"Nasaan si Conrado, Manang Badang?" tanong ni Sophia kay Manang Badang nang makitang mag-isa lamang siya sa dining table na nag-aagahan.
"Ay naku, nasa manggahan, Señorita. Maaga pa lang ay nagtungo na ang batang 'yon doon upang tulungan ang mga tauhan. May paparating daw kasing bagyo."
Nag-alala naman agad siya sa mga tauhan sa manggahan. Kapag kasi umulan doon nang malakas ay agad bumabaha.
"Ganoon ba? Sige susunod ako.""Huwag mong gagawin 'yon bata ka at delikado. Hayaan mo sina Conrado doon at sanay sila sa mga ganitong pangyayari."
Hindi siya umimik. Nang matapos sa pag-aagahan ay lumabas siya ng mansyon at hinintay si Conrado. Madilim nga ang kalangitan at mukhang nagbabadya nang malakas na ulan. Hindi siya mapalagay sa pag-aalala. Gusto niyang tawagan ang lalaki kaso wala pala siyang number nito.
How ironic how we always fuck but we never had each other's number.
Nang hindi na siya mapalagay ay nagtungo siya kuwadra at siya na mismo ang naglabas kay Aurora. Pinagbawalan siya ng tagaalaga doon ngunit nagmatigas siya't sapilitang hinatak si Aurora palabas ng kuwadra. Agad siyang sumakay sa kabayo at pinatakbo iyon papuntang manggahan.
Agad niyang natanaw ang mga tauhan na nagmamadaling inililikas ang mga nakasakong ani. May ibang nakalagay sa mga malalaking bamboo baskets at pinagtutulungang anihin ng mga ito. Hindi niya makita si Conrado. Minabuti niyang tulungan na lamang sa pagbububat ang mga tauhan.
"Ay, kami na po rito, Señorita," pagtanggi ng isang matandang babae habang tinutulungan niya ito sa pagbubuhat ng isang buslo na may lamang mga mangga.
"Tutulong po ako, Manang. Huwag po kayong mag-alala," giit niya.
"Pero masusugatan lamang po kayo, Señorita. Ipaubaya n'yo na sa amin 'to."
"It's okay."
Wala na itong nagawa kundi hayaan siya dahil hinila na niya ang isang basket na nasa tabi nito. Ilang oras pa ang ginugol niya sa pagtulong sa mga ito bago sila natapos. Napuno na ng tusok at gasgas ang mga kamay niya ngunit hindi niya inalintana. Sanay siyang matusok nang kung ano-anong aspile at karayom sa pananahi ng mga damit.
Nagsisimula nang umambon ngunit nanatili siyang naroon at tumutulong sa mga tauhan. Ang iba, lalo na ang mga may edad na tauhan, ay pinapasilong na niya sa mga kiosk. Ang ibang mga tauhan naman na alam niyang pagod na ay inuutusan niyang magpahinga muna bago bumalik sa ginagawa. Hindi naman makatanggi ang mga ito dahil nagmamatigas siya.
Nang makita ang isang maliit na buslo sa may unahan ay napilitan siyang lapitan iyon pero bago pa siya makalapit nang tuluyan ay natapilok siya't muntik nang matumba. Napamura siya nang maramdaman ang sakit sa paa. Na-sprain yata siya sa pagkatapilok niya.
Hindi pa rin siya tumigil at paikang lumapit sa buslo. Akmang hahatakin niya iyon nang biglang may nagpatong ng sumbrero sa kanyang ulo. Paglingon niya ay si Conrado. Nakahubad baro ito at pawis na pawis ang katawan. Seryoso ang anyo nito at walang salitang bigla siyang pinangko.
"H-hey!" bulalas niya sa gulat.
"Bakit ka nagpunta rito?" tila naninitang tanong nito.
"Uhm, gusto kong tumulong."
Naglakad ito papunta kay Aurora habang karga pa rin siya.
"Hindi ka na dapat nag-abala," seryoso pa ring sabi nito saka siya isinampa kay Aurora.Napanguso siya.
"Hey, I made an effort to help you. You could at least say thank you."Namaywang ito saka humihingal na binalingan sina Danilo at iba pang mga tauhan. Hindi niya namalayan na nakabalik na pala ang iba sa mga tauhan. Ang alam niya'y nasa loob pa ang mga ito ng manggahan. Pinasadahan niya ng tingin si Conrado. Inaamin niyang lalo itong nagmukhang kaakit-akit sa kanya sa nakikitang mga butil ng pawis na tumutulo sa hubad na katawan nito.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom (Completed)
RomantizmSophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and she consider her life as an open book because of that. Little did they know, she's keeping a secret...