Yugto 18

115 9 0
                                    

Yugto 18: Sulat

Halos umusok ang ilong ko nang nakita ko kung ano ang ayos nila roon. Si Enrick ay nakahawak sa baywang ni Dana, dahil sinapo niya ito. Si Janine naman ay nasa gitna at nanonood.

Ang big deal ay iyong paghawak ni Enrick sa baywang ni Dana.

Wait. Why do I sound like I’m Enrick’s girlfriend or something?

Halos irapan ko ang sarili ko.

Mas lalo pa akong hindi napakali nang nakita kong lumingon si Enrick sa grupo namin. Nagtagpo agad ang mga mata namin at parang gusto ko na lang tumakbo palayo dahil sa kahihiyan.

Nakakahiya kaya iyon, iyong mahuli ka na nakatingin sa tinitingnan mo.

Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy na lang ako sa pagpipintura. Nang sumapit ang alas-dies ng umaga ay nagkaroon kami ng five minute break. Dumiretso agad ang lahat sa cafeteria at iniwan muna ang mga trabaho nila.

Kaya nagmartsa na rin ako para pumunta sa cafeteria. Pero laking gulat ko nang naabutan ko si Enrick sa gate ng gym, nakatayo at mukhang may hinihintay. Nang nakita niya ako ay agad siyang lumapit.

Binalewala ko siya at nagpatuloy ako sa paglakad. Habang siya ay sumunod lamang sa akin. Maski noong pumunta ako sa cafeteria ay nakasunod siya sa akin.

Um-order ako ng isang flying saucer at isang mineral water. Tumabi sa akin si Enrick at um-order din.

Nang naibigay sa akin ang order ko ay umalis na ako sa cafeteria. Humanap ako ng malapit na bench at doon ako naupo. Kinagatan ko ang flying saucer at iginala ko ang mata ko sa maluwang na oval, tanaw iyon mula sa kinauupuan ko.

Pero halos mabulunan ako nang naramdaman kong mayroong umupo sa aking tabi. Si Enrick. Mayroon din siyang dala na mga snacks.

“Sinusundan mo ba ako?”

He smirked mockingly. “Yeah.”

Umiling-iling ako at bumuntong-hininga.  Naalala ko ang ginawang pagdikit nina Dana at Janine sa kanya. At iyong kamay niya na nakahawak sa baywang ni Dana.

“Bakit mo ako sinusundan? Dapat doon ka na lang kasama nina Dana at Janine. Why are you wasting your time with me?”

Umawang ang bibig niya at ilang sandali pa siyang tumitig sa akin. “I’m sorry.”

Parang tumigil ang mundo ko roon. Ano raw?

“Sorry?”

“Sorry roon sa nakita mo kanina.”

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

“Beatrix...”

Napatingin ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Harold na papalapit. Nakaupo ako sa bleachers dito sa gym. September 19, at nagsimula na ang seremonyas ng Intrams.

Ngumiti ako kay Harold. Tumabi naman siya sa akin. “Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Anong activity ang sasalihan mo?”

“Wala. Hindi naman ako mahilig sa sports.” Umiling ako at nanatili ang mga mata sa stage.

“Dapat sumali ka na lang diyan.” Itinuro niya ang stage kung saan rumarampa ang mga candidates ng Miss Intramurals.

“Hindi naman ako ang muse ng section namin.”

“Hindi nga ikaw ang muse pero mas maganda ka pa sa lahat ng kasali sa Miss Intrams,” aniya at seryosong tumitig sa akin.

Uminit ang pisngi ko dahil sa papuri. Umiling agad ako. “Ayoko pa ring sumali.”

Nagsalita pa si Harold pero hindi ko iyon inintindi. Lalo na noong nakita ko ang buong team ng Grade 12 Falcons, nabuhayan ako ng loob. Iginala ko ang mga mata ko sa kanila at hinanap ko kaagad ang jersey na number 1.

Nalaglag na lang ang balikat ko nang nakitang wala siya. Nasaan naman kaya siya at bakit hindi niya kasama ang mga teammates niya? Baka naman nagpa-practice siya ng basketball? Nang mag-isa? O baka naman mamaya pa siya pupunta sa gymnasium?

Parang gusto ko na lang tuloy tanungin si Harold kung nasaan si Enrick. Magkaibigan naman sila.

Napahinto ako sa pag-iisip nang biglang tumahimik si Harold sa tabi ko.

“Totoo ba iyong kumakalat na balita? Na girlfriend ka raw ni Enrick?” tanong niya matapos ang ilang sandaling pananahimik.

I shook my head. “Hindi iyon totoo. Fake news lang iyon na ipinakalat ni Enrick.”

“Good,” narinig kong bulong ni Harold.

“Huh?”

“W-Wala.” Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Nagtaka naman ako.

Tiningnan ko ulit ang grupo ng Grade 12 Falcons. Kumpleto sila maliban lamang kay Enrick. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil kahit na nabubwisit ako kay Enrick ay nagawa ko pa rin siyang hanapin.

Lumipas pa ang isang oras ngunit wala talaga akong nakitang pagmumukha ni Enrick sa gymnasium. Sa hindi malamang dahilan ay tumayo ako.

“Saan ka pupunta, Beatrix?” tanong ni Harold.

“Uh...” Hahanapin ko si Enrick. “Comfort room lang.”

Hindi ko na hinintay pa ang isasagot ni Harold at mabilis na akong tumalikod sa kanya at umalis sa gymnasium. Pumunta agad ako sa oval kahit na medyo imposible naman na nandoon si Enrick. Noong nakita kong wala siya roon ay pumunta naman ako sa hanay ng mga classrooms ng grade twelve.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa kahabaan ng corridors, nang natanaw ko sa malayo ang pagbukas ng pintuan ng locker room. Lumabas mula roon si Enrick. Kinabahan ako bigla nang nakita ko siya kaya nagtago agad ako sa isang bulletin board.

Buti at hindi niya ako nakita.

Hinintay ko na tuluyan siyang makababa ng hagdan bago ako lumabas sa pinagtataguan ko. Dali-dali akong nagtungo ng locker room.

Ano naman kayang ginawa ni Enrick? Paano ko naman malalaman? I’m not the CCTV.

Sa huli ay sumuko na rin ako at binuksan ko na lang ang locker ko. Hindi ko naman talaga malalaman kung ano ang ginawa niya roon. Kukuha na sana ako ng t-shirt kaso ay may napansin akong papel na nakatupi sa loob ng locker ko. Kumunot ang noo ko. Hindi naman ako nagtatabi ng mga papel sa locker ko.

Saan iyon galing?

Binuksan ko ang nakatiklop na papel. Bumungad agad sa akin ang napakalinis na handwriting.

Please, watch the basketball game tomorrow. I promise, babawiin ko iyong sinabi ko na girlfriend kita. Just watch me tomorrow.

- Enrick de Vera

Halos tumigil ang paghinga ko habang binabasa ko iyon. Nanginig ang mga kamay ko at unti-unti akong napangiti. Kaya pala wala si Enrick sa gym, kaya pala nanggaling siya sa locker room... kasi sinulat niya iyon.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon