Yugto 44

119 7 0
                                    

Yugto 44: Semento

Isang araw, habang papunta ako sa classroom ay tinawagan ako ni Courtney para magbalita sa akin ng good news.

“Sa March na ang uwi ni Travis dito sa Pilipinas. Sa March na! Itinaon niya na malapit sa graduation natin ang uwi niya.” Masaya siya at gano’n din ako.

Si Travis S. Allego lang naman kasi ang nag-iisang lalaking pinsan ko. Close namin siya ni Courtney dahil sa school na iyon din siya nag-high school. Pero noong nag-second year college ay lumipat siya sa ibang university.

“Excited na ako! Pero bakit hindi niya ako tinawagan?” pagtatampo ko.

“Eh, kasi naman po, sinabi ko sa kanya na running for valedictorian ang isang Beatrix Lynn Soledad. Kaya hindi ka na niya natawagan. Baka raw magulo ka pa sa studies mo.”

“Even so, dapat tinawagan pa rin niya ako.”

“Ito naman. Hayaan mo na. Marami raw kasi siyang pasalubong sa atin! Including Hermes bags! Hermes bags, Trix! Hermes! Hermes!” paulit-ulit niyang sabi na para bang hindi ko siya narinig.

Umirap naman ako.

At doon ko lang na-realize na natigil na pala ako sa paglakad. Hindi dahil naapektuhan ako sa Hermes na ipapasalubong ng pinsan kong si Travis. At hindi rin dahil na-paralyze na ako. Kundi dahil sa dami ng mga estudyanteng nagkumpulan sa harapan ko. At para silang mga bubuyog na bulong nang bulong.

Seriously? Anong problema nila? Anong oras na ba? Sabay tingin ko sa wrist watch ko, malapit nang mag-time. Male-late ako.

Deep breath in, deep breath out. Kinalma ko ang sarili ko. “Excuse me,” sabi ko roon sa mga lalaking nasa harapan ko. Pero parang hindi nila ako narinig. Nanatili silang nakatitig sa harapan nila na para bang may artista roon.

“Excuse me,” sabi ko ulit.

Pero wala. Hindi man lang sila tumabi sa daan. Sa halip ay nagkwentuhan pa talaga sila.

“Bagong janitor na ba siya rito sa school?” Tumawa pa iyong isa.

Sinapak naman kaagad siya noong babaeng malapit sa kanila. “Hoy! Hindi janitor si Enrick, ‘no! Ang gwapo-gwapo at ang hot-hot at ang yaman-yaman kaya ni Enrick para maging janitor!”

“Kung hindi siya janitor, bakit siya naglalampaso diyan sa corridors?”

“Marami raw kasi siyang project na hindi naipasa. Kaya bilang parusa ay pinaglinis na lang siya ng corridors. Kawawa nga, eh. Ang gwapo pa naman.”

Nanlaki ang mga mata ko noong na-realize ko na si Enrick ang pinag-uusapan nila. Si Enrick ang dahilan kung bakit maraming estudyante ang na-stranded sa parte na iyon ng corridor.

Tumingkyad ako at nakita ko nga si Enrick na may hawak na mop.

Gulo-gulo ang kanyang buhok at tumutulo ang pawis niya. Medyo gusot at bukas ang tatlong butones ng polo niya. Nilampaso niya ang maruming bahagi ng corridor at mayroon pang “Caution! Wet floor!” sa tabi niya.

“Hoy, Beatrix!”

Muntik ko nang makalimutan na nasa kabilang linya pa pala ang pinsan kong si Courtney.

“Ano nang nangyari sa ‘yo? Did you bite your tongue or something kaya ka hindi nagsasalita diyan?”

“Courtney, mamaya na lang tayo mag-usap. Nandito na ako sa classroom,” I lied.

“O, sige.”

Pinatay ko ang tawag at ibinalik ko ang tingin ko kay Enrick.

“Bakit ba kasi hindi siya gumawa ng projects? ‘Ayan tuloy, naglalampaso siya ng corridor.”

“Ewan ko ba. Hindi naman siya ganyan dati. Lagi iyang may project at kumpleto sa requirements. First honor pa nga iyan.”

“Tulungan kaya natin siyang maglinis? Sa luwang ba naman ng corridor na ito? Baka sa pasko pa siya matapos!”

“Hindi siya pwedeng tulungan! Baka gusto mong maparusahan din!”

Alam kong narinig ni Enrick ang mga bulungan tungkol sa kanya. Pero inignora niya lang ang mga iyon at nagpatuloy siya sa paglilinis.

Natigil lang sa pagkukumpulan at pagbubulungan ang mga estudyante nang dumaan ang isang PE teacher na may pasan na bag ng mga bola ng basketball. “Tabi! Tabi!” hiyaw niya sa mga estudyanteng nakaharang sa daan.

Mabilis naman na nahawan ang mga estudyante at natigil sila. Dumaan ang teacher at halatang nagmamadali siya dahil sa bilis ng paglakad niya. Nakita ko kung paano niya dinaanan ang semento na may sign na “Caution! Wet floor!” Nakita ko rin kung paano nadumihan iyong semento na nilampaso ni Enrick.

Katulad ng ginawa noong PE teacher, ay gano’n na rin ang ginawa ng ibang estudyante. Dinaanan na nila iyong semento na nilampaso ni Enrick. Ang malinis na semento ay naging madumi dahil sa mga yapak nila.

Nanatili ang mga mata ko roon sa semento.

How cruel. Bakit dinaanan nila nang gano’n-gano’n na lang iyong semento? Hindi man lang sila nagdahan-dahan para hindi sana iyon nadumihan. Hindi nila alam kung gaano kahirap maglinis, ‘tapos dinumihan lang nila?

At sa mga segundo na iyon ay parang ayaw ko nang lumakad. Ayaw kong tapakan iyong semento na nilinis ni Enrick. Ayaw kong marumihan iyon dahil kakalinis lang niya.

“Ano ba?! Hoy!”

Napalingon ako sa sumigaw. Galit ang babae na nasa likuran ko.

“Nananaginip ka ba nang gising? Bakit ayaw mo pang maglakad diyan? Akala mo ba ikaw lang ang nag-iisang taong dadaan dito? Tabi nga!” Tinulak niya ako at dire-diretso siyang naglakad.

Napaatras naman ako nang kaunti. Sa ilang sandali ay nahagip ng mga mata ko ang mga mata ni Enrick. Pero nag-iwas agad ako ng tingin. Ayaw ko siyang tingnan dahil kinakabahan lang ako.

Lumakad na lang rin ako. At katulad ng ginawa noong mga estudyanteng dumaan ay nadumihan din ng mga sapatos ko ang semento.

Tuwing recess at class dismissal ay nakikita ko si Enrick na naglilinis sa mga corridors. Siguro ay isang linggo na puro gano’n ang ginawa niya. Isang linggo ang itinagal ng parusa niya.

Time flew quickly. Hindi ko na namalayan na March na pala. Dumating ang pinsan ko mula sa US. At totoo nga ang sinabi ni Courtney, may pasalubong nga si Travis na mga Hermes bags. Pero hindi lang iyon, mayroon pang ibang pasalubong na ibinigay. Ang kapatid kong si Ryle ay halos malunod sa dami ng chocolates na ipinasalubong sa kanya.

“Na-miss ka namin, Trav!” si Courtney.

Ngumisi naman si Travis. “Weh?”

“It’s true!”

Humalakhak ako. “Miss na ni Courtney ang panlilibre mo sa amin! Miss na niya ang pera mo!”

“Hindi, ah! Grabe ka, Beatrix!”

Pumunta ang buong family namin kina Travis, pati na rin ang mga parents ni Courtney kasama siya. Mahaba-habang kamustahan ang naganap. Sa US kasi nag-aral si Travis ng college for one year. At nang nag-fourth year na siya ay bumalik na siya rito sa Pinas.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon