Yugto 29

100 8 0
                                    

Yugto 29: Nililigawan Niya Ako?

Nag-iwas ako ng tingin mula kay Enrick. Nang nakita ko ang mga kaklase kong babae na papunta sa comfort room, para magbihis, ay sa kanila ako sumabay.

Noong mga nakaraang araw ay masyado na talaga akong naging conscious sa kung ano ang itsura ko. Sa loob ng comfort room ay nagbihis ako. Sinuklay ko rin ang aking buhok at inayos ko ang aking mukha.

Nang natapos ako sa pag-aayos ay bumalik ako sa gymnasium at nanood na ng volleyball. Ilang oras pa ang lumipas at nang natapos ang game ay pinapila kami nang by section dahil kailangan nang bumalik sa kanya-kanyang classrooms.

Ngunit bago pa ako makarating sa pila ng section A ay may umabot na sa kamay ko.

“Beatrix.”

“Harold?” Kumunot ang noo ko.

“I need to talk to you.”

He blushed profusely. Hindi rin siya makatingin sa akin nang maayos at para ba siyang kinakabahan.

“Anong sasabihin mo?”

“No. Hindi ko sasabihin dito. Can we talk somewhere... somewhere that’s more private?” tanong niya.

“Okay.”

What could be so important na kailangang sa “somewhere private” pa kami mag-usap? Nang nakarating kami sa medyo malayong parte sa likuran ng gymnasium ay huminto siya sa paglakad at hinarap ako.

“Anong sasabihin mo?” Ngumiti ako. Baka magpapatulong na naman siya sa subject kung saan siya nahihirapan. Willing naman ako na turuan siya.

“Look, I’m sorry if this is all of a sudden. Sorry, dapat hinintay ko na lang ang class dismissal. But I realized that I can’t wait anymore, that I really need to tell you this, right now.” He looked sincerely in my eyes.

Hindi ko pa nakita si Harold na naging gano’n kaseryoso.

The next thing I knew was that he told me the unbelievable.

“I like you, Beatrix.”

Napanganga ako. Talaga bang narinig ko ang mga salitang iyon?

Parang imposible iyong sinabi ni Harold at parang may pagka-makatotohanan din. Noong nakulong ako sa chem lab, ay tinanong sa akin ni Enrick kung pinopormahan daw ba ako ni Harold.

Ibig sabihin, mayroong nahahalata si Enrick, noon pa man. Gano’n ba ako kamanhid para hindi ko maramdaman na may gusto si Harold sa akin? O naramdaman ko, kaya lang ay hindi ko binigyan ng pansin?

We stood there in silence. Kulang na lang ay makarinig ako ng crickets sa sobrang tahimik.

“I really like you, Beatrix,” pag-uulit ni Harold.

Bago pa ako makapag-respond ay nagulantang ako sa sumunod na nangyari. Biglang sumulpot si Enrick mula sa kung saan at itinulak niya si Harold. Bumagsak si Harold sa semento.

“Damn you!” malakas na sigaw ni Enrick at kinwelyuhan si Harold.

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat. “A-Anong...” I barely said it. Naestatwa ako sa kinaroroonan ko.

Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang mga bagay-bagay. Hindi pa rin ako makapaniwala na nag-confess si Harold sa akin. Hindi rin ako makapaniwala na nag-aaway ang dalawang lalaki sa harapan ko.

“Mang-aagaw ka!” sigaw ni Enrick at sinuntok si Harold.

Sa pagkakataong iyon ay sumigaw na talaga ako. “Tama na iyan, Enrick!”

Pero parang hindi niya ako narinig.

Si Harold ay sinubukang itulak si Enrick pero hindi naman ito natinag. Sinuntok ulit ni Enrick si Harold.

“Enrick, ano ba! Tama na sabi, eh!” Tinulak ko si Enrick.

Nakita ko si Harold na may pasa malapit sa kanyang kilay. “Oh, my God! Harold! Okay ka lang ba?” nag-aalala kong tanong.

“Dammit!” Patuloy na nagmura si Enrick doon habang ginugulo ang kanyang buhok.

“Walang hiya ka, Enrick! Bakit mo ako sinuntok, ha?! Nagseselos ka? Fuck! Ang babaw mo p’re!” si Harold at akmang tatayo pa sana pero sinigawan siya ni Enrick.

“Goddammit, Harold! Nililigawan ko na si Beatrix kaya manahimik ka!”

Wait.

What?

Nililigawan niya ako?

“Nililigawan pa lang pala, eh! Hindi pa siya sa ‘yo!”

Mas lalong nagalit si Enrick dahil sa sagot ni Harold. “Shut up!”

“Tama na! Pwede ba? Hindi ninyo kailangang mag-away! Enrick, please lang, umalis ka na muna rito.” Pumagitna ako sa kanilang dalawa.

Si Enrick ang nagsimula. Wala namang ginawang masama si Harold. Nag-confess lang siya sa akin.

“Umalis ka na!” sigaw ko ulit.

Anong karapatan niyang gawin iyon kay Harold? At sinungaling siya. Sinabi niyang nililigawan niya ako, kahit hindi naman totoo.

“Aalis ako. Basta sasama ka sa akin.” His jaw clenched.

At bakit ko naman gagawin iyon? Oo. Gusto ko siya pero hindi ako sasama sa kanya.

“Kung hindi ka pa aalis, makakarating ito sa guidance counselor,” banta ko.

“No. You’re not doing that,” ani Enrick at hinitak ang braso ko. Lumakad siya habang hinihila ako.

“Enrick, bitiwan mo si Beatrix!” Narinig ko ang boses ni Harold pero hindi tumigil si Enrick.

Pumiglas ako sa pagkakahawak niya pero hindi ako nakawala. In fact, mas humigpit pa ang hawak niya sa akin habang pumipiglas ako.

“Bitiwan mo ako!” sigaw ko. “Nasasaktan ako!”

Nagpatuloy si Enrick sa pagkaladkad sa akin. Wala akong nagawa. Hindi ko nakayang makawala sa mahigpit niyang pagkakahawak sa akin. Hindi ko rin nagawang tulungan ang naiwan sa gym na si Harold.

Panay ang piglas at sigaw ko kay Enrick. Binitiwan niya lamang ako nang nakarating na kami sa oval.

“Ano bang problema mo, ha?!” singhal ko at itinulak ko siya.

Sinaktan niya si Harold nang walang sapat na dahilan. Sinaktan niya ang taong walang ginawa kundi maging mabait sa akin. Si Harold na nga lang ang isa sa mga taong kumakausap sa akin sa school, ‘tapos sinuntok pa niya?

“Anong ginagawa n’yo sa likuran ng gymnasium?” Hindi niya sinagot ang tanong ko.

“Harold and I were talking!”

“Talking? You call that talking? Really, Beatrix? For Pete’s sake, he was confessing!” sigaw niya na para bang isang big deal ang bagay na iyon.

“O, ano naman ngayon? Wala ka na dapat pakialam doon! Pero hindi, ‘di ba? Kasi sumulpot ka na lang bigla at sinuntok mo si Harold!” Tinulak ko ulit siya. “Bakit, ha? Bakit mo ginawa iyon? Wala namang ginagawang masama iyong tao sa ‘yo!”

“He cursed me—”

Pinutol ko siya. “You started it, sinaktan mo siya! Hindi ka naman niya mumurahin kung hindi rin ikaw ang nagsimula, ‘di ba?!”

“Look, he said that he likes you.”

“Huwag mong ibahin ang usapan! Ang point ko rito ay bakit mo biglang sinuntok si Harold!”

I just hate it when someone hurts the people that made me happy. Yes, somehow, Harold had made me happy. As a friend, iyong pagsama niya sa akin tuwing lunch break, it meant a lot to me.

“Ano? Hindi ka makasagot?”

Habang nagsasalita ako ay nakatitig lang si Enrick sa akin.

Nakakainis.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon