Chapter 13

33.4K 794 71
                                    

Nagising si Conrado sa isang pamilyar na kuwarto at pamilyar na kama. Napabalikwas siya ng bangon nang mapansing hubo't hubad siya at tanging manipis na kumot lang ang nakatabing sa kanyang katawan. Nang mapadako ang tingin niya sa side table ay nakita niya ang picture frame ni Sophia. Nasapo niya ang kanyang ulo.

"Damn it, Conrado! Nahulog ka na naman sa patibong ng babaeng 'yon!" naiinis na kausap niya sa sarili.


Ganoon na ganoon ang eksena ten years ago. Nagising siya sa loob ng kuwarto ni Sophia habang nakayakap ito sa katawan niya. Ilang minuto pa'y bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang Lolo ni Sophia at si Manang Badang at mahuhuli silang magkasama sa kama. And the rest was the sad history of their marriage.

Ang kaibahan lang sa noon at ngayon ay wala si Sophia sa tabi niya. Hindi niya alam kung makakahinga nang maluwag dahil hindi niya alam ang sasabihin kapag nagisnan niya ito sa tabi niya. Nahulog siya nang tuluyan sa bitag nito kahit pa anong iwas niya. May nangyari uli sa kanila ni Sophia.


I hope she doesnt get pregnant. Alam naman siguro ng babaeng 'yon ang ginagawa niya.

Napatayo siya at inayos ang sarili. Nagtaka siya nang makita ang mga mantsa ng dugo sa bedsheet. Hindi na virgin si Sophia dahil may nangyari na sa kanila dati. At hindi niya alam kung ilang lalaki na rin ang dumaan dito. Pero bakit may lumalabas pa ring dugo sa babae?

Ilang beses bang may nangyari sa kanila kagabi? Pahapyaw lang ang naalala niya dahil sa tindi ng kanyang kalasingan. Ang tanging nanatilu sa isipan niya ay ang galit na nararamdaman niya dito kagabi.

Hindi niya alam kung magsisisi siya. Matindi ang pagtutol niya sa gusto nitong mangyari, na maging lover siya nito sa loob ng tatlong buwan. Masyado nitong ininsulto ang pagkatao niya. Anong tingin nito sa kanya, laruan? Malamang. Ang mga mayayamang taong katulad nito'y sanay maglaro ng damdamin ng mga mabababang tao. At isa siya sa gusto nitong paglaruan.

Nang makapagbihis ay agad siyang lumabas ng kuwarto ni Sophia. Nasalubong pa niya ang gulat na si Manang Badang nang makita siya nitong lumabas sa kuwarto ng babae. Hindi ito nagsalita ngunit dismayadong napailing. Alam nito ang istorya ng buhay nila ni Sophia.

Nang magtungo siya sa kanyang kuwarto ay dumeretso siya sa shower. Tumapat siya sa dutsa at nag-isip. Nagi-guilty siya kay Angela. Magkahiwalay sila nito ngayon pero ito pa rin ang mahal niya. Pakiramdam niya ang nagtaksil siya sa babae nang makipag-sex siya kay Sophia kagabi.


"That would be the last time you will ever fall for Sophia's trap, Conrado..." kausap niya sa sarili.


Nang matapos siyang maligo at magbihis ay nagtungo agad siya sa kuwarto ni Don Fabian para kumustahin ito. Naabutan niya itong pinapainom ng gamot ng nurse. Agad siyang nagmano sa matanda. Tuwang-tuwang tinapik-tapik naman nito ang ulo niya.


"How are you, Don Fabian?"

Iwinasiwas nito ang kamay. "Don't worry about me, Dodong. Worry about your wife. She seemed off earlier. Parang may nangyaring hindi maganda sa kanya kanina."

Napatda siya sa narinig. Ang alam niya'y may naganap sa kanila ng babae kagabi. Gusto n'ya ring makausap ito. Malamang masaya ito dahil nagtagumpay ito sa mga binabalak. Anong dahilan nang hindi magandang pakiramdam nito?

"I was about to talk to her. Nasaan siya ngayon?"

Napangiti ang matanda. "Nasa usual hide-out niya. Doon sa lumang swing sa likod ng mansyon."

"Sige, mauna na ako, Don Fabian," agad na paalam niya.


"Suyuin mo ang asawa mo at mukhang malaki ang tampo sa 'yo," panunudyo pa nito.
Pati ang nurse nito ay napapangiti.


The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon