Chapter 28

36.1K 1K 155
                                    

Author's note: Nagpapasalamat po ako sa pagsubaybay n'yo sa kwentong ito. Nababasa ko po lahat ang mga comments n'yo, mapa-violent, galit, sad at etc , natutuwa po ako pero hindi ko po kayang replyan lahat. At sana huwag n'yo po masyado dibdibin, ayoko pong naiistress kayo. Relax lang po and thank you sa uulitin!

•••••••••••

Conrado cant keep his eyes off from Sophia. Nandoon siya,  sina Angela at Emily sa terasa habang hindi maalis ang mga mata kina Sophia at Darwin na nagkukuwentuhan sa may  swimming pool. Tanaw niya ang mga ito mula sa kinaroroonan nila at dinig na dinig niya ang malulutong na tawanan ng dalawa.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya maalis ang mga tingin kay Sophia. Marahil dahil nakasuot na naman ito ng provocative na bathing suit habang nagsu-swimming kasama si Darwin. Niyaya siya ni Darwin kanina na sumama sa mga ito ngunit tumanggi siya dahil dadating sina Angela. Ngayon ay tila gusto niyang magsisi at tumanggi pa siya.

"Who is he?"

Mabilis napadako ang tingin niya kay Angela nang magsalita ito. Hindi niya namalayang nakaligtaan niya ito dahil sa pagmamasid niya kina Sophia. Nasa tabi niya ito't umiinom ng tsaa na gawa ni Emily.

"Darwin Sakamoto, a businessman from Japan," matipid na sagot niya.


"Why is he here? Is he your fake wife's lover?"

Tiningnan niya ito nang masama. "No."

Umismid ito. "How sure are you? Napaka-sweet nila sa isa't isa, sa tingin mo walang namamagitan sa kanilang dalawa? Baka nagse-sex na ang mga 'yan—"

"They're just friends, Angela," mariing putol niya sa sasabihin nito.

"Bakit mo ipinagtatanggol ang dalawang 'yan? Puwede mong gamitin ang relasyon nila para mapabilis na mapawalang bisa
ang kasal ninyo. Think of it as your advantage, Conrado."

Hindi siya kumibo. Angela's right, that's a big ground for annulment. Pero hindi niya maatim na gamitin iyon laban kay Sophia kung alam naman niyang walang namamagitan sa dalawa.

"You know what? They look perfect. Bagay sila sa isa't isa considering they both came from a filthy rich family," patuloy ni Angela.

Biglang tila may kumudlit na kung ano sa puso niya. The reality hit him hard. Ibinalik niya muli ang tingin sa dalawa. Nag-uusap pa rin ang mga ito at mukhang nag-eenjoy si Sophia sa usapan nito't ni Darwin dahil panay ang tawa nito. She never laugh like that whenever they were together.

Perhaps Angela's right, Sophia and Darwin are perfect for each other. Darwin can give Sophia what he cant offer to her—love. Napabuntong hininga siya. He cant explain why he suddenly felt a sting in the heart. Parang may biglang bumara sa lalamunan niya nang maisip na may ibang lalaking magpapaligaya kay Sophia.

But she deserve to be loved more than anyone in this world. Inaamin niyang madalas siyang nawawala sa sarili sa tuwing magkasama sila ni Sophia. Mabilis siyang nagagalit, naaawa o 'di kaya'y natutukso ng babae. Nakakapagtaka dahil hindi siya ganoong klase ng tao. Napakahaba ng kanyang pasensiya. Si Sophia lamang ang may taglay na katangiang nakakapagpagulo ng isipan niya.

"Hey, guys, lunch is ready!"

Napalingon siya sa may pintuan nang pumasok si Emily. Ito ang nagpresentang maghanda ng pananghalian. Agad naman silang tumalima nang yayain na sila nitong kumain sa dining area. Nang papalapit na sila sa dining area ay naalala niya ang dalawa sa swimming pool.


The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon