Chapter 14

33.6K 805 34
                                    

"🎶Looking back on the things I've done. I was trying to be someone. I played my part, kept you in the dark. Now let me show you the shape of my heart..."

Sumasabay si Sophia sa kanta ng mini stereo sa pick-up ni Conrado. Bumabyahe sila papuntang lungsod upang mamili ng mga kinakailangang materyales ng mga tauhan sa hacienda. Sila lamang ni Conrado ang bumabyahe na siyang ikinatuwa niya. Ibig sabihin lang n'on ay masosolo na niya ito.

Natigil siya sa pagkanta nang makitang ngiting-ngiti si Conrado habang nagmamaneho. Panay ang sulyap nito sa kanya habang kumakanta siya. Mukhang pinagtatawanan siya nito. Lagi siya nitong pinagtitripan dati kapag kumakanta. Wala daw kasi sa tono ang boses niya.


"Bakit ka tumigil? Go on. Go on..." nakangiti pang pang-uudyok nito.

"I see you're grinning from ear to ear, are you making fun of me?" sita niya rito't humalukipkip pa.

"Of course not. Naalala ko lang na lagi mong kinakanta ang mga kanta ng Backstreet Boys noong bata ka pa."


"Hindi ba jam ninyo 'yan ni Kuya dati? Ginagaya n'yo pa nga ang mga porma ng Backstreet Boys noon," naaaliw na sabi niya. Naalala niya tuloy ang pagsusuot nito ng oversized t-shirt at loose pants.

"And you used to imitate Britney Spears."

Napabungisngis siya nang maalala ang pagiging fangirl niya kay Britney Spears.

"Yeah, I used to imitate her robotic voice!"
Tumikhim siya't ginaya ang boses ni Britney Spears. "🎵 Oh baby, baby. How was I supposed to know? That something wasnt right here.🎶"

Humagalpak ito ng tawa.
"You sounded like a chipmunk!"

Natawa siya sa sinabi nito saka ito sinapak sa balikat. "Oh, come on! I was way better than that!"

"Fine, kaboses mo na si Britney."

Confident siyang napangiti. "'Yan, ganyan nga. Masunurin!"


"I saw her live in USA, you know. I was on her concert," kapagkuway sabi nito.


"Oh, I sat with her in New York Fashion Show," pagbibida naman niya.


Umiling-iling ito. "Hands down. Panalo ka na."

She was grinning from ear to ear when he admitted she won. Gustong-gusto niyang nanalo sa argumento nila kahit alam niyang pinagbibigyan lang siya nito.
Ito lang yata ang tumatrato sa kanya nang ganoon. Tinatrato siya nitong parang bunsong kapatid. And she hated that because she wanted him to be his prince charming, not a sibling.


"Marami bang kainan sa lungsod?" kapagkuway tanong niya.

"Bakit, nagugutom ka na ba?"

"Not really. Gusto ko lang itry ang local delicacies nila."

"May paborito akong kainan. Ililibre kita doon," anitong kumindat pa.

Napangiti siya. "Really? Ang yaman! Nanilibre ka na, ah!"

"Not as rich as you are."

Sinundot niya ito sa tagiliran dahil sa pagiging humble nito. "Pa-humble pa 'to! Bilib nga ako sa 'yo dahil rags to riches ka. In short, pinaghirapan mo ang yamang nakamit mo ngayon. Unlike me who was already born with a silver spoon on my mouth."

"You're a hard worker too. Hindi mo mapapalaki ang fashion business mo kung hindi dahil sa iyong talento at pagsusumikap."

Lumubo ang puso niya sa narinig. Sanay siyang makarinig ng papuri sa iba pero iba pala kapag galing kay Conrado. Para siyang inaangat sa ere sa kasiyahan. Tuluyan na niyang nakalimutan ang kanyang problema. Kapag kasama niya ang lalaki ay tila nawawalang saysay ang lahat at nakasentro na dito lahat ang atensyon niya.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon