Yugto 33

150 9 0
                                        

Yugto 33: Nabunot

“Ihahatid na kita,” sabi ni Enrick nang class dismissal na.

“No. May sundo ako.”

“Nasaan?” Luminga-linga siya na para bang nang-aasar.

“Wala pa nga. Parating pa lang. Ang kulit mo naman, eh!” Umirap ako.

“Sungit,” bulong niya.

“Hindi ako masungit,” sabi ko para malaman niya na narinig ko iyong binulong niya.

Kahit na ilang beses na ipinagpilitan ni Enrick na ihatid niya ako ay hindi ako pumayag. Syempre, magagalit si Mommy kapag nalaman niya na hindi ang driver namin ang naghatid sa akin pauwi.

It’s been seven days since Enrick and I became official. Si Courtney pa lang ang sinabihan ko. She was happy for me and didn’t question my decision. Tinatanong na nga niya kung kailan daw ba ang kasal. Crazy.

Hindi ko alam kung sino na ba ang sinabihan ni Enrick but he said that, “Kapag tinanong nila kung tayo ba, syempre, I’ll tell them the truth. Kaya kung maraming magtatanong, marami rin ang makakaalam.”

“Anong regalo mo sa akin?” Enrick’s cold voice enveloped my ears. Kausap ko siya sa cellphone.

Ngumisi ako habang nakaupo ako sa aking study table. May libro akong kaharap pero hindi pumapasok sa utak ko ang mga nakasulat doon.

“Wala,” sabi ko, nangingiti pa rin.

“You’re bad. Bakit wala kang regalo sa boyfriend mo?” tanong niya gamit ang nagtatampong boses.

“Bakit naman kita reregaluhan? Hindi naman ikaw ang nabunot ko sa exchange gifts.”

“Sinong nabunot mo?”

“Si Fritzie.”

“Good.”

“Anong good?”

“Good dahil babae ang nabunot mo. Kung lalaki iyon, hindi ko na alam ang gagawin ko.”

Ngumuso ako at pinigilan ang ngiti. Is it even legal to be very happy?

“Kilala ko kung sino ang nakabunot sa ‘yo,” sabi niya sa kabilang linya.

Tumayo ako mula sa aking upuan at pinatay ko ang ilaw sa aking kwarto. Tanging ang lampshade ko na lang ang nagbigay ng liwanag sa dilim. Umupo ako sa kama ko at niyakap ang unan.

“Sino?”

“Secret,” pambibitin niya.

Umirap ako kahit hindi niya ako nakikita. “Sino ang nabunot mo?”

Ilang sandali pa bago siya sumagot. Humiga na ako sa kama.

“Ayokong sabihin.”

“Unfair! Sinabi ko sa ‘yo na si Fritzie ang nabunot ko ‘tapos hindi mo sa akin sasabihin kung sino ang sa ‘yo?”

“What? Masisira ang element of surprise kapag sinabi ko sa ‘yo kung sino.”

“Ang daya mo.”

Ilang sandali pa kaming nanatiling gano’n. Narinig ko ang lalim ng hininga niya sa kabilang linya.

“So, you’re planning to go on the Christmas party?” biglang tanong niya.

“Of course!” Natigil ako at may naisip. “Don’t tell me na wala kang balak pumunta.”

“Oo. Huwag na lang kaya tayong pumunta?” anyaya niya. Baliw ba siya?

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon