Chapter 8

37.2K 795 22
                                    

Sophia had a main goal and that is—to have her own baby. At kapag nagkaroon siya ng goal, hinding-hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha iyon. Walang makakapigil sa kanya kahit gaano pa kahirap ang pagdaanan para makamit ang gusto niya.

I'll win this time.

Ipinangako niya sa sariling kahit anong pilit ni Conrado na iwasan siya, hindi niya titigilan ito hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya eito. Kesehodang mamuhi ulit ito sa kanya. Besides hindi na rin naman bago sa kanya ang galit nito. Kinasusuklaman din siya nito noong pinikot niya ito dati. Sanay na siya.

Nakonsensiya siya noon ngunit ang importante, naikasal ito sa kanya.
At gagawin niya ulit iyon ngayon kahit kasuklaman siya nito habang buhay.
Isinagawa niya uli ang sumunod niyang plano.
Nagsuot siya ng sexy na damit, iyong hapit sa kanyang katawan. Kapag yumuko siya ay makikita ang cleavage ng dibdib niya sa suot niyang off shoulder blouse.

Ang short pants naman niya ay hanggang kalahati lamang ng hita niya ang haba. Litaw na litaw ang mahaba at makinis niyang legs. Kahit sinong lalaki ay maglalaway kapag nakita ang kagandahan niya. Tingnan lang niya kung hindi tumulo ang laway ni Conrado sa suot niya.

Nagtungo siya sa kuwarto ng kanyang Lolo. Ang sabi ng kasambahay nila ay nandoon si Conrado at nagpapakain sa kanyang Lolo. Nang makapasok siya ng kuwarto ay agad na nagtama ang mga mata nila ni Conrado.

Nginitian niya ito na para bang walang nangyaring hindi maganda sa kanila kagabi. Nasaktan pa rin siya sa ginawa nito ngunit isinantabi niya muna. Kapag pinairal niya ang pagiging balat sibuyas ay hindi talaga siya magtatagumpay sa gusto niyang gawin.

Nadismaya siya nang mag-iwas ng tingin si Conrado at nagpatuloy sa pagpapakain sa kanyang Lolo. Sinadya niyang kumembot sa paglalakad para magmukhang kaakit-akit sa paningin nito kahit hindi naman ito nakatingin sa kanya.

Pumuwesto siya sa kabilang gilid ng kama at yumuko upang humalik sa pisngi ng kanyang Lolo. Sinadya niyang huwag takpan ng kamay ang dibdib para lumuwa ang mga mata ni Conrado kapag nakita ang cleavage niya.


"Good morning, Lo," nakangiting bati niya sa kanyang Lolo.

"Morning, Tambukikay ko."

Palihim siyang napangiwi sa tinawag ng kanyang Lolo sa kanya. Hindi bagay sa sexy get-up  niya ngayon ang palayaw na Tambukikay.
Nang balingan niya si Conrado ay huling-huli niya na napatingin ito sa dibdib niya bago nag-iwas ulit ng tingin. Lihim siyang napangiti.

Strike 1!

Umupo siya sa tabi ng kanyang Lolo at sinadyang inangat ang kanyang legs sa kama para malayang makita ni Conrado na tahimik pa ring nakamasid sa kanila. Ang kanyang Lolo ay naaliw na minamatyagan ang mga kilos niya. Tinapik nito ang balikat ni Conrado.

"Dong, tingnan mo 'tong asawa mo. Habang tumatagal, paganda ng paganda, hindi ba?"


Pumalakpak ang tenga niya sa narinig. Ang kanyang Lolo na yata ang oldest version ni kupido dahil halatang shiniship sila nito.
Tila hindi  naman inaasahan ni Conrado ang sinabi ng Lolo niya.

"H-ho?"

"Ay sus, Dodong, makinig ka kasi at hindi puro titig sa legs ng apo ko!"

Natawa siya nang mahina. Si Conrado naman ay namula ang mukha. Hindi na pala niya kailangan dumiskarte sa lalaki, ang Lolo na niya pala ang didiskarte para sa kanya. Nanatili siyang nakangiti habang matamang nakaabang sa reaksyon ni Conrado. Hindi niya iniaalis ang malalagkit na tingin dito. Seryoso pa rin naman ang hitsura nito kahit binibiro ng kanyang Lolo.


The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon