Epilogue

75.6K 1.6K 346
                                    

Sa ikalawang pagkakataon ay naglakad muli si Sophia sa aisle papuntang altar ng simbahan. Nagdesisyon silang magpakasal muli ni Conrado. Gusto daw nitong ipadama sa kanya ang totoong pakiramdam ng ikakasal. Nag-imbita sila ng mga malalapit na kaibigan nila't mga malalapit ring kamag-anak. Angela and Luc are even there. Katatapos lang ng mga itong ikasal last year sa huwes.

Habang naglalakad papuntang simbahan, suot ang pinaka-elegante at pinakamagandang traje de bodang gawa niya't ni Bambi, hindi niya mapigilang mapasulyap sa kanyang Papa. Katabi niya ito at as usual ay walang say sa nagaganap at tanging suporta lamang ang ipinapakita sa kanya. Her father has always been like that to her and Cloud. Though they barely see and talk to him, they knew in their hearts that their father only wanted what's the best for her and Cloud.

Sa kabilang gilid naman niya ang kanyang Mama, na walang nagawa kundi dumalo sa kanyang kasal. She looked so regal and dashing with her gown though.
Nang ipagtapat niya rito na nagkabalikan sila ni Conrado ay halos magwala ito. Hindi daw nito ine-expect na ganoon siya katanga upang tanggapin ang kanyang asawa na sobrang nanakit sa kanya. Ipinaliwanag niya rito ang lahat at kung hindi nito matatanggap ang naging desisyon niya'y wala na siyang magagawa. Pero kahit ang dami nitong sinabi sa kanya, dumalo pa rin ito sa kanyang kasal.

Nakita niya ang kanyang guwapong groom sa harapan ng altar. Nagtama ang mga mata nila at hindi nila mapigilang mapangiti sa isa't isa. Hindi kagaya ng dati, hindi na siya kinakabahan habang papalapit dito. He looked so contented and genuinely happy. She can even see tears lurking at the corner of his eyes. Unlike before na hindi maipinta ang mukha nito't mabagsik na nakatingin sa kanya, ngayon ay puro paghanga at pagmamahal ang nakikita niya sa mga mata nito.

Sa harapang pew ay nakita niya ang mga kaibigan niya. Karga-karga ni Lorraine ang kanyang anak. Katabi nito si Cloud. Nagkabalikan na ang mga ito last month. Tuwang-tuwa siya dahil kumpleto na ang kaligayahan ng bestfriend niya! Sina Guia, Resha at Ian ay naroon din at kasama ang mga respective partners ng mga ito.

Si Sidney ay ang kanyang Maid of Honor. Ito na lang ang tanging single sa kanilang magkakaibigan. Si Danilo naman ay ang bestman ni Conrado. Nakakatuwang tingnan ang mga ito dahil ang bilis ng mga itong nagkalapit sa isa't isa. Hindi pa naman masyadong palaimik sa ibang lalaki si Sidney pero kay Danilo ay ang daldal nito.

When she finally reached her groom, her heart suddenly stopped while looking at him. Lalo itong gumuwapo sa suot na puting Americana. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito habang inaabot ang kanyang kamay. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay nito saka pinisil. Until now she still couldn't believe this is all happening. That the man she only loved is to be married again to her for the second time. And this time, she finally captivated his heart. Hindi na raw ito tatakas o tatakbo sa kanya.

Ilang minuto din tumagal ang kanilang kasal. Every words in their vow were sincerely sworn from the bottom of their hearts. They looked at each other's eyes, held their hands and whispered the sweet words of their vow. At pagkatapos n'on ay ginawaran na nila ang isa't isa nang isang makaputol hinangang halik. Walang eksaktong salita ang puwedeng maglarawan kung gaano siya kasaya nang mga oras na 'yon. Natupad na rin sa wakas ang pinapangarap niya.

Nang matapos ang vow nila at idineklara ng pari na mag-asawa na ulit sila ni Conrado ay umugong ang masigabong palakpakan. Kasunod ng palakpakan ay kanya-kanya ng pose ang mga bisita para sa mga wedding photos. Kapansinpansin kay Sidney ang kawalan nito ng sigla through out sa kasal.

Kung hindi lang lubos ang saya niya nang araw na iyon ay baka nagtampo na siya rito. Kanina pa ito hindi nakangiti na tila ba may pinagdadaanan. Hindi ito dating ganoon kahit may problema. Lagi itong masigla at kwela puwera ngayon. May kinalaman kaya doon ang pagdating ng amo nitong si Andrew sa kasal niya? Inimbitahan kasi niya si Andrew kahit ayaw ni Sidney. May tampuhan yata ang dalawa dahil nag-resign ito sa lalaki.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon