Gulat na napatingin si Conrado kay Sophia. Tama ba ang naririnig niya? Nagtatanong si Sophia tungkol kay Angela? Ang ipinagtataka niya ay mukha itong kalmado, salungat noong huli nila itong napag-usapan. Pinagbantaan pa nga sila nitong idedemanda.
Mabagal nitong tinutuyo ng tuwalya ang basang buhok habang nakatingin sa kanya. Hindi niya mahulaan kung anong naglalaro sa isipan ng babae. Dapat ba siyang makahinga nang maluwag dahil kalmado nitong binubuksan ang usapan tungkol kay Angela? O dapat na siyang mangamba dahil nagbabadya ang panganib sa mga mata nito?
Nagbawi siya ng tingin dito at binalingan ang canvas na nabuksan nito kanina. Kung bakit kasi hindi niya itinago ang canvas, hindi sana iyon nakita ni Sophia. Pero sino bang mag-aakalang dadalhin niya ang babae sa tree house na ginawa niya para kay Angela? Surpresa niya iyon sa dating kasintahan kapag umuwi ito galing France.
"Hey, may kausap ba ako?" untag ni Sophia sa pananahimik niya.
He sighed. Mukhang wala siyang pagpipilian kundi sagutin ito. Kilala niya si Sophia, hindi ito matatahimik kapag hindi ito nakakakuha ng sagot.
"What about Angela?"
"How is she? Nasaan siya ngayon? Bakit kayo naghiwalay?" sunod-sunod na tanong nito.
"Wasn't it part of your research? Akala ko alam mo ang lahat sa buhay ko?" sarkastikong balik niya.
"I want to hear it from your own mouth."
Hindi siya kumibo. Hindi siya komportableng pag-usapan ang buhay niya sa ibang tao, lalo na kay Sophia. Nakakapagtaka nga kung paano nito nalamang ang mga nangyayari sa kanya sa France samantalang pribado siyang tao. Napaigtad siya nang bigla siya nitong batuhin ng tuwalyang ginamit nito.
"Hey, am I talking to anyone here? Tell me what happened!" demanding na sabi nito.
He looked at her face, she's neither mad nor jealous. It's surprising that she looked genuinely interested rather than suspicious.
"She's in Paris," napipilitang sagot niya.
"Bakit nga kayo naghiwalay?"
"Why do you want to know?"
"Because I want to know! I am interested," pag-amin nito.
"I'm not comfortable sharing my personal life with you," pag-amin din niya.
Mukhang na-offend ito sa sinabi niya. Nagsisi tuloy siya sa nasabi. Ayaw niyang binibigyan ito ng sama ng loob dahil hindi nito deserve iyon. Sa ilang linggong pagsasama nila, hindi lang naman sex ang nagugustuhan niya sa babae. Nadidiskubre din niya ang ibang ugali nitong nagbago sa paglipas ng panahon. Nag-matured ito at mas naging malawak ang pag-unawa. May kakulitan nga lang talaga.
"Ako shine-share ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko pero ikaw hindi! I thought we're friends," tila nagtatampong sabi nito.
Do friends fuck each other?
Napabuga siya ng hangin. "Yeah, like you shared how many boyfriends you had," parunggit na sabi niya.
Napamaang ito. "I don't have anything to share because I never entertained any men in my life!"
Napaismid siya. Really, Sophia?
"Yeah? Like how did you become wild and feisty in bed? You must have learnt if from several men."Kahit medyo malimlim ang paligid ay kitang-kita niya ang pamumula at panggigigil sa mukha nito.
"So that's what you think of me?" pasinghal na tanong nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom (Completed)
RomanceSophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and she consider her life as an open book because of that. Little did they know, she's keeping a secret...