After 7 months...
Tahimik na pinagmamasdan ni Sophia ang ultrasound print-out na ibinigay sa kanya ni Grace kanina. Tuwang-tuwa siya nang makita ang anak niya sa loob ng kanyang sinapupunan. Siyam na buwan na ang pinagbubuntis niya at natutuwa siyang malaman na lalaki iyon. Wala naman siyang pili sa kasarian ng bata basta ba ay malusog iyon at walang depekto.
Mag-isa pa rin siyang nakatira sa condominium unit. Lagi siyang binibisita doon ni Grace upang suriin. Strikto ito sa diet niya kaya todo ang control niya sa pagkain. Maingat din siya sa pagkilos lalo pa't maselan ang pagbubuntis niya. Lahat ng ipinapayo nito ay sinusunod niya. Ginagawa niya ang lahat ng iyon para sa kanyang anak.
Noong unang trimester niya sa pagbubuntis ay inakala niyang hindi magsu-survive ang anak niya dahil palagi siyang nao-ospital. Minsan dahil sa matinding pagsusuka at pagkahilo, minsan naman ay dahil sa pagdurugo. Walang araw na hindi siya umiyak pero lagi niyang pinapaalala sa sarili niya na magpakatatag. Kumukuha siya ng lakas sa magiging anak niya para malampasan ang lahat ng pagsubok na dumarating sa kanila.
Hanggang ngayon ay walang nakakaalam nang kanyang kalagayan. Ang mga kapamilya't mga kaibigan niya'y hindi siya matawagan dahil bumilis siya ng bagong sim card. Si Bambi rin ay hindi alam kung nasaan siya, ang alam nito'y nasa Japan nga siya't busy sa pag-eexpand ng kanyang negosyo. Sanay naman itong pamunuan ang kanyang kompanya at malaki ang tiwala niya rito.
She completely excluded herself from the rest of the world. Nagbuhay ermitanyo siya sa loob ng condominium unit na 'yon. Nagi-guilty siya sa kanyang mga kapamilya't kaibigan ngunit ginawa niya iyon hindi lamang para sa kanya kundi para sa baby niya. Ayaw niya ng stress na maaaring makapagpahamak sa buhay ng anak niya.
"This will pass, Sophia. Malalampasan n'yo rin ito ni Baby Riley..." kausap niya sa sarili.
Riley ang ipapangalan niya sa kanyang anak. Nabasa n'ya ang pangalan na iyon sa isang poem dati at nagandahan siya. Ang ibig sabihin ng pangalan ay luxurious at carefree existence. Gusto niyang mamuhay ang anak niya na malaya at walang inaalala.
Natigil siya sa pagmuni-muni nang makarinig nang makarinig ng tunog ng doorbell. Mukhang nakabalik na si Diday, ang tagalinis ng condominium na binabayaran niya para bumili ng kanyang groceries at maglinis ng bahay. Dahan-dahan siyang tumayo habang sapo ang kanyang tiyan. Paika-ika siyang naglakad papuntang pintuan para lang matigilan nang mapagbuksan ang nasa labas.
"M-ma?"
Tila tinakasan siya ng dugo nang makita ang kanyang ina.
Paano siya natunton nito? At nakakakaba ang reaksyon nito nang makita ang tiyan niya. Mayamaya lang ay nagulantang siya nang bigyan siya nito nang isang napakalakas na sampal. Hindi siya agad nakahuma.Itinulak nito nang malakas ang pintuan pagkatapos ay walang salitang pumasok ng kanyang unit. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Agad niyang isinara ang pinto. Inihanda na niya ang sarili sa susunod na sasabihin nito sa kanya. Alam niyang kulang pa ang pinalasap nitong sampal. Tiyak niyang pauulanan siya nito ng sermon.
"What have you done to yourself?" tanong ng kanyang Mama. Nakatalikod ito sa kanya. Nakakuyom ang isang kamay habang ang isang kamay ay nakasapo sa noo nito. Nahuhulaan na niya ang nararamdaman nito—disappointment.
"Am I a disappointment again?" mapait na tugon niya.
Marahas itong humarap uli sa kanya. Namumula itonsa pagpipigil ilabas ang galit ngunit nasurpresa siyang makitang nangingilid ang mga luha nito. Namamalikmata ba siya? For the first time ay nakita niyang namasa ang mga mata nito dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom (Completed)
RomanceSophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and she consider her life as an open book because of that. Little did they know, she's keeping a secret...