Chapter 23

34K 862 166
                                    

Halos hindi malunok ni Sophia ang pagkain sa kanyang harapan habang tahimik na nakamasid sa hindi niya inaasahang bisita. Si Angela! Hindi niya alam kung bakit pa siya niyaya nitong kumain sa dining table kasama sina Conrado at Emily kahit alam naman niyang gusto siyang sampalin nito.

Kanina nang mahuli sila nito ni Conrado na magkayakap ay kitang-kita niya sa mukha nito ang pagbalatay ng selos at sakit. Inaamin niyang nakonsensiya siya na nakita sila nito sa ganoong tagpo pero sino bang mag-aakalang nakabalik na ito ng Pilipinas? Hindi naman nabanggit sa kanya ni Conrado na babalik na ito!

Malamang hindi niya sasabihin sa 'yo na darating na ang pinakamamahal niya dahil alam niyang magwawala ka!

Iyon nga ang gusto niyang gawin kanina pa nang makita ang pagmumukha ni Angela, ang magwala! Nagseselos siya habang pinagmamasdan itong sweet kay Conrado. Ito pa nga raw ang nagluto at nagprepara ng hapag kahit bisita ito. Mabuti at pormal lang ang reaksyon ni Conrado sa mga nangyayari. Palagay niya'y tinitimbang nito ang mararamdaman nilang dalawa ni Angela.


"Do you like the food, Sophia?" nakangiting tanong sa kanya ni Angela.


Hindi niya alam kung paano magre-react sa ngiti nito. Ayaw niyang isipin na kaplastikan ang kabaitang ipinapakita nito sa kanya pero iyon ang isinisiksik ng utak niya. Unfair sa babae dahil maayos naman ang pakikitungo nito sa kanya sa kabila nang nasaksihan nito sa kanila ni Conrado kanina.

Nagyuko siya ng tingin sa kanyang plato. Halatang wala siyang gana sa pagkain dahil hindi niya nagalaw iyon. Isang subo nga lang siguro ang nagawa niya at nahirapan pa siyang lunukin iyon. Masarap naman ang luto nito kaso hindi niya masikmurang kainin iyon.


"No," tahasang pag-amin niya.


Halatang nabigla ang mga ito sa sagot niya. Kahit si Emily na tahimik lang na nakikinig sa usapan ay nanlaki ang mga mata. Ayaw niyang maging bastos pero ayaw rin niya magpanggap na natutuwa siyang kasama ang mga ito. Kinuha niya ang table napkin at pinunasan ang bibig.


"I dont want to offend you, Angela. The food is fantastic but I'm tired and I want to go to bed now. I'm sorry," hinging paumanhin niya sa babae saka tumayo.


Nakakainitinding tumango naman ito.
"I understand. Take a rest now."


Ibinaling niya ang mga mata kay Conrado, seryosong nakamasid ito sa kanya. Tumaas ang kilay niya at inirapan ito bago ito nilagpasan.


"Magpapahatid ako ng pagkain kay Manang sa kuwarto mo," narinig niyang pahabol ni Conrado sa seryosong tono. Kilala niya ito, alam niyang hindi nito nagugustuhan ang ikinikilos niya.


"No need."


"Galing ka sa biyahe, kailangan mong kumain," matigas na ulit nito.

"Conrado, hayaan mo na si Sophia..."

Matutuwa sana siya't nag-alala si Conrado sa kanya ngunit nang makita niya ang masuyong paghaplos ni Angela sa kamay nito at ang biglang pagkalma nito sa ginawa ng babae ay nagpaigting ng kanyang inis. Ang bilis nitong napakalma si Conrado ngunit siya'y hindi alam ang gagawin kapag galit na ang lalaki.

Nagngingit-ngit na tinalikuran niya ang mga ito at nagtungo sa kanyang kuwarto. Agad niyang inilock ang pinto at pabagsak na dumapa sa kama. Gusto niyang umiyak sa selos at inis. Pati ang regalong relo ay ibinato niya sa kung saan sa inis.

Gusto niyang makausap ang lalaki. Gusto niyang magpaliwanag ito sa mga nangyayari at tiyakin sa kanyang ayos lang sa kanila ang lahat. Na hindi magbabago ang set-up nila kahit dumating si Angela. Break na ang mga ito at wala silang tinatapakang tao sa ginagawa nila. Pero paano kung nagkabalikan na pala ang mga ito?

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon