Chapter 12

33.2K 828 45
                                    

"🎶 Sa umaga't sa gabi, sa bawat minutong lumilipas. Hinahanap-hanap kita...hinahanap-hanap kitaaaa..."

Kahit namumungay na ang mga mata ni Sophia sa kalasingan ay nanatiling nakatitig siya sa guwapong mukha ni Conrado habang kumakanta at tumutugtog ng gitara. Wala pa ring kupas ang pamatay na karisma nito sa tuwing kumakanta. Idagdag pa ang magandang boses nito.

"🎵Sa isip at panaginip, bawat pagpihit ng tadhana...hinahanap-hanap kita. Hinahanap-hanap kita...🎶"

Oh, God, I'm falling for this guy all over again.

Ang iba sa mga kasambahay ay nakahanap ng kapartner sa mga tauhan at nagsayawan, halatang lasing na rin ang mga ito. Sina Danilo at Conrado ay nanatiling nakaupo at nagkakantahan ngunit mahahalatang tipsy na rin ang dalawa. Nakailang baso din ang mga ito ng tuba.

Malayo siya kay Conrado dahil hindi na siya muli pang bumalik sa tabi nito. Naiinis kasi siya sa kasungitan nito kanina. Ngayon habang pinagmamasdan itong kumakanta ay tila may magnet itong hinihila siya pabalik sa tabi nito.

Tila ba gusto niyang yakapin ito't halikan. Nag-iinit din ang kanyang katawan sa alak. Tama nga ang sabi nito kaninang huwag siyang magpapasobra dahil mabilis siyang nalalasing.

Sinaid niya ang natitirang Tuba sa kanyang baso saka naglakad papunta sa direksyon ni Conrado. Umupo siya sa tabi nito't ginawa ang idinidikta kanyang ng puso...hinalikan niya ito sa pisngi. Natigilan ito't napatingin sa kanya. Nginitian niya ito saka sumunod ang matinding hiyawan at kantyawan sa paligid.
Hindi niya pinansin ang mga ito't hinaplos ang mukha ni Conrado.


"Ang guwapo-guwapo talaga ng asawa ko...!" wala sa sariling bulalas niya.


Mukhang naasiwa ito sa ginawa niya ngunit nananatiling pormal ang mukha. Ibinigay nito ang gitara kay Danilo saka siya muling binalingan.

"You're drunk. Go up to your room," pabulong na sabi nito sa kanya.

Umingos siya at inignora ang lalaki.
"Get a life, will you?! Ang KJ mo! Let's have a party!"
Binalingan niya si Danilo.
"Magpatugtog ka pa, Danilo!"


Malugod naman siyang pinagbigyan ni Danilo.
"Anong gusto n'yong kanta, Señorita?"

"Iyong groovy! I wanna dance!"

Mayamaya ay nagpatugtog na si Danilo nang masayang piyesa.

"🎶Araw-araw ikaw ang gusto kasama. Buhay ko'y kumpleto na tuwing nandidito ka...🎵"

Hindi siya pamilyar sa kanta pero maganda ang beat kaya napatayo siya't sumayaw kasabay ng mga kasambahay. Titig na titig si Conrado sa kanya na tila hindi natutuwa. Ininis niya pa ito lalo saka ikinembot nang todo ang baywang. Naghiyawan ang mga tao sa paligid.


"🎶Sa tabi ko o aking giliw 'di pa din ako makapaniwala, na ang dati kong pangarap ay katotohanan na...🎵"

Lumapit siya kay Conrado at gumiling sa harapan nito. Naghiyawan na naman ang mga tao. May ibang nagpalakpakan pa't chine-cheer siya. Gusto niyang matawa sa kalokohan. Talagang pinagtitripan niya ang kanyang asawa. Lalong naasiwa si Conrado at nagsalubong na ang mga kilay.

Tumayo ito at hindi na nakapagtimping hinila siya papalapit sa katawan nito. Saglit naghinang ang kanilang mga mata bago ito kumilos at pinangko siya. Gusto niyang magpumiglas ngunit humigpit ang pagkakawak nito sa kanya. Napilitan siyang iangkla ang mga kamay sa leeg nito.

Nakasimangot itong naglakad at inalis siya sa lugar na iyon. Rinig pa nila ang kantyawan at hiyawan sa paligid ngunit hindi apektado si Conrado. Tahimik lang itong naglalakad habang karga-karga siya. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagtaas at baba ng dibdib nito sa paghinga. Mukhang na badtrip ito. Hindi tuloy siya makakibo at baka lalo itong mapikon.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon