Matagumpay na naidaos ni Sophia ang kanyang gala celebration para sa isa kanyang mga charity foundations. Nandoon sila sa La Plaza Hotel na pag-aari ng pamilya ni David, ang asawa ni Resha, at idinadaos ang malaking selebrasyon na iyon.
Layunin ng foundation na makakalap ng malaking pondo para matulungan ang mga pilipinong nasalanta ng lindol sa Mindanao kamakailan lang. Though hindi naman apektado ang hacienda nila sa Davao sa nangyaring lindol, marami pa rin ang nawalan ng mga bahay at kabuhayan sa ibang karatig na probinsiya. At dahil doon ay nag-organisa siya ng gala.
Sa tulong ng kanyang mga kaibigan at ng kanyang Mama ay nag-imbita sila ng mga malalaking tao sa loob at labas ng bansa upang dumalo sa inorganisa nilang gala. Masaya siya't naging matagumpay ang selebrasyon. Dumalo halos lahat ng mga inimbitahan nila at nakakalap na sila ng malaking pondo.
Matagal-tagal na rin nang huli siyang magdaos ng gala. Actually, matagal-tagal na rin siyang hindi nakisalamuha sa maraming tao dahil sa pagbubuntis niya. Ironic dahil sanay siya sa ganoong mga social events dati. Halos laman siya ng mga malalaking events dati lalo na sa fashion industry.
Ininom niya ang laman ng kopitang hawak habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaibigan na sumasayaw sa gitna kasama ang mga asawa ng mga ito. Si Ian, na isa sa mga organizers ng event, ay masayang nakikipagharutan kay Carlito. Si Guia naman ay kuwelang umiindak kasama si Diego. Si Resha ay tila napako na ang mga mata sa asawa nitong si David habang magkayakap na sumasayaw.
Si Sidney ay kanina pa kinukulit ni Andrew, ang amo nito, na sumayaw. Walang anomang romantic relationship ang dalawa pero daig pa ng mga ito ang mag-asawa kung mag-angilan sa isa't isa. Umuwi na ang date ni Andrew kanina na isang sikat na modelo kaya wala itong choice kundi kaladkarin si Sidney na sumayaw sa dance floor.
Siya ay mag-isa lamang sa mesa at tahimik na nakamasid sa mga tao. Ang kanyang Mama ay busy sa pag-aasikaso sa mga bisita galing Australia. Si Bambi ay kanina pa niya nakikitang subtle na nakikipag-flirt sa mga lalaking bisita. Masaya naman siyang mag-isa kahit may munting inggit sa dibdib niya habang nakikita ang mga kaibigan niyang masayang kasama ang mga asawa. Bumuntong hininga na lamang siya.
Mayamaya ay biglang may isang pares ng bisita ang dumating sa may Main Door. Nakapagtataka dahil wala na siyang inaasahan pang dumating at halos patapos na rin ang selebrasyon. Umuwi na nga ang ibang mga bisita. Tumayo siya at inayos ang sarili upang salubungin ang mga ito. Habang papalapit ay namataan niya ang bagong dating, si Lorraine.
Kumunot ang kanyang noo. Akala niya ba ay hindi ito dadalo dahil ayaw nitong makita ang kanyang Mama? Anong nag-udyok dito upang magbago ng desisyon? Nang magtama ang mga mata nila ng kaibigan ay nginitian siya nito nang napakatamis. Gumanti rin siya ng ngiti kahit nagtataka pa rin. Naglipat ang tingin niya sa kasama nitong lalaki. Doon siya natigilan.
Conrado!
Tama ba ang nakikita niya? Kasama nito si Conrado! Kaya pala hindi niya nakilala ito agad dahil nagpagupit ito ng buhok! Wala na ang mahaba nitong buhok! Natigil siya sa paglalakad. Lumapit naman ang dalawa sa kanya na tila ba walang pakialam sa kanyang naging reaksyon. Nakaangkla pa ang braso ni Lorraine kay Conrado. Naikuyom niya ang kanyang mga palad. Anong gustong palabasin ni Lorraine?
Nang tuluyang makalapit ang dalawa sa kanya ay akma siyang ibebeso ni Lorraine ngunit umiwas siya. Nagtatakang napatingin ito sa kanya. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Ramdam niya rin ang mariing pagtitig ni Conrado sa kanya ngunit hindi niya ito pinag-abalahang tapunan ng sulyap.
"Why so upset, Bes? Ayaw mo ba akong makita?" nakangiti pang sabi ni Lorraine.
"Why did you bring him here?" mahina ngunit galit na tanong niya kay Lorraine.
![](https://img.wattpad.com/cover/59731514-288-k998716.jpg)
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom (Completed)
RomanceSophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and she consider her life as an open book because of that. Little did they know, she's keeping a secret...