Chapter 33

39.3K 1K 90
                                    

Hindi maampat ang luha ni Sophia habang dahan-dahang ibinababa ang kabaong ng kanyang Lolo sa hukay nito. Dumating na ang araw ng libing at nadoon silang lahat sa isang pribadong sementeryo. Noong isang araw pa niya napaghandaan ang huling sandali ng kanyang Lolo ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang masaktan.

Kanina pa siya humahagulhol kahit noong binabasahan ito ng sermon ng pari. Inilahad kasi ng pari ang lahat ng kabutihan at malaking kontribusyon na nagawa ng kanyang Lolo hindi lamang sa hacienda kundi sa buong siyudad. Hindi matatawaran ang achievements ng kanyang Lolo at dahil doon ay mas lalo siyang naging proud dito.

Habang umiiyak siya'y nakaakbay naman ang kanyang kapatid na si Cloud sa kanya. Nararamdaman niyang tahimik din itong umiiyak. Ipinagtapat nito sa kanya noong isang araw na nanghinayang ito sa mga araw na hindi nito nakasama ang kanilang Lolo sa mga huling sandali ng matanda.

Nang maibaba na nang tuluyan ang kabaong ng kanyang Lolo ay inalalayan siya ng kanyang kapatid na lumapit sa hukay upang masulyapan sa muling sandali ang kanilang  Lolo. Lalong lumakas ang kanyang paghagulhol habang inihahagis sa kabaong ang puting rosas na hawak niya.

I'm sorry, Lo, if I lied to you about me and Conrado. Sana mapatawad mo ako kapag nalaman mo d'yan sa langit na hindi naman talaga kami nagkabalikan. And I'm sorry if I'm gonna end our marriage soon...

Sakto namang pag-angat niya ng tingin ay nagkasalubong ang mga mata nila ni Conrado. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Katabi nito sina Angela at Emily. Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki saka pinunasan ang mga luha. Isinusumpa niya sa sariling iyon ang huling araw na makikita siya nitong umiiyak.

Nang matapos ang seremonyas ng libing ay agad siyang tumalikod upang maunang bumalik sa loob ng sasakyan. Ngunit bago pa siya tuluyang makaalis ay pinigilan siya ng kanyang kapatid. Nagtatakang napatingin siya rito.

"We need to talk," anang kanyang Kuya Cloud.

"About what?"

"About Lolo's last testament."

"I dont have anything to do with the testament."

"You have. Apparently ay nakasaad sa last will and testament ni Lolo na kayong dalawa ni Conrado ang magmamana nang lahat ng ari-arian niya."


"Holy crap..." Napamura siya sa narinig. Sumakit tuloy ang ulo niya. Anong pumasok sa kukute ng Lolo niya at inihabilin nito sa kanya ang hacienda? At worst, sa kanilang dalawa pang mag-asawa! Akala ba niya'y buo na ang desisyon nitong kay Conrado lang nito iiwan ang hacienda?

The old man tricked you, Sophia, just like how you tricked him.

"Kailangan nating i-finalize ang transfer of titles sa pangalan ninyong mag-asawa sa lalong madaling panahon."

"No!"

Napatingin ang ibang mga nakapaligid sa kanila dahil sa pagtaas ng kanyang boses. Kahit si Conrado na nakatayo sa unahan ay napalingon din sa direksyon nila.

"But, Sophia—"

Pabulong niyang pinutol ang kanyang kapatid.
"I said no, Kuya, were you not listening? Patawarin ako ni Lolo kung hindi ko matutupad ang will and testament niya pero hindi ko magagawang sundin ang hinihiling niya."


"Hindi lang naman sa iyo 'to, sa inyong mag-asawa 'to. This is for your future family," pagpapaintindi ng kanyang Kuya sa kanya.



Ngumiti siya nang mapakla habang umiiling.
"There's no more family between me and Conrado. I'm filing an annulment first thing tomorrow morning."



The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon