Chapter 27

35.1K 1K 179
                                    

Tila bumaha ng luha ang bahay ng kaibigan ni Sophia na si Resha nang mailagak ang labi ng anak nito na si Dan-dan. Kahit siya'y nanginginig ang mga kamay habang lumalapit siya sa kabaong kanina. Nang tuluyan niyang masulyapan ang labi ng bata ay hindi na niya napigilan ang pagluha.

Awang-awa siya sa sinapit ni Dan-dan ngunit mas naaawa siya kay Resha. Hindi man siya naging ina, alam niya kung gaano kasakit sa kaibigan niya ang mawalan ng isang anak. Hindi biro ang pinagdadaanan nito ngayon ngunit sinisiguro naman nilang handa silang damayan ito ano mang oras.



"Resh, pahinga ka muna. Baka makasama sa baby mo kapag mas lalo kapang napapagod," aniya kay Resha.


Mas lalo pa siyang nag-aalala kay Resha dahil alam nilang nagdadalang tao ito. Kung maaari sana'y ayaw nila itong bigyan nang stress dahil makakasama iyon sa pagbubuntis nito.
Patuloy lamang itong nakatulala habang nakatingin sa kabaong ng anak. Nakaupo sila sa isang pew habang hinahagod niya ang likuran nito.


"Ayaw kong iwan si Dan-dan..." tila wala sa sariling bulalas nito.

"Huwag kang mag-alala, nandito naman kami. Hindi namin pababayaan si Dan-dan," sabi naman ni Guia.


"Ayokong magtampo sa akin si Dan-dan, baka isipin niya iniwan ko siya," garagal na tugon ni Resha.

Lalo siyang nabaghan sa kaibigan. Inihilig niya ang ulo nito sa balikat niya. Naiyak na naman ito. Patuloy niyang hinimas ang likod nito upang maibsan kahit papaano ang sakit ng kalooban nito.

"David is looking at you. I think he wants to talk to you," ani Guia.

Napatingin din siya sa kinaroroonan ni David, nakatingin nga ito nang mariin kay Resha.


"Huwag n'yo siyang hayaang lumapit sa akin. Ayoko siyang makita..."


Nagkatinginan sila ni Guia sa narinig.


"May problema ba kayong dalawa?" tanong niya.


"Oo. Maghihiwalay na kami," seryosong tugon ni Resha.


Napasinghap siya, pati na rin si Guia.
"But why? I thought you were happy? You are having your second baby!"


"Hindi niya alam at ayoko sanang may makaalam ng pagdadalang tao ko. Kayo lamang at si Mama ang sinabihan ko."



"What happened? I thought you were happy..."



Mapait itong napangiti. "Akala ko rin pero kahit kasal kami, sila pa rin ng ex-girlfriend niya. Mahal niya pa rin ang babaeng 'yon kahit ibinigay ko na sa kanya ang lahat. Para sa kanya, hindi ako sapat at karapat-dapat na maging asawa niya."


Natigilan siya. Ramdam niya ang pinagdadaanan ni Resha. Naalala niya ang sitwasyon nila ni Conrado. Kahit ibigay niya ang lahat sa asawa niya, mas tumimbang pa rin dito ang pagmamahal nito kay Angela. Hindi niya kailanaman mapapantayan o mahihigitan man lang si Angela sa puso ni Conrado.


"S-so what are you planning to do?" tanong niya kay Resha.

"Annulment."

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon