Yugto 4: Math Elimination
Katulad ng dati ay tahimik lamang ako sa klase buong maghapon at wala akong ginawa kundi ang makinig at mag-take down notes. Nang nag-uwian na ay tinawagan ko ang aming driver para masundo ako.
Pero dahil matagal ang driver namin ay tumambay muna ako sa isang waiting shed malapit sa entrance ng school namin. Siguro ay five minutes akong naghintay roon. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang parking lot ng school. Nakita kong naglalakad si Enrick kasama ang mga kaibigan niya papunta roon.
Naiinis lang talaga ako sa tuwing nakikita ko si Enrick.
Nakita ko bigla si Janine na naglalakad din malapit kina Enrick. Mayamaya pa ay nagpaalam na ang mga kaibigan ni Enrick at naiwan na lang si Enrick na mag-isang naglalakad. Si Janine naman ay nasa malayong likuran na ni Enrick at para bang sinusundan niya ito.
Sa hindi malamang dahilan ay tumayo ako at lumayas sa waiting shed. Si Janine ay dahan-dahang naglalakad sa likod ni Enrick at ako naman ay sumunod sa dalawa. Siguro nga, nabaliw na ako.
Nang huminto sa paglakad si Enrick ay huminto rin si Janine. Ako naman ay dali-daling nagtago sa likod ng isang kotseng malapit.
Pinatunog ni Enrick ang isang itim na BMW at kasabay noon ay ang pagsigaw ni Janine. “Enrick!”
Natigil si Enrick at nilingon niya si Janine. Kumunot ang noo niya at mariin niyang tinitigan si Janine. “Anong ginagawa mo rito, Janine?” tanong niya.
Yumuko si Janine na para ba siyang nahihiya o ano. “Pwede ba kitang... makausap?”
“Sure. Tungkol saan?” si Enrick.
“Sa isang private na lugar sana tayo mag-usap.”
“Bakit naman? Hindi ba pwedeng rito na?”
“P-Pwede naman.”
“Iyon naman pala. Ano naman ang pag-uusapan natin?”
Ilang minuto pa silang nanatiling tahimik dahil ayaw magsalita ni Janine. Ako naman ay nagsimula nang mangawit sa kinatatayuan ko.
“I want to confess my feelings to you, Enrick... I like you so much.”
I couldn’t believe it. Para lang akong nanood ng isang teleserye. And I couldn’t believe myself. Kailan pa ako naging tsismosa?
“Wala ka man lang bang sasabihin?” tanong ni Janine habang unti-unting lumalapit kay Enrick.
“Thank you,” simpleng tugon ni Enrick.
“Gusto mo rin ba ako, Enrick?”
“Hindi.”
Nakita ko kung paano unti-unting napawi ang ngiti ni Janine. “B-Bakit naman hindi?” Tumaas nang bahagya ang boses niya. “Maganda ako. Mayaman. Mabait.”
“I know, Janine. You’re great. Pero may iba kasi akong gusto.”
“You know, may mga juniors na nagsabi sa akin na playboy ka raw. So, maybe, you can pursue the girl that you like while you can play with me. Or... mas maganda siguro kung kalimutan mo na lang iyong babaeng gusto mo at ako na lang ang gustuhin mo.”
“Janine...” Unti-unting hinawakan ni Enrick ang balikat ni Janine. “Hindi ko gustong gawin iyang mga sinasabi mo.”
“Why not? Hindi naman ako pangit, ‘di ba? Bakit hindi mo ako magustuhan?”
“Kasi hindi kita gusto. As simple as that.” Nagawa pang ngumiti ni Enrick.
Hindi ako makapaniwala na basta na lang niyang sinabi iyon kay Janine. Diretsahan. Si Janine naman ay unti-unting lumayo kay Enrick.
“Pero thank you ulit,” si Enrick at pinatunog ulit ang sasakyan niya. Bago niya buksan ang pinto ay, “Bye, Janine.”
At parang gano’n-gano’n na lang ay pumasok na siya sa kanyang sasakyan at pinaharurot iyon paalis sa parking lot. Naiwan si Janine doon na nakayuko at pinupunasan ang mga tumulong luha.
Naiinis ako. Hindi kay Enrick kundi kay Janine.
Naiinis ako kasi gusto niya si Enrick? Naiinis ako kasi ang lakas ng loob niya para kausapin nang gano’n si Enrick?
Ewan. Basta’t naiinis ako.
Lumipas pa ang mga araw at medyo nakalimutan ko na ang ginawa kong pang-i-stalk kina Janine at Enrick. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral at pakikipag-asaran sa kapatid kong si Ryle, kapag nasa bahay ako.
“Ate! Mrs. Santos is here!” sigaw ni Ryle galing sa poolside ng bahay namin.
Nasa sala ako at hinanda ko ang mga notebook at libro ko. Sina Mommy at Daddy ay nasa poolside din, kasama ni Ryle.
Araw ng Sabado, at dahil nag-announce ang aming adviser na magkakaroon ng Math Elimination sa darating na Lunes ay nakipag-harap ako sa aking long time tutor na si Mrs. Santos. Bawat weekends ay mayroon akong study sessions kasama siya. Magmula kinder ako ay siya na ang nagtu-tutor sa akin. Dati siyang propesor sa isang kilalang unibersidad dito sa Maynila. Nagretiro siya dahil sa katandaan.
Back to Math Elimination, every year akong nagpapa-tutor para manalo ako sa elimination na iyon. Last year lang ako hindi nanalo dahil tinalo ako ng bwisit na si Enrick.
Pagkatapos ng tatlong oras na pagtuturo ay umuwi na si Mrs. Santos at nag-self study naman ako. Panay ang pangaral sa akin ni Mommy na kailangan ko raw manalo sa Math Elimination, dahil nakakahiya naman daw kung mauulit ang pagkatalo ko noong nakaraang taon.
Dumating ang araw ng Lunes... Nandito ako sa isang room kung saan gaganapin ang Math Elimination. Lahat ng estudyanteng sasali ay nakaupo na at mukhang handa na rin dahil malapit nang magsimula.
Sa bandang unahan ako umupo at sinigurado kong wala akong katabi, para walang kumopya sa akin. Hindi naman ako paranoid, realistic lang.
Nakita ko si Enrick na nakaupo rin sa bandang harap pero malayo nang kaunti sa akin. Prente siyang nakaupo at naka-cross arms habang nilalaro ang ballpen. Umirap ako sa kawalan.
Yabang. Parang walang pakialam sa mundo.
Hindi ko nga alam kung paano naging first honor si Enrick. Ni hindi ko naman siya nakitang nagbasa ng libro o nakinig kapag nagdi-discuss ang teacher. Lagi lang siyang nakatingin sa kawalan o kaya ay kausap ang iba naming kaklase.
Basta kapag pinag-recite siya ng teacher, may naire-recite naman. Kapag tinanong ng teacher, nakakasagot naman siya at laging tama. Lagi rin siyang mayroong assignments at projects. At laging perfect kapag may exams o quizzes. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon.
Mayamaya pa ay nagbigay na sa amin ng questionnaire at nagsimula na kaming magsagot.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Teen FictionBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...