Chapter 39

38.3K 1.1K 145
                                    

"S-sophia?!"

Kitang-kita ni Sophia na halos lumuwa na ang mga mata ni Lorraine sa gulat habang sinisipat siya nito mula ulo hanggang paa. Kahit siguro siya ay magugulat kung makikita niya ang isa sa mga best friends niyang buntis at manganganak na.

Pero imbes na matuwa ay hindi niya nagustuhan ang pagdating nito. Naiinis siya rito dahil sa ginawa nito sa kapatid niya. Ang sakit ng kanyang tiyan ay lalong lumala sa paglipas ng ilang segundong nakatayo siya roon. Akmang isasara niya ang pinto nang mabilis na naiharang nito ang dalawang kamay sa hamba at pilit isinisiksik ang sarili upang makapasok sa maliit na siwang ng pinto.


"Get out!" sigaw niya kay Lorraine habang pilit isinasara pabalik ang pinto.

Ngunit nagpumilit ito at itinulak ng malakas ang pinto. Napaatras siya habang sapo ang tiyan. Nagtagumpay naman itong makapasok sa loob ng unit niya.


"What do you want?!" galit na singhal niya rito.




"Is this the reason why we couldn't find you? To hide your pregnancy?" tanong nito.


Lalong nalukot ang mukha niya.
"I didn't ask you to find me! Get the hell out of here now!"



Tila ito naman ang nainis sa kamalditahan niya.
Namaywang ito sa harapan niya na tila nang-aasar pa.

"All of us are so worried about you, bitch! You didn't say a word and just dissappear!"


Hindi siya makasagot lalo pa't nanginginig na ang mga tuhod niya sa sakit. Dahan-dahan siyang naglakad papuntang sopa saka naupo doon.


"Get out now, Lorraine. I don't need you!"


Hindi nito pinansin ang pagmamaldita niya at agad na umupo sa tabi niya. Mukhang nag-aalala ito sa kanya.


"Are you okay?"

Hinawakan nito ang balikat niya. Iritableng iwinaksi niya ang kamay nito.


"I said get out!" ulit niya. Napapangiwi na siya sa iniindang sakit. Parang gusto niyang magbanyo.



"Damn you, Sophia! Don't be so stubborn and tell me what's wrong! Are you okay?" singhal nito sa kanya.


"No! Fuck you!" sigaw niya. Dahil sa kanyang pagsigaw ay tumindi ang sakit kaya napaimpit siya sa sakit. Abot-abot na ang kanyang hininga.


"Well, fuck you too! I'll bring you to the fuckin' hospital you fuckin' bitch!" natataranta sagot nito.

Ipinaikot nito ang braso nito sa leeg niya. Inaalalayan siya nitong tumayo ngunit nananatili siyang nakaupo at nakayuko habang namimilipit sa sakit. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may umaagos na tubig sa mga paa niya kasunod ay dugo.


"Oh, fuck!" Mukhang nakita nito ang nangyari dahil mas lalo itong nataranta. Lumuhod ito sa harapan niya at hinawakan ang kamay niya.
"Jesus Christ, don't tell me your baby is coming?"


Napakagat labi na lang siya habang nakapikit. Ayaw man niya ay mukhang tama ang hinala nito. Parang may bumulwak na masaganang tubig sa loob niya. Ang pelvic bone niya ay tila nahahati.

"I think my water bag broke..." anas niya.


Lalong naghysteria si Lorraine sa narinig.

"Oh, shit! Shit!"

Inalalayan uli siya nitong tumayo. Dahan-dahan siyang umangat mula sa pagkakaupo ngunit humilab na naman nang napakasakit ang kanyang tiyan kaya napakapit siya sa armrest ng sopa.



The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon