Chapter 47

46.8K 1.1K 107
                                    

"Why are you not talking to me?"

Sinalubong ni Sophia nang masamang tingin si Lorraine nang magtungo ito sa opisina niya. Actually ay hindi pa dapat siya babalik sa trabaho pero dahil hindi pumasok si Bambi sa hindi malamang kadahilanan dahil hindi naman ito tumawag sa kanya kagabi, napilitan siyang pumasok. Ang hindi lang niya inasahan ay ang biglang pagsulpot ni Lorraine doon.

Nahuhulaan na niya ang pakay ni Lorraine. Hindi niya kasi ito pinagkakausap lately dahil sa ginawa nito. Ipinagkatiwala niya ang anak niya rito pero ibinigay nito si Riley kay Conrado. Hindi niya talaga maisip kung nananadya ito o ano. Alam nitong itinatago niya ang anak niya sa ibang tao, lalong-lalo na kay Conrado!


"You tell me," matabang na sagot niya.

Namaywang ito. "Is this about Conrado and Riley?"

Hindi siya sumagot ngunit inirapan ito. Alam naman pala nito, nagtatanong pa! Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nagpanggap na busy sa pagbabasa ng mga messages niya para makaiwas kay Lorraine. Masama ang loob niya rito't baka ano pa ang masabi niya.

"Oh, c'mon, Sophia! I had no choice but to leave Riley to him. I had an urgent meeting!" paliwanag nito.

"Really, Lorraine? Of all people, kay Conrado pa?" sarkastikong sagot niya.

"Why not? He'a not busy and that's his son!"

Umigting ang bagang niya.
"You dont get to decide anything with regards to my son kahit pa tinulungan mo akong iluwal siya, Lorraine."


"Seriously, Sophia? Suck your pride! Conrado has changed. At mahal ka niya."

Umingos siya. "How can someone say he loves me if he's crazy over someone else?" sarkastikog balik niya.


"They're over!"

Hindi pa rin siya nagpatinag rito. "Of course he's gonna say that 'cause he's a liar."


Nabilog ni Conrado ang ulo ni Lorraine. Paano nito nasabing naghiwalay na sina Conrado at Angela kung n'ong isang araw lang ay nakita niya ang mga itong magkasama?
Tinitigan siya ni Lorraine nang masama.


"Sana hindi ka magsisi sa bandang huli dahil d'yan sa taas ng pride mo, Sophia. Dont be like me, I've taken for granted your brother. At the end, I'm the one who suffers."

"We have a different story, Lorraine. And don't worry, I'm not gonna end up like you. I'm smarter," patuyang sabi niya.

Nakita niyang sumama ang loob nito sa sinabi niya pagkatapos ay tinalikuran siya't nagmartsa paalis ng kanyang opisina. Napabuga siya ng hangin. As much as possible ay ayaw niyang komprontahin ito kaya iniiwasan niyang magkita at mag-usap sila para hindi ito makarinig nang masasakit na salita sa kanya. Nakanti na siya kaya napagsalitaan niya ito ng masama.

Napansin niya ang kanyang cellphone na kanina pa tumutunog sa loob ng kanyang hand bag. Hindi niya agad narinig iyon dahil sa komprontahan nila ni Lorraine. Mabilis naman niyang kinuha ang cellphone at nakitang tumatawag sa kanya si Duday. Kumunot ang noo niya. Kabilin-bilinan niyang siya ang tatawag dito at hindi ito upang makatipid ito sa load. Ito kasi ngayon ang nagbabantay kay Riley.

Hindi niya iniiwan basta-basta si Riley sa mga katulong maliban sa araw na iyon dahil napilitan siyang pumasok sa opisina. Kinabahan tuloy siya bigla dahil sa pagtawag nito. Agad naman niyang sinagot ang cellphone.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon