"Make sure the nurses are giving your Lolo all his due medications. Call his doctor if anything goes wrong. Call me everyday for an update of your Lolo's health—are you even listening to me, Sophia?"
Kanina pa nakatulala si Sophia ngunit nang marinig ang paggalit na boses ng kanyang Mama ay nadistract siya.
"Sorry?" tanging nasabi niya rito.
Dismayadong napailing ito. Alam niyang nagpipigil itong mas lalong mainis sa kawalan niya ng focus sa mga sinasabi nito.
"Are you listening to me? God, kung hindi lang dahil sa Papa mo ay hindi kita iiwan dito kasama si...nevermind."
"Why is he here?" sa halip ay tanong niya.
Si Conrado ang tinutukoy niya.Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya maipaliwanag kung paano siya nakalabas ng silid ng kanyang Lolo at sumusunod sa sinasabi ng kanyang Mama kahit ang buong isipan niya ay naiwan kay Conrado. Akala niya ay nabawasan na nang malaki ang nararamdaman niya sa lalaki sa paglipas ng panahon.
Nagkamali siya. Malaki pa rin ang epekto nito sa kanya. Sa palagay niya nga ay mas lalong tumindi iyon lalo pa't nakita niyang lalo itong kumisig at gumuwapo. Makisig na talaga ito dati dahil batak ang katawan sa trabaho pero hindi maikakailang guwapo. Maginoo din naman ito kahit brusko. Crush ito lahat ng mga dalagita sa hacienda nila kabilang na siya.
"Your Lolo requested for his presence. He said Conrado's taking his place in hacienda soon. Gusto niya ring mag-usap kayong mag-asawa. Your Lolo wanted a peace of mind before he d-dies..." Pumiyok ang boses ng kanyang Mama sa huling nasabi.
Mag-asawa...
Gusto niyang matawa sa salitang narinig. Kailanman ay hindi niya inangkin na asawa si Conrado kahit kasal sila nito. Though itinuring niya ang sarili na pag-aari nito, never niyang itinuring na pag-aari ang lalaki.
"I hated the idea that both of you will stay in the same house..." patuloy ng kanyang Mama.
"Then why are you leaving me here with him?" naguguluhang tanong niya.
Doon tumingin nang diretso sa kanyang mga mata ang kanyang Mama. Kakaiba man ang personalidad ng kanyang Mama at minsan ay kinaiinisan ito ng lahat, hindi niya maitatangging mahal sila nito ng kanyang kapatid kahit pa hindi ito ang nag-aruga sa kanila. Hindi sila makakarating sa kung saan man sila ngayon ni Cloud kung hindi dahil sa pagsusumikap nitong maging successful sila.
Dapat ay itinakwil siya nito noon nang malaman nitong inakit at pinikot niya si Conrado na isang hamak na tauhan ng hacienda. Ngunit imbes na magalit sa kanya ang kanyang Mama ay sinuportahan siya nito at ipinagtanggol. Disappointed ito sa mga desisyon niya pero hindi ito nagalit sa kanya.
Ito pa nga ang dahilan kung bakit sila nakasal ni Conrado kahit mahigpit ang pagtutol ng kanyang Lolo. Sa huli ay walang nagawa ang kanyang Lolo at si Conrado kundi pumayag sa kasal nila dahil nagbantang ipapakulong ng kanyang Mama si Conrado. They were like the wicked mother and daughter in a faitytale story. Tapos si Conrado at Angela ang mga bida.
Pero kagaya nga ng sabi sa fairytale book, kailanman ay hindi magtatagumpay ang kasamaan. Nagtagumpay nga silang mag-ina na maikasal sila ni Conrado, sa dulo ay iniwan pa rin siya nito at sumama sa totoo nitong prinsesa. Both of them lived happily ever after and she lived miserable all her life.
That's the price she got from all her selfishness."I suppose you are matured enough to handle this situation," anang kanyang ina.
Nanariwa sa kanyang alaala lahat ng pinagdaanan niya.
"Y-yeah. I'm not that young, naive, and stupid girl anymore who was so obsessed with the idea of love, Ma."
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom (Completed)
Roman d'amourSophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and she consider her life as an open book because of that. Little did they know, she's keeping a secret...