Chapter 11

33.8K 761 22
                                    

Nakita ni Sophia kung paano nagulat at naguluhan si Conrado sa sinabi niya. Ipapakulong niya ito kasama si Angela. Hindi niya gustong pagbantaan ito ngunit wala siyang pagpipilian. Sinagad na ng lalaki ang pasensiya na.


"Sue me for what?" kunot noong tanong nito.

Taas noo siyang nag-angat ng tingin sa lalaki.
"Concubinity. Kasal tayo ngunit malaya kang nakipag-relasyon sa iba. Akala mo ba hindi ko alam na nagli-live in kayo ng Angela mo sa Paris?"

"Leave Angela out of this..." tila galit na sabi nito.

Sumikip ang dibdib niya nang ipagtanggol nito ang babae. Willing talaga itong saktan siya basta mapasaya lamang ang babaeng 'yon. Ayaw naman niyang hadlangan ang kaligayahan ng mga ito pero may mahalaga pa siyang pakay dito. Hindi niya basta-bastang isusuko ito hangga't hindi niya nakukuha ang gusto.

Hindi niya ugaling ipilit ang sarili sa taong ayaw sa kanya, nadala na siya sa pagkakamali niya dati. Pero si Conrado ang solusyon sa problema niya. Hindi niya gusto ang ibang lalaki, ito lang. She doesn't want to pressure him this hard but he left her with no choice. Kailangan may mangyari na sa kanilang dalawa!

Palalayain naman kita, eh. Ibibigay ko ang gusto mo basta ibigay mo rin ang gusto ko....

"You're crazy, Sophia!" nakatiim bagang na pahayag nito.


Nanatili siyang kalmanteng nakataas ang noo kahit sa kalooban niya'y pinanghihinaan na siya ng loob. Sa paraan pa nga lang nang pag-iwas nito sa mga halik niya'y nasasaktan na siya, mas lalo ngayong halos lamunin na siya ng galit na mukha nito.


"Three months, Conrado..."

Lalong nagdilim ang mukha nito.
"What?"


"S-stay in hacienda, with me and Lolo, until I told you so."

"Three months? Anong gusto mong gawin ko sa hacienda kasama ka sa loob ng tatlong buwan?"


"B-be my lover. Do whatever I told you to do."

Gilalas itong napatingin sa kanya. Galit itong napatayo at itinukod ang mga kamay sa mesa.
"Are you sick?!"

Gusto na niyang umiyak sa masasakit na salitang ibinabato nito sa kanya ngunit nanatili siyang matigas at matapang na nakatingin dito.

"I maybe am." Pakikibit balikat niya.

Mukhang lalo itong nagalit sa sinagot niya. Pulang-pula na ang mukha nito at alam niyang nagtitimpi lang itong bulyawan siya.

"At anong mangyayari sa atin kapag natapos ang tatlong buwan?" tanong nito.

Nanatili siyang nakamasid sa mga mata nito. Nababasa niya ang galit at poot nito sa kanya. Hindi niya ito masisisi dahil ginigipit niya ito. Mas mabuti na rin iyon para kapag nagkaanak sila, hindi na nito pagkaabalahang makihati ng custody sa kanya.

"I'll set you free..." kalmanteng sagot niya.

Iyon naman talaga ang plano niya kapag nakuha na niya ang gusto sa lalaki, pakakawalan na niya ito para lumigaya ito sa babaeng talagang mahal nito.

Naguguluhan pa rin ito.
"Why are you doing this?"


Ibinalik niya rito ang tanong.
"Ikaw, bakit mo ako iniwan noon?"


The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon