Angela love Conrado?
Nagusot ang mukha ni Sophia nang makita ang isang nakaukit na mga salita sa isang napakalaking puno ng Acacia tree sa gitna ng manggahan. Noon pa niya nakikita ang Acacia tree na 'yon pero hindi pa siya nakakalapit doon nang husto dahil masyadong mahahaba ang talahib na nakapaligid sa puno.
Ngayon ay tila na-developed ang lugar dahil nawala na ang mga talahib at nagkaroon ng mga upuan na puwedeng tambayan ng mga tauhan kapag nagpapahinga. Presko din ang lugar at nasa lilim.
Nang dalhin siya ni Conrado sa manggahan kanina ay nawala ito bigla sa paningin niya. Ang sabi ng mga tauhan doon ay pinuntahan daw nito si Danilo, ang pinsan nitong lider na ngayon ng mga tauhan ng manggahan.
In short iniwan siya ni Conrado na mag-isa.Medyo nainis siya sa lalaki pero dahil magiliw naman sa kaniya ang mga tauhan ng hacienda ay nalibang na rin siya. Kani-kanina lang ay dumating si Emily, ang pinsan ni Conrado na isa rin sa mga namamahala sa hacienda ngayon. Ang alam niya'y pinag-aral ito ng Kuya Cloud niya sa ibang bansa. Narinig din niyang isa na itong sikat na pintor sa buong mundo.
Hindi sila masyadong malapit ng babae dahil bestfriend ito ni Angela. Ang tatay kasi ni Angela ang lider ng mga tauhan noon kaya lagi itong nasa hacienda ng Lolo niya at nakikihalubilo sa mga tauhan. Dahil doon ay nagkakilala umano ito at si Conrado. Marami siyang tsismis na nasasagap dati tungkol sa dalawa sa tuwing nagbabakasyon siya sa hacienda.
"Miss Sophia, nasaan po kayo?" narinig niyang tawag ni Emily sa kanya.
Ang babae ang nagdala sa kanya sa tambayan na 'yon na ginawa ng mga itong pahingahan. Doon na rin daw nila aabangan si Conrado. Nainip lang siya kaya siya nagpasiyang maglakad-lakad kaya nakita niya ang nakakairitang nakaukit sa likod ng Acacia Tree.
Hindi niya maintindihan kung bakit umakyat lahat ng dugo sa kanyang ulo nang makita ang nakaukit. Batid niyang matagal na 'yon at malamang gawa nina Conrado at Angela noong kabataan pa ng mga 'to. Pero iyon ang nagpapaalala sa kataksilan ng dalawa sa kanya.
"Miss Sophia?" patuloy na pagtawag sa kanya ni Emily.
Itinigil na niya ang pagtitig sa nakaukit sa puno at pinuntahan si Emily. Tila nakahinga ito nang maluwag nang makita siya. Mukhang nag-alala ito nang hindi siya agad sumagot.
"There you are! Akala ko kung saan ka na napunta, Miss Sophia," nakangiting sabi nito.
Hindi niya magawang gantihan ang ngiti nito. Nawala na ang mood niya dahil sa nakita. Hindi na niya magawang ibalik ang masiglang disposisyon kanina.
"Cut this tree," sa halip ay sabi niya kay Emily saka itinuro ang Acacia Tree.
Mukhang naguluhan ito sa sinabi niya.
"I'm sorry?""I want you to tell someone to cut this tree down," iritableng ulit niya.
Nagtatakang napatingin ito sa puno pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa kanya.
"But why? This tree has been standing here for years—""I dont care! I dont want to see this tree standing here ever again!" malditang sabi niya saka ito nilagpasan.
Hindi na ito nagsalita at tahimik lamang na sumunod sa kanya.
Sa may 'di kalayuan ay namataan niya si Conrado na nakikipagpulong sa mga tauhan. Nakabalik na pala ito't kasama na ang pinsang si Danilo. Kahit nagbalik na si Conrado, hindi na nagbalik ang nasira niyang mood. Nadagdagan lang ang inis niya nang makita ito. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya'y inirapan niya ito.Dirediretsong nagtungo siya kay Aurora na nakatali sa isang puno. Kinalas niya ang pagkakatali ng kabayo saka siya mabilis na sumampa sa saddle nito. Hinawakan niya ang renda at akmang patatakbuhin si Aurora nang biglang humarang si Conrado sa daanan niya. Pinatigil niya agad ang kabayo.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom (Completed)
RomanceSophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and she consider her life as an open book because of that. Little did they know, she's keeping a secret...