Chapter 46

44.5K 1.1K 169
                                    

"Tol, panay inom mo na naman. Nakakapagtampo ka, mas mahalaga pa yata sa 'yo ang alak kaysa sa akin."

Mula sa tinititigang baso ng alak ay nag-angat ng tingin si Conrado kay Danilo. Pabirong sumimangot ito sa kanya. Alanganin siyang ngumiti. Lumuwas pa naman ito ng Manila para makasama siya bago siya umalis ng bansa. Walang kasiguraduhan kung kelan siya babalik. Ang buong pamamahala ng hacienda ay ibinilin na niya rito.

"Pasensiya na, Tol. May iniisip lang," tugon niya.


"Si Señorita na naman ba?"

Bumuntong hininga siya. Mukhang may ideya ito sa pinagdadaanan niya. Isa si Danilo sa pinakamatalik na kaibigan niya at tanging taong pinagkakatiwalaan niya, aside sa pinsan niya ito. Kahit hindi man niya aminin dito ang damdamin niya kay Sophia ay mukhang nahuhulaan naman nito.


"Yeah. She had a new family now," malungkot niyang kuwento.


"Nasasaktan ka?" tanong nito.


Umayos siya sa pagkakaupo. Nakaupo sila sa mga stools na nasa counter ng bartender. Nasa loob sila ng club na pag-aari ni Cloud. Doon sila dati tumatambay ni Cloud kapag gusto nilang uminom. Dinala niya doon si Danilo upang makapaglibang ito pero nakalimutan naman niya agad ito nang maalala si Sophia.

"Oo, Tol. Tarantado kasi ako. Pinakawalan ko pa siya," frustrated na sabi niya.


Tinapik nito ang balikat niya. "Ewan ko ba kung bakit ang tagal mong napagtanto na mahal mo si Señorita, Tol. Obvious na obvious naman sa mga kilos at tingin mo."

Napatingin siya rito. "Ganoon ba kahalata?"


"Oo, lahat kami sa hacienda nahahalata. Ikaw lang yata ang bulag sa nararamdaman mo. Masyado ka kasi focus sa pangarap ninyo ni Angela."


Hindi siya nakakibo. He was right. He was too focus on his dreams with Angela that he ignored his lingering feeling for Sophia. Akala niya'y mapanlalabanan niya ang pang-aakit ng kanyang asawa, nagkamali siya. Unti-unti itong nakapasok sa puso niya at pinalitan si Angela nang hindi niya namamalayan.

"What can I do? The damage has been done. She's finally happy with someone else," malungkot na sabi niya.

"Tough luck."

"Yeah, tough luck. Mabuti na rin at nangyari 'to. Dapat nakinig na lang sana ako kay Manang Badang dati na itigil ang relasyon namin ni Sophia. Napakalayo ng awat namin sa isa't isa."

"Wala namang pinipili ang puso, Tol. Kusa iyong tumitibok kahit pa sa isang tao na hindi nababagay sa atin."


Mapait siyang napangiti.
Sinaid niya ang natitirang alak sa baso. Ang alak ang panandaliang paraan niya upang maibsan ang sakit na kanyang dinadala sa dibdib. Hindi niya alam kung kailan maghihilom ang sugat ng paghihiwalay nila ni Sophia. Marahil ay hindi na maghihilom iyon kahit kailan. Mananatili ang pagmamahal niya sa dating asawa hanggang sa malagutan siya ng hininga.

Natutulala na naman siya sa tuwing inaalala ang pagtatagpo nila ni Sophia sa isang restaurant kahapon. Of all places ay doon pa sila nagtagpo nito. What a small world! At hindi niya alam kung bakit galit na naman ito sa kanya. Dahil kaya iyon sa pagdala niya sa anak nito sa lugar na 'yon o dahil kasama niya si Angela? Nagseselos na naman ba ito?

But why? She's with another man now...

Imposibleng nagseselos pa ito kay Angela. Pero ang mukha niya kahapon, ganoon ang reaksyon nito sa tuwing nakikita sila ni Angela na magkasama dati sa hacienda. Iyong mukhang inaalipin ng matinding selos!
Napailing-iling siya. Nababaliw na siya sa kakaisip kay Sophia. Palagay naman niya'y hindi na siya sumasagi sa isip nito ngayon.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon