto ng Lolo niya. Nagtaka siya nang hindi makita si Conrado doon. Lagi itong nauuna sa kanya upang asikasuhin ang Lolo niya. Malamang ay abala ito sa taniman.



"Hi, Lo!" bati niya sa matanda.
Agad siyang humalik sa noo nito.


"Where's your husband?" tanong ng kanyang Lolo.

"I don't know. I just woke up."

"Hindi ba kayo magkatabi sa pagtulog?"

Namula siya sa narinig.
"H-hindi, may sarili siyang kuwarto."

Come to think of it, hindi pa siya nakakapasok sa kuwarto ni Conrado. Siya kasi lagi ang nagyayaya rito sa kanyang kuwarto. Ngayon lang niya napagtantong hindi pa siya nito niyayaya sa kuwarto nito. Mas mabuti na rin 'yon at baka makita na naman niya doon ang mga pictures ni Angela. Hindi niya siguro makakayang makipagsiping sa lalaki na nakikita ang mukha ng ex nito.

Nang matapos niyang pakainin at painumin ng mga gamot ang Lolo niya'y nagpasiya na itong matulog. Siya naman ay bumaba ng mansyon at nagtungo sa usual hang-out place niya. Ang swing na ginawa ng kanyang Lolo sa bakuran ng mansyon. Paborito niya doon dahil nakakapag-isip siyang mag-isa.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon