Yugto 7

233 10 2
                                        

Yugto 7: Second To The Highest

Lumipas na ang isang araw pagkatapos noong panonood ko ng game. Weekends, at dahil mayroon na naman akong contest na kailangang salihan ay pumunta sa bahay si Mrs. Santos para sa aming study session.

I needed to join the Science Quiz Bee. Dahil gusto ni Mommy na manalo ako roon. Last year kasi ay si Enrick ang nanalo sa quiz bee’ng iyon. Kaya ang kailangan kong gawin ay ako ulit ang manalo.

Araw ng Lunes, Science Quiz Bee. Sa room kung saan iyon ginanap ay inakala kong pupwede na akong umupo kahit saan, pero hindi pala. Dahil medyo may “kaayusan” ang facilitator namin ay nagkaroon kami ng seating arrangement. Iyon ay ibinase sa attendance sheet na pinirmahan ng bawat participants.

“Mr. de Vera,” ani facilitator namin at itinuro niya kay Enrick ang upuan na para rito.

Kasali na naman si Enrick.

“Ms. Soledad,” tawag sa akin ng babaeng facilitator at itinuro niya sa akin ang bakanteng upuan sa tabi ni Enrick.

“Po?” tanong ko sa facilitator dahil baka naman nagkamali lang siya. Imposibleng katabi ko si Enrick. Dahil sigurado ako na noong pumirma ako sa attendance ay hindi katabi ng pangalan ko ang pangalan niya.

“There must be a mistake, Ma’am,” sabi ko at lumapit sa facilitator. “Pwede ko po bang makita ang attendance sheet?”

Tumango ang facilitator at inabot niya sa akin ang attendance sheet. Agad kong narinig ang bulungan ng mga ibang kasali sa quiz bee.

“Ano ba iyan? Pinapatagal lang niya, eh.”

“Nangagawit na ako!”

May narinig naman akong sumipol na lalaki. “Ang ganda naman niyan. Sino ba iyan?”

Hinanap ko ang pangalan ni Enrick sa papel. Nakita kong may lima pang pangalan na nakalista sa ilalim ng pangalan niya, bago ang pangalan ko. Dapat ay katabi niya ang limang iyon, bago ako.

“Ma’am, with all due respect po, pero mayroon pa pong limang estudyante sa attendance bago ang pangalan ko. That means, hindi po ako ang katabi ni Enrick,” mahinahon kong sabi sa facilitator.

Umiling ang facilitator. “Nag-back out na kasi ang limang iyan, kaya ikaw ang katabi ni Mr. de Vera.”

Natigil ako sa sinabi niya. Kung minamalas ka nga naman.

Wala na akong nagawa at sumunod na lang ako. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ni Enrick. Siguro ay two meters lang ang agwat namin sa isa’t isa at naiinis ako.

Nakita kong nag-smirk sa akin si Enrick at supladong bumaling sa harap pagkatapos. Gusto ko sana siyang tadyakan kaso ay napigilan ko ang sarili ko.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang quiz bee. Pagkatapos naman naming magsagot ay kinolekta ang aming answer sheets para i-check ang mga iyon.

“Our Science Quiz Bee winner is Mr. Enrick de Vera. Ninety-seven percent of his answers are correct.”

At gaya noong nangyari last year, nanalo na naman si Enrick.

As expected, hindi na naman masaya si Mommy nang nalaman niya na hindi ako nanalo sa Science Quiz Bee. Kung dati ay seven pm ang curfew ko, ginawa pa niyang six-thirty pm. Si Daddy naman ay panay ang pag-alo sa akin. Ang sabi niya ay okay lang raw kahit hindi ako nanalo, dahil there’s always a next time.

Mabilis na lumipas ang panahon at sa isang iglap ay periodical examination na. Nag-review ako nang maigi. Not just a review, but a major review.

Nasulyapan ko si Enrick na nasa bandang likod ng classroom, nakaupo siya sa desk at may katabing magandang babae. Hindi ko alam kung bakit, pero naiinis ako kapag may nakikita akong babae na kasama niya.

Ang mga kaibigan ni Enrick ay nakapalibot sa kanya. Nagkwentuhan at nagtawanan silang lahat. Pachill-chill lang si Enrick. Parang walang test na magaganap para sa kanya.

Naku, Enrick. Humanda ka. From now on, tatalunin na kita. Ngayong periodical examination natin, ako ang magiging highest scorer at hindi ikaw.

Or at least, that’s what I thought.

Dahil noong natapos kaming mag-test at natapos ding mag-check ay nalaman na ng lahat kung sino ang highest scorer. It was Enrick. Sa lahat ng subjects pa.

Second to the highest lang ako.

Sinabi ko pa sa sarili ko na tatalunin ko na si Enrick at ako na ang magiging highest scorer. Hindi ko rin naman pala magagawa.

Nang nag-uwian na ay agad na dumikit sa akin si Janine. Bumababa ako sa hagdan at siya ay sunod nang sunod sa akin.

Kung magpapatulong na naman siya tungkol kay Enrick ay wala akong maitutulong sa kanya. Besides, nagawa na nga niyang mag-confess. At kinindatan din siya ni Enrick noong nanood kami ng game. Kaya mukhang hindi na niya kailangan ng tulong ko.

“Ang galing mo, Beatrix! Ikaw ang second to the highest! Siguro, proud na proud sa ‘yo ang mga parents mo!” Halos mapunit ang bibig niya dahil sa pagngiti nang malaki.

“No.” Umiling ako sa kanya. ”Mommy’s gonna kill me.”

“Huh?” Eksaherada niyang inilaki ang kanyang mga mata. “Bakit ka naman papatayin ng Mommy mo?”

Hindi niya ba alam ang figurative language?

“Ako dapat ang papatayin dahil bagsak ang scores ko!” dagdag pa niya. “Hindi kasi ako nag-review!”

Marami pang daldal si Janine sa akin pero wala nang halos pumasok sa isip ko. Mas inisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Mommy sa pagiging second to the highest ko.

I was sure it’s going to be the worst.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon