Parang nakawalang ibon sa isang hawla si Sophia habang sumasayaw kasama si Darwin. Gumiling siya sa harapan nito to spite Conrado. She practically dance like a whore in front of Darwin. Kulang na lamang ay mag-twerk siya sa harapan ng lalaki.
She's upset. Sa sobrang sama ng loob niya'y hindi na niya alam kung paano makitungo nang tama sa mga taong kaharap niya. She felt like she doesnt belong in that place. Kung hindi lamang siguro sa malaking respeto nina Emily sa kanyang pamilya ay hindi siya nito iimbitahan sa party nito.
Nang magkita sila ni Gino ay halos hindi niya ito kausapin. Nagtampo siya dahil hindi man lang siya nito inabalang tawagan upang ipaalam ang pagdating nito. Nauna pang malaman nina Emily at Conrado kaysa sa kanya na pinsan nito. Pakiramdam niya'y wala talagang nagpapahalaga sa kanya. Kahit sarili niyang kapamilya ay iniignora siya.
Idagdag pa sa sama ng loob niya si Conrado. May kausap itong mga tao na hula niya'y mga investors o business partners ng kompanya ng kanyang Lolo ngunit imbes na siya ang ipakilala nito sa mga iyon ay si Angela ang kasa-kasama nito kanina pa. Binalewala nito ang presensiya niya. She felt betrayed and ignored once again.
Ang mga bisita din doon ay hindi niya kilala kaya hindi niya pinagkakausap. May mangilan-ngilan na press people ang gustong interviewhin siya ngunit hindi siya nagpaunlak. Hindi naman siya ang celebrant, bakit siya magpapa-interview? Aagawan niya pa ng limelight si Emily.
Mabuti na lang talaga at nandoon si Darwin upang samahan siya at technically ay damayan na rin siya sa pag-iisa. Nagi-guilty na nga siya sa lalaki dahil alam niyang gusto nitong makihalubilo sa mga tao ngunit na-stuck ito sa kanya na tahimik lamang na nakaupo sa isang tabi. Kaya nang magpatugtog nang upbeat music ay niyaya niya itong sumayaw.
Kasalukuyan siyang umiindak sa harapan ni Darwin nang biglang may humablot sa braso niya't marahas na inilayo siya kay Darwin. Si Conrado—at mukhang umepekto ang rebelyon niya dahil hindi na maipinta ang mukha nito. Nagtangka siyang bawiin ang kanyang kamay ngunit mahigpit siyang kinaladkad nito papalayo.
Napilitan siyang lingunin si Darwin at pasimpleng kumaway rito upang magpaalam.
Mukhang nakakaintinding tumango naman si Darwin. Binalingan niya ulit si Conrado at tinangkang bawiin ang kanyang kamay sa lalaki ngunit humigpit pa lalo ang pagkakahawak nito sa kanya."Bitiwan mo nga ako!" mahinang asik niya kay Conrado upang hindi sila makaagaw ng atensyon ng mga tao. Mukha namang hindi pansin ng mga bisita doon ang ginawa ng lalaki dahil masaya pa rin namang nagsasayawan ang mga ito.
Hindi sumagot si Cornado at patuloy lamang ang pagkaladkad sa kanya papunta sa kung saan. Akmang babawiin na naman niya ang kanyang kamay nang humigpit pa lalo ang pagkakakapit nito sa kanya. Kinabahan siya nang bahagya dahil mukhang galt na galit ito.
Binuksan nito ang isang pinto at sapilitan siyang ipinasok doon. Pumasok din ito at malakas na isinara ang pinto. Ini-lock pa nito iyon pagkatapos. Tila bodega ang napuntahan nila dahil tambak ng mga karton ng kung ano-anong mga gamit doon.
Agad naman siyang binitiwan nito at galit na namaywang sa harapan niya.
"What were you thinking dancing there like a slut?!" galit na singhal nito sa kanya.Nagpuyos ang loob niya sa sinabi nito.
"I'm not a slut!""Really? What do you call yourself then? You just carelessly showed people out there your flirtations to a man who is not even your husband! If you're not giving us an impression that you're a slut then you are worse than that!"
"You take that back!"
"What, that you're a slut?"
Parang dinudurog ang puso niya sa mga bastos na salitang lumalabas sa bibig nito.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom (Completed)
RomanceSophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and she consider her life as an open book because of that. Little did they know, she's keeping a secret...