Chapter 25

35.5K 884 129
                                    

Hapon na nang matanaw ni Sophia sina Conrado at Angela na bumalik galing manggahan. Nasa terasa siya kasama ang kanyang Lolo habang nakatanaw sa mga ito. Sakay ni Aurora sina Conrado at Angela samantalang si Emily ay sakay ni Genesis. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na bigla na lamang tumusok sa puso niya.

Bakit ka ba nagseselos ng ganyan, Sophia? Akala ko ba tanggap mo ang lahat at ang tanging pakay mo lang kay Conrado ay anak? Magkakahiwalay rin kayo at sasama siya ulit sa babaeng 'yan.

"Dont be too hard on him, apo."

Bigla siyang napalingon sa kanyang Lolo dahil sa sinabi nito.

"W-what do you mean, 'Lo?"


"Huwag mo sanang pahirapan ang asawa mo."

Nag-iwas siya ng tingin. Nakarating kaya sa kaalaman nito ang ginawa niya sa Acacia Tree? Minabuti na lamang niyang huwag nang magkomento pa.


"He had a rough childhood," patuloy nito.


"But you provided him all the privileges," agad naman niyang tugon.


Nagtaka siya nang biglang lumungkot ang anyo ng kanyang Lolo.
"I-it's not a privilge, Apo...it is his right."


"I dont understand what you mean."


"This hacienda wouldnt exist without his great grandfather. Sila ang totoong nagmamay-ari ng hacienda na ito noon. Dumating ang Papa ko dito at inagaw sa kanila ang lahat. Conrado's great grandfather had no proper education kaya wala silang maipakitang titulo sa Papa ko. Sakim ang aking Papa kaya pinalayas sila at kinamkam lahat ng ito."


Hindi siya makapaniwala sa narinig. Kung ganoon ang pamilya ni Conrado talaga ang totoong nagmamay-ari ng hacienda? Kaya pala lubos kung tumulong at sumuporta ang kanyang Lolo sa pamilya ng lalaki. Bigla tuloy siyang nagsisi sa nasabi kanina.


"Bata pa lamang ako noong makita ko kung paano naghirap ang pamilya nina Conrado dahil inalipin sila ng aking Papa. Nangako akong tutulungan ang pamilya nila hanggang sa kanilang mga apo, sa abot ng aking makakaya. Kaya nararapat lamang na kay Conrado ko ipinamana ang lahat ng ito dahil siya ang panganay at ang pinakakarapat-dapat na magmana."

Hindi pa rin siya makabawi sa pagkagulat.
"D-does he know about this?"


"Not yet. Gusto ko ikaw ang magsabi sa kanya."

Hindi siya nakakibo. Matapos ng sagutan nila kanina at pagmamayabang niyang siya ang Boss, siya pa ang gustong nitong magpaliwanag sa lalaki? Saan niya kukunin ang lakas ng loob? Baka pagtawanan lamang siya nito.

Nakarinig siya ng mga yabag ng paparating kaya awtomatikong napatingin siya sa may bungad ng terasa. Pumasok si Conrado at agad na nagtama ang kanilang mga mata.
Madilim ang mukha nitong nagbaling sa kanya bago lumapit sa kanyang Lolo at nagmano.


"Magandang hapon po, Don Fabian."


"Magandang hapon naman, Conrado. Kumusta ang manggahan?"


"Maayos naman po. Huwag n'yo na po masyadong alalahanin, naayos ko na po ang problema doon."


Natutuwang tumango-tango ang Lolo niya. Makahulugang dumako ang tingin ng matanda sa kanya.
"Narinig kong binisita ka ng asawa mo kanina. Nag-enjoy ba kayong dalawa doon?"


Napalunok siya sa narinig sa kanyang Lolo. Paano niya sasabihing nag-enjoy siyang sirain ang araw nina Angela at Conrado kanina sa manggahan? Kinakabahan nga siya at baka magsumbong si Conrado. Madilim pa rin ang tingin nito sa kanya. Ramdam niya ang galit nito.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon