Chapter 15

34.2K 928 37
                                    

Negative

Napakagat labi si Sophia upang pigilan ang paglabas ng kanyang pagkadismaya. Negative na naman ang pregnancy test niya. Kailan ba siya mabubuntis? Nagawa na niya lahat ang posibleng posisyon upang makapasok nang mabuti ang sperm cell ni Conrado sa kanya ngunit hindi pa rin iyon epektibo.

Hayana mo na, Sophia, marami pa kayong pagkakataon ni Conrado. Magtiwala ka lang...

Napabuga siya ng hangin at itinapon ang pregnancy kit sa trash can sa loob ng kanyang banyo. Ilang sandali pa'y inayos na niya ang kanyang sarili at lumabas ng banyo. Matapos niyang magbihis ay dumeretso siya sa kuwarto ng kanyang Lolo para lang magulat nang makitang wala ito roon.


"Nasa terasa po siya, Maam, kasama si Sir Dodong," anang Nurse sa kanya.

Napatango siya at nagtungo sa terrace na sinasabi nito. May malaking terrace sa harapan ng mansyon kung saan makikita ang buong kalawakan ng manggahan. Natagpuan nga niya ang Lolo niya doon sakay ng isang wheelchair at may kabit na oxygen sa ilong. Nakatayo sa tabi nito si Conrado na tahimik na nakatanaw sa buong manggahan.


"Eheem!" Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ng dalawa. Agad naman napalingon ang mga ito sa kanya.

Nakangiting lumapit siya sa kanyang Lolo saka kinintilan ito ng halik sa noo. Sumunod ay nilapitan niya si Conrado na tahimik lang na nakamasid sa kanya. Tumingkayad siya't hinalikan ito sa mga labi. Natigilan ito sa ginawa niya. Gulat na napatingin ito sa kanyang mga mata. Napangiti siya saka ipinulupot ang mga kamay sa braso nito.

"What a wonderful scene!" rinig niyang sabi ng kanyang Lolo.

Sa loob ng ilang linggong pananatili niya sa hacienda, sa mga oras lang na 'yon niya nakita na umaliwalas ang mukha ng kanyang Lolo. Halos maiyak pa nga ito sa tuwa dahil pinapahid nito  sa mga mata ang tissue na hawak. Nabaghan siya sa matanda kaya nilapitan niya ito at niyakap.


"Aw, Lolo, dont cry..." alo niya rito.

"I-I cant help it, apo. I thought this would only happen in my dream...that you and Conrado will get back together," naluluhang sabi ng Lolo niya.

"Lolo, sabing huwag n'yo na kami isipin. Magpagaling ka para lumakas ka tapos mamamasyal ulit tayo sa hacienda!" pagpapalakas niya ng loob dito.

"Tambukikay ko, hindi na lalakas pa si Lolo. Sa inyo ko na mag-asawa ihahabilin ang lahat ng ari-arian ko. Sana'y pagpalain ako ng Panginoon na mabuhay pa ng kaunti para makita ko ang mga magiging anak n'yo..."

Hindi siya nagpahalatang nalungkot sa sinabi ng kanyang Lolo.
Lo, ganoon din ang dasal ko. Na sana, mabuntis na ako ni Conrado para lumaya na siya sa kasal namin...

Hindi na siya ulit kumibo't niyakap na lang ang kanyang Lolo. Gumaan ang loob niya nang makitang ang saya ng kanyang Lolo habang pinagmamasdan sila ni Conrado. Hindi parte ng pagpapanggap ang paghalik niya sa lalaki kanina. Gusto niya talagang halikan ito oras-oras.

Nang balingan niya ang lalaki ay titig na titig ito sa kanila ng kanyang Lolo. Pormal ang anyo nito na tila may malalim na iniisip. Nginitian niya ito. Wala naman siyang nakuhang ganti mula rito. Nagkibit balikat siya't tinanaw ang napakalawak na manggahan.

"Ang laki na nang ipinagbago ng manggahan. Dumami ang mga puno ngayon," aniya sa matanda.

"Ang buong manggahan, sampu ng iba pang mga lupain ko ang mamanahin ng asawa mo, Sophia..." anang kanyang Lolo.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon