Yugto 24

130 8 0
                                    

Yugto 24: Yakap Ni Leila

“Huh? Bakit mo naman ako pinapaalis?” nagtataka kong tanong kay Enrick.

“You should go,” pag-uulit niya. His smile was wiped off his face. He was serious.

“Bakit nga?”

“Bakit? Gusto mo bang rito na matulog?”

“Ayaw ko, syempre!”

Tumawa siya at gumaan ang pakiramdam ko. Hindi siya galit sa akin.

“You should go dahil baka mahawa ka pa sa akin at baka hindi ako...” Huminto siya sa sasabihin niya.

“Baka hindi ka, ano?” tanong ko.

“Makapagpigil,” simpleng tugon niya at mas lalo pang ngumisi.

Kumunot naman ang noo ko. “Hindi kita maintindihan...”

Natigil ako sa pagsasalita dahil inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko at bumulong, “You are goddamn adorable, Beatrix.”

Ano raw? Anong koneksyon noon sa pinag-uusapan namin?

Parang isang sirang plaka ang puso ko dahil paulit-ulit iyong tumibok nang malakas. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti. Tinitigan ko ang perpekto at napakagwapong mukha niya.

You are adorable too, Enrick. More adorable. Or probably, the most adorable of them all.

“Sige na nga, umuwi ka na.” He looked away. “Thank you rito,” aniya, tinutukoy ang mga handouts.

“Ngayon lang kita nakausap ulit kasi nagkaroon ng sem-break. Ano? Kamusta? Naibigay mo ba iyong box kay Enrick?” Abot-tainga ang ngiti ni Leila nang itanong niya iyon sa akin sa sumunod na araw. Naglalakad ako sa corridors at sinabayan niya naman ako.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. “Yup.”

“Sana magustuhan ni Enrick...” Ngumisi siya lalo at kumurap-kurap na parang tangang nananaginip nang gising. “Hindi kasi ako nakapagbigay ng regalo sa kanya noong birthday niya kaya bumawi ako at binigyan ko siya ngayon.”

Belated birthday gift pala iyon? Bakit walang nakasulat na “Happy Birthday” roon sa box?

“Kailan nag-birthday si Enrick?” Hindi ko na napigilan ang magtanong.

“Hindi mo ba alam?” Sinagot din niya ako ng tanong at pinandilatan pa ng mga mata. Para bang ang bobo ko kasi hindi ko alam iyon. “Noong Intrams, September twenty, nag-eighteen na siya noon,” dagdag ni Leila.

“Ah, okay.”

Bakit hindi ko iyon alam? Should I give him a gift too? Or greet him? Belated happy birthday Enrick?

Sa dulo ay iwinaksi ko na lamang ang mga naisip ko.

“Bakit kaya hindi pumasok si Enrick?” tanong sa akin ni Leila.

“Hindi ba siya nagsabi sa inyong mga kaibigan niya?”

Agad siyang umiling. “Hindi.”

“Hindi niya kayo ni-text?” Kumunot ang noo ko.

Umiling ulit siya. “Hindi rin.”

Nagulat ako roon. Akala ko naman ay marami na ang nakaalam na may flu si Enrick.

Lumipas ang araw na iyon nang hindi nagpakita si Enrick. Absent na naman siya. Hindi pa rin siguro siya magaling.

Laglag ang balikat ko habang naglalakad ako sa kahabaan ng corridors, isang araw. Uwian namin. Tiningnan ko ang date sa cellphone ko at doon ko natanto na limang araw nang hindi pumapasok si Enrick.

Kahit anong pagsisinungaling ko sa sarili ko ay alam ko ang totoong damdamin ko. I miss him.

Pagkaisip na pagkaisip ko noon ay bigla kong naramdaman ang pagyakap ng maiinit na bisig sa akin. Sisigaw na sana ako at hihingi ng tulong dahil baka may kidnapper, pero hindi ko iyon nagawa. Dahil narinig ko ang isang pamilyar na boses.

“Did you finally miss me?”

Boses iyon ni Enrick. Agad na kumalampag ang puso ko at nagbunyi ang mga paru-paro sa aking tiyan. Kinagat ko ang labi ko at hinarap ko siya. Nakita ko ang kanyang ngisi at hindi ko na rin napigilan ang pagngisi.

Niyakap ko siya nang mahigpit.

“You missed me,” pagkumpirma niya sa damdamin ko.

Uminit ang pisngi ko at dahan-dahan na tumango. “Oo na.”

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakangiti pa rin ako.

He was about to say something, but then we heard someone shrieked, “Enrick?! Oh, my God, Enrick! Pumasok ka na!”

Napalingon kami ni Enrick kay Leila na nasa malayong bahagi ng corridors. Mabilis siyang tumakbo palapit sa amin at niyakap niya si Enrick. Napaatras ako.

“Leila!”

“I miss you, Enrick! My gosh! Ano ba kasing nangyari at bakit limang araw kang hindi pumasok?”

Kumalas si Leila sa yakap pero hindi pa rin siya lumayo kay Enrick.

“Nagkasakit ako.”

“What? Bakit hindi mo sa akin sinabi? Bakit hindi mo sinabi sa aming mga kaibigan mo? Dapat naalagaan kita! Namin!”

“Okay lang naman. Magaling na rin naman ako.”

“Na-miss talaga kita.”

Napasinghap ako nang nakita kong niyakap ulit ni Leila si Enrick.

“Natanggap mo ba iyong belated birthday gift ko sa ‘yo?”

Iyon ang huling narinig ko na tinanong ni Leila. Hindi ko na rin narinig kung ano ang sagot ni Enrick dahil umalis na ako roon. Tumakbo ako nang tumakbo palayo sa kanila.

“Ate!” masiglang bati sa akin ni Ryle pagkauwi ko sa bahay namin. Nasa couch siya at napakaraming notebook at libro ang nakalatag malapit sa kanya. He was reviewing.

Pagod akong ngumiti at hindi ko nagawang magsalita. Agad naman siyang lumapit sa akin at hinila niya ako. “Come on, Ate! Laro tayo, please?” aniya at kinuha kaagad ang chessboard.

“Hindi pwede. Magre-review ka pa, Ryle.”

“Mamaya na iyon! Right now, I want to play with you! It’s boring here! Lagi na lang akong pinag-aaral ni Mommy. And Daddy isn’t always here.”

“Kasi may inaasikaso si Daddy sa kompanya. Pati rin naman si Mommy ay paminsan-minsan na nasa kompanya.”

“Pero mas lamang ang absences ni Dad dito sa bahay.”

Matapos noon ay tinitigan niya ako na para ba akong isang puzzle na mahirap i-solve. Ilang sandali pa bago siya nagsalita. “Ate? Did you cry?”

Napansin niya siguro na namumula ang mata at ilong ko. Pero agad akong umiling. “Nope. Napuwing lang ako,” pagsisinungaling ko.

“I don’t believe you.” Umismid siya sa akin.

Kinurot ko ang ilong niya at hinalikan ko siya sa pisngi.

“Yuck, Ate!” Sinimangutan niya ako.

Sa huli ay naglaro na nga kami ni Ryle ng chess. Lagi niya akong natatalo dahil preoccupied masyado ang isip ko.

Hindi ako makapaniwala na umiyak ako dahil lang kay Leila at Enrick. Basta ang alam ko, ay nasaktan ako noong nakita kong niyakap ni Leila iyong lalaking... iyong lalaking espesyal sa akin.

Pagkatapos akong matalo ni Ryle sa ikatlong beses ay nagdesisyon na siyang bumalik sa pagre-review. At ako naman ay pumunta na sa kwarto ko. Pero hindi pa ako nag-iisang oras sa kwarto ay bigla na lang akong kinatok ni Mommy.

“Beatrix! Open the door! Lumabas ka diyan!”

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon