Yugto 35: Is This A Date?
Sa nanginginig na kamay ay inabot ko ang cellphone ko, ang cellphone na ibinigay ng pinsan kong si Courtney. Ayokong mapagalitan. Alam kong iyon ang mangyayari kapag nalaman ni Mommy na nagsinungaling ako.
I had to escape.
Mabilis kong hinubad ang pajama kong suot, isinuot ko ang aking denim pants, at hinablot ang isang pares ng rubber shoes sa aking walk-in-closet. Wala akong time para pumili pa ng mas maayos na sapatos. Tiningnan ko ang aking t-shirt na kulay dilaw, okay na iyon.
Nang nakapagbihis ay binuksan ko ang aking pinto at dinungaw ko ang kabuoan ng aming bahay mula sa hagdan. I saw no trace of Mom. Hindi ko alam kung saan siya pumunta.
Hawak ang aking cellphone at wallet ay kumaripas ako ng takbo papunta sa aming front door. Mabilis ko iyong binuksan at lumabas ako ng aming bahay. Sinalubong agad ng malamig na hangin ang aking balat.
“Ma’am Beatrix?”
Nahinto ako sa pagtakbo papunta sa aming gate nang narinig ko iyon. Nilingon ko ang aming unipormadong kasambahay na nakakunot ang noo sa akin.
“Bihis na bihis po kayo, ha? Saan po kayo pupunta?”
“N-Nowhere... just on... the convenience store.” Nagawa ko pang ngumiti.
Nag-pray pa ako na sana ay hindi niya naintindihan ang sinabi ko dahil English iyon. Mabilis kong binuksan ang aming gate at hindi na ako nag-abala pa na isara iyon o ano, nandoon naman ang aming kasambahay.
Tumakbo ulit ako. Tahimik na sa subdivision dahil ala-siete-y-media na. Nilagpasan ko ang halos anim na bahay mula sa bahay namin at saka lang ako huminto sa pagtakbo. Agad akong pumara ng taxi at sumakay roon.
Binanggit ko sa driver ang pangalan ng isang mall at nagsimula na siyang magmaneho.
Binuksan ko ang aking cellphone at hinanap ko kaagad ang numero ni Enrick. Nanginginig pa ang aking daliri nang pinindot ko iyon para matawagan.
Bumungad sa akin ang malamig niyang boses. “Hello.”
“E-Enrick.” Nanginig ang boses ko. “Pwede ka bang pumunta sa SM ngayon din?”
I felt like crying. Para akong isang batang nawawala at siya ang hinahanap ko.
“Why? May problema ba Beatrix?”
“No, no, wala.” I tried to sound more cheerful. “Gusto ko lang na magkita tayo roon.”
“Okay. I’ll be there.”
“Thank you.”
At pinatay ko na ang tawag. Nakahinga ako nang maluwag.
Pero sandali lang iyon dahil may panibagong tawag akong natanggap. I was expecting that it was Enrick, but it was Mommy. Hindi ko sinagot. Tinitigan ko lang ang aking screen hanggang sa huminto ang tawag.
Mabilis akong nag-airplane mode.
Sa buong byahe ay umiyak ako. Pakiramdam ko ay sobrang mali ang ginawa ko. Pero iyon lang kasi ang pinakaunang planong nabuo sa aking isip nang narinig ko si Mommy na kausap ang aking adviser.
“Nandito na po tayo,” sabi ng taxi driver.
Napalingon ako sa maliwanag na mga ilaw ng mall. Inabot ko ang bayad sa driver. Lumabas ako sa taxi at humanap ng kung anong pwede kong upuan. Nakahanap ako ng bench. Hindi muna ako pumasok sa mall at doon muna ako naupo. Tanaw ko ang parking lot mula sa kinauupuan ko.
Lumipas ang ilang minuto at nakita ko nang may pumaradang isang itim na BMW sa parking lot ng mall. Mabilis akong tumayo. Bumukas ang pintuan ng kotse at iniluwa noon si Enrick. Luminga siya sa paligid ngunit hindi niya agad ako nakita. Nakita kong kinuha niya ang cellphone niya at nagtipa roon.
Lumakad ako palapit sa kanya. Nang tuluyan akong nakalapit ay mabilis ko siyang niyakap. Pakiramdam ko ay kailangan ko iyon. Hindi agad ako bumitiw sa yakap at gano’n din siya. For a moment we stayed like that.
Then he whispered to me, “What’s the problem, Beatrix?”
Kumalas ako at hinarap ko siya. Umiling ako at kinuha ko ang kanyang kamay. I interlaced our fingers.
Nangako ako sa sarili ko na magpapakasaya ako sa gabing iyon. Kahit doon lang. Kasi alam ko na kapag umuwi ako sa bahay ay papagalitan na ako. Noon lang rin ako nakalabas ng bahay sa gano’ng oras, kaya lulubos-lubusin ko na.
Umangat ang sulok ng mga labi ni Enrick at sumunod siya sa akin nang hinila ko siya papasok sa mall.
“Is this a date?” Hinapit niya ang baywang ko.
Ngumisi ako. “Yes.”
“Saan mo gustong pumunta? There are a lot of hotels here in Manila... do you want Sogo, but I prefer five star hotels...”
Uminit ang pisngi ko at itinulak ko siya. “Pervert!”
Hindi ko alam kung anong date ang nasa isip niya.
“Alright, alright.” Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at masuyong hinawakan ang aking siko. “Joke lang naman.”
Umirap ako.
“Pero seryoso, saan mo gustong pumunta? You know that we can’t just roam the whole mall without eating or something.”
“Pizza Hut!” automatic kong sabi at itinuro sa kanya ang naturang lugar.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at nauna na akong pumasok doon. Walang nagawa si Enrick kundi ang sumunod sa akin.
Simple lang ang suot ni Enrick. He was just wearing a simple white v-neck shirt and denim pants pero ang lakas na ng dating niya. Ang gwapo-gwapo niya talaga. Dinaig pa niya ang mga lalaking model ng Bench.
“So, you’re hungry, huh?” mapang-asar niyang tanong.
“Oo naman!”
Hindi siya sumagot. Hindi nagtagal ay um-order na kami at ni-serve na iyon sa table namin. Noong una ay ayaw pa niyang galawin ang pizza niya at nakatitig lamang siya sa akin habang kumakain ako. Kaya naman kumuha ako ng isang slice mula sa pizza niya at sinubuan ko pa siya.
Ngumiwi siya sa akin matapos niyang nguyain ang pizza.
“Arte nito! Masarap kaya iyan!” Umirap ako at inilapag ko ulit ang slice ng pizza niya sa kanyang plato. Kinagatan ko naman ang pizza ko.
Nagulat ako nang kunin niya sa kamay ko ang kinakain kong pizza at kinagatan din iyon.
“Mas masarap ito,” sabi niya habang kinakain ang pizza na nakagatan ko na.
Did we just have an indirect kiss?
“K-Kinagatan ko na iyan,” sabay turo ko sa pizza ko na hawak niya.
“Uh-huh.” Tumango-tango pa ang mokong. “Kaya nga mas masarap ito.”
“Sa ‘yo na nga iyan,” sabi ko habang nag-iiwas ng tingin. Bumilis ang tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Teen FictionBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
