Chapter 17

32.8K 859 18
                                    

"Where are you going?"

Bumangon  sa kama si Sophia kahit nakahubo't hubad at mabilis na niyakap ang likuran ni Conrado. Napansin niyang may pagmamadali sa kilos nito habang nagsasara ng mga butones sa suot na polo. Iiwan na naman siya nito kahit magdamag na namang may nangyari sa kanila.


"To the pineapple farm," sagot nito.


"Pineapple farm? Hindi mo pa uli ako ipinapasyal doon. Gusto kong sumama."


"Not now, Sophia."



Inalis nito ang mga kamay niyang nakapulupot sa katawan nito't pinulot sa sahig ang bath robe na suot niya kagabi. Hinarap siya nito't isinuot mismo sa kanya ang bath robe. Nakatingin lamang siya sa blangkong mukha nito.

"Bakit ayaw mo akong sumama?"

Nag-angat ito ng tingin sa kanya.
"Hindi ako mamamasyal lang doon. Magsasagawa kami ng aerial spraying."

Lalo tuloy siyang naengganyong sumama.
"Ikaw ba ang magpipiloto ng aircraft? I want to see it!" pangungulit niya.


Hinaplos nito ang ulo niya.
"No, aerial spray is dangerous. I want you to sleep and take a rest. Masyado kang n-napagod kagabi."


Napangiti siya sa sinabi nito.
"Ano ka ba? Ayos lang 'yon! I had fun," aniyang kumindat pa.


Namula ang mukha nito at nag-iwas ng tingin. Napahagikhik siya. Kailan kaya ito magiging komportable sa ginagawa nila? Yumakap siya ulit dito. Naramdaman niya ang malakas na pagbuntong hininga nito.


"Did you have fun last night?" tanong niya rito.

Importante sa kanya ang opinion nito sa performance niya para alam niya kung ano ang kulang niya. Hindi naman ibig sabihin na anak lang ang gusto niya sa lalaki, eh, hindi na niya isasaalang-alang ang kaligayahan nito. Siyempre gusto rin niyang magustuhan nito ang ginagawa niya rito para patas.


"S-sophia..."


"C'mon tell me honestly. Hindi ako magtatampo. Did I satisfy you?"


"You are so bold—"


"I know. Now, c'mon and tell me how you feel sleeping with me? Did I live up to your expectation?" malambing na tanong niya.

Tila nailang ito sa tanong niya.
Hinihpitan niya ang pagkakayakap dito.


"Hindi kita pakakawalan kung hindi mo sasabihin sa akin ang score ko. Did I pass?" pangungulit niya.

Sumeryoso ang anyo nito.
"I dont give scores to the women I slept with."

Women?

"Women? Marami kami?!"
Nainis siya sa nalaman. Ang dami pa lang pagkukumparahan nito sa kanya. Akala niya'y si Angela lang!

"It doesnt matter. Matulog ka na." Tila gusto na nitong tapusin ang usapan.

Sinimangutan niya ito.
"Gusto ko ngang sumama sa aerial spraying!"

Napabuga ito ng hangin.
"God, Sophia, when are you going to listen to me? It's dangerous!"


"Kung dangerous, bakit magsasagawa pa kayo ng aerial spraying? Hindi kita papayagang gawin 'yon kung makakasama iyon sa kalusugan mo."

Hinaplos nito ang mukha niya.
"I am trained to do that."

"Kahit pa. Gusto ko pa ring sumama!" Napalabi siya rito.


"Bakit?"

"Kasi gusto kong makita kang tinutupad ang mga pangarap mo."

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon