Chapter 22

33.3K 879 153
                                    

Napasugod agad si Sophia sa bahay ni Guia nang malaman ang balita. Agad siyang nagpaalam kay Conrado na luluwas ng Manila, pumayag naman agad ito. Hindi niya inaasahan ang balitang natanggap na nakidnap si Ian.

Matagal na niyang alam na maraming threats na natatanggap si Ian dahil anak nga ito ng Presidente pero hindi niya inakalang aabot sa ganoon. Ang alam niya ay bodyguard nito ang isa sa mga matalik na kaibigan ng asawa ni Guia na si Diego, isang CIA agent.

Nagtaka siya sa mga kaibigan nang makita ang mga ito. Kakatuwang hindi naman mukhang nag-aalala ang mga ito, bagkus ay nakangiti pa at chill na nakasalampak sa sopa. Mukhang walang pinagdadaanan ang mga ito kung makangiti sa kanya. Nakatambay pa sa Living Room nila Guia at nagkukuwentuhan.


"Wow, ang taray ng bakla, blooming!" agad na komento ni Sidney sabay beso sa kanya.


Hindi siya kumibo at lumapit kay Guia na nakaupo sa isang one-seater sofa. Nahihirapan na itong tumayo dahil sa laki ng tiyan nito. Buntis kasi ito. Agad siyang nagbeso sa pisngi ng kaibigan. Si Lorraine ay nagbeso din sa kanya.


"So, what's up? Bakit mukhang nagkakasiyahan kayo imbes na mag-alala? Akala ko ba nakidnap si Ian?" nagtatakang tanong niya sa mga ito.


"Forget about Ian. Kasama niya si Caloy kaya kahit isang lamok walang makakadapo doon," sagot ni Sidney.


"Pero bakit parang nationwide problem ang itinext n'yo sa akin kahapon?"


"Kahapon pa 'yon. Maraming nangyari sa loob ng 24 hours, Sophia!"


"But are we not gonna do something about this? Ian's life is at stake!" giit niya.


Iwinasiwas ni Sidney ang kamay. "Ang OA mo...kasama nga niya si Caloy! Nakikinig ka ba?"

So anong ipinunta ko dito?


Hindi na lamang siya kumibo kahit nainis siya. Nag-alala siya nang sobra, muntik pa siyang atakehin sa puso, pero pagdating niya sa Manila siya pa ang OA? Ang sarap paghahampasin ng mga kaibigan niya ng kanyang mamahaling handbag!

Si Guia ay nakangiti lamang na nakamasid sa kanya, si Lorraine ay kanina pa tahimik at mukhang may malalim na pinagdadaanan samantalang si Sidney ay ngumunguya ng chicharong bulaklak. Si Resha ay nasa States pa rin siguro dahil hindi niya ito nakikita doon.


"How are you?" tanong sa kanya ni Guia.

Umupo siya sa tabi ni Sidney at kumuha ng chicharong bulaklak sa supot na hawak nito.
"I'm good," sagot niya.

"You look like a complete different person than the last time we saw you in the hospital," komento ni Guia.

"Nagkabalikan ba kayo ni Conrado?" singit ni Sidney.

"H-hindi..."

Mukhang hindi naniniwala si Sidney sa sinabi niya.
"Bakit mukhang in love ka? Nagse-sex kayo, 'no? Ano 'yan pabaon before annulment?"

Muntik na siyang mabilaukan sa sinabi ni Sidney. Naubo siya nang malakas. Mabuti na lang at mabilis siyang inabutan ng juice ni Guia. Mabilis din naman niyang ininom iyon.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon