Chapter 31

38.3K 1K 91
                                    

Naalimpungatan si Sophia sa ingay ng tunog ng mga aparato sa kanyang kinaroroonan. Palagay niya'y nasa loob siya ng ospital. Iminulat niya ang kanyang mga mata at dahan-dahang iginala ang paningin sa paligid.

Natigilan siya nang matagpuan ang hindi inaasahang tao na tahimik na nakamasid sa kanya. Si Conrado. Naka-de kuwatrong upo ito habang nakasandal sa isang upuan.

"I'm glad you're awake..." anito.

Nang maalala ang masamang bangungot niya kanina ay mabilis siyang bumangon. Agad naman itong tumayo at nag-aalalang lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay ngunit pumiksi siya.

"Nasaan si Lolo?"

Hindi ito nakapagsalita. Nakatitig lamang ito nang mariin sa kanya, bakas ang lungkot sa mga mata. Napansin niyang mugto ang mga mata nito. Galing ba ito sa pag-iyak? Kinabahan siya. Niyugyog niya ang balikat nito.

"Where's Lolo?" pasigaw na ulit niya.

Bumuntong hininga ito. "H-he's gone..."

Umiling siya. "No..."

Kung ganoon ay hindi masamang panaginip lamang ang lahat? Totoong patay na ang kanyang Lolo? Hindi siya maniniwala hangga't hindi niya nakikita mismo ang katawan nito.


"Nagsisinungaling ka! Gusto mo lang makawala sa akin kaya mo sinasabi 'yan!"

"Believe me, Sophia, I wouldnt wish someone to die just to get away from you."

Hindi siya makasagot. Naalala niyang bago siya hinimatay ay may doktor na lumabas sa kuwarto ng kanyang Lolo at nag-anunsyo na patay na nga ito.

"So he's really dead?"

Hindi ulit ito umimik. Hinaplos nito ang kanyang mukha, kasabay niyon ay ang unti-unting pagtulo ng kanyang mga luha. Nanikip ang kanyang dibdib sa sakit. Pinahid nito ang mga luha niya't niyakap siya nang mahigpit. Hindi man lang niya magawang suklian ang yakap nito. Galit pa rin siya kay Conrado.


"I wanna see Lolo..." aniyang pilit itinutulak si Conrado.

Kumalas ito't sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Later. Magpahinga ka muna. Saka na natin puntahan si Don Fabian kapag nakabawi ka na ng lakas," masuyong saad nito.


"I wanna go now!" pagmamatigas niya.


Inalis niya ang mga kamay nito sa kanyang mukha saka siya bumaba ng kama. Pinigilan na naman siya nito. Nagtangka siyang itulak ulit ito ngunit malakas ito't bunuhat siya pabalik ng kama.


"Ano ba?!"


"I said get a rest! Why are you so stubborn, Sophia?" Pinaningkitan siya nito ng mga mata.

"Sa tingin mo makakapagpahinga ako matapos mamatay ng Lolo ko?"

"Wala na tayong magagawa! Hindi na natin maibabalik ang buhay ng Lolo mo! Atupagin mo ang sarili mong kalusugan dahil ang sabi ng doktor kanina, overfatigued ka na!"

Natigilan siya sa sinabi nito. Overfatigued lang ba ang dahilan nang pagbabago ng kanyang nararamdaman sa katawan lately o dulot iyon ng kanyang sakit? Nalaman ba ni Conrado na may cancer siya?


"Have they taken out my bloods?"


Tumango ito. "Yeah, but the results are not yet in."


Kahit kinabahan ay nakahinga siya nang maluwag. Kung ganoon ay sa objective assessment lang ng doktor ito nagbabase ng pagkakaroon niya ng overfatigued. Hindi pa nito iyon confirmed dahil wala pang resulta ng mga labiratory samples niya.
Kailangan niyang makaalis bago pa lumabas ang totoong resulta ng eksaminasyon!

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon