Yugto 3

187 20 0
                                    

Yugto 3: Help Me

Habang magkatitigan kami ni Enrick ay nagmakaawa ako sa utak ko.

Please, Enrick? Iboto mo ako. Mas matalino naman ako kay David. At saka, inagaw mo naman na ang pagiging president. Kahit ito lang naman, ibigay mo na sa akin, huwag mo nang agawin. Please, Enrick? Pretty please?

At para bang narinig niya ang pagmamakaawa ko dahil sa sinabi niya. “I’ll vote for Beatrix.”

Parang nawala ang mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Ako ang nanalo? Ako? Ibinoto ako ni Enrick? Ako ang Vice President? Hindi ako makapaniwala.

Nang natapos ang class election ay gusto ng aming adviser na magpa-picture kaming mga class officers kasama siya. Pinaayos kami base sa aming posisyon. At syempre, dahil President si Enrick at Vice President ako ay magkatabi kami.

“Say cheese!” anang nagpi-picture.

Sa unang shot ay malaki ang ngiti ko. Ngunit sa sumunod na shot ay hindi na ako nakangiti dahil inakbayan ako ni Enrick.

The heck?

Agad kong tinanggal ang braso niyang nakaakbay sa akin matapos ang picture-an at nag-iwas ako ng tingin.

“Ang baba ng score ko sa Trigo!” Inilayo ko ang cellphone ko sa aking tainga dahil sa tili ni Courtney. Isang umaga ay kausap ko sa cellphone ang pinsan ko. Hindi ako makapaniwalang tumawag siya sa akin para lang ibalita ang mga scores niya sa short quizzes nila.

“Hindi ka kasi nagre-review. Puro party at boyfriend ang inaatupag mo.”

Nagpatuloy pa si Courtney sa pagkukwento at ako naman ay nakinig. Natapos lang ang aming usapan nang sinabi ko sa kanyang nasa classroom na ako.

Mabuti na lang at hindi ko nakasalubong si Enrick sa hagdan o sa corridors. Ayaw ko siyang makita. Pero dahil classmate ko siya ay nakita ko pa rin siya sa aming classroom. Nakaupo siya sa isang desk at nakangisi habang nakapaligid sa kanya ang kanyang barkada. Wala pang teacher kaya malaya sila.

One, two, three... Sa isip ko ay binilang ko kung ilan ang mga kaibigan niya. Seven. He have seven friends. Iyong iba ay hindi namin ka-section, pero talagang lumipat pa ng room para makausap siya.

Nakakatawa kung iisipin, dahil si Enrick ay isang taon pa lang sa school namin. Pero marami na siyang kaibigan at marami na ang may gusto sa kanya. Samantalang ako, mula pasimula yata ay roon na ako nag-aaral, pero kaunti lang ang naging kaibigan ko.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at umupo na lang sa pinakamalayong upuan mula kina Enrick. Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang aming teacher sa first period. Habang nagdi-discuss siya ay panay naman ang take note ko sa mga sinabi niya.

Nahinto lang ang aming klase nang may pumasok na babae sa aming classroom at agad na nag-sorry.

“Sorry po, I’m late.”

At katulad ng pinapagawa sa mga nale-late ay pinagsulat din siya ng apology sa isang buong papel. She looked unfamiliar. It seemed like she’s a transferee. A new student? Sa second week of school?

Nakumpirma ang mga hinala ko nang pormal na siyang ipinakilala ng aming teacher. “Class, we have a new student. Please stand up and introduce yourself.”

Agad na tumayo ang babae. Medyo matangkad siya at halos kasing puti ko rin.

“Hi, everyone! My name is Janine Alvarez. I’m eighteen years old and my previous school was Cebu State University. I transferred here in Manila because our family moved into a new house...” Madami pa siyang sinabi tungkol sa kanyang buhay.

Palangiti siya at mukha ring mabait. Kaya naman hindi na ako nagulat nang isang araw, lunch break, ay tinabihan niya ako sa table ko sa cafeteria.

“Hi! Beatrix, right?” nakangiti niyang tanong.

Ngumiti rin ako pabalik at tumango. Iyon ang first time na mayroon sa aking tumabi sa cafeteria. Dati, noong hindi pa nagta-transfer si Courtney, ay siya lagi ang katabi ko kapag lunchtime.

“Um... ano bang full name noong pinakagwapong lalaki sa room natin?” tanong ni Janine.

“Huh?” tanong ko rin dahil hindi ko kilala ang tinutukoy niya. “Please be more specific.”

Luminga-linga siya sa cafeteria at may itinuro sa akin. “‘Ayun, o!”

Nilingon ko ang tinuro niya.

“Iyong lalaking kumakain ng sandwich!” aniya at nakita kong si Enrick ang tinutukoy niya.

Umirap ako bago nagsalita. “Enrick ang pangalan noon.”

“Anong last name?”

“De Vera,” simple kong sagot habang siya naman ay may kinalikot sa cellphone niya. Kumunot ang noo ko. “Bakit mo naitanong?”

Binalingan niya ako at tumili siya nang bahagya. “Kasi crush ko siya!” Kinagat niya pa ang labi niya at ngumisi.

Hindi ako makapaniwalang napakaprangka ni Janine. At hindi rin ako makapaniwalang crush niya si Enrick. Madami namang lalaki diyan, bakit si Enrick pa?

“Close ba kayo ni Enrick?”

Halos mailuwa ko ang pagkain ko sa tanong niyang iyon.

“Hindi.”

“Sayang naman. But... do you think you can help me?” tanong niya ulit.

“Help you? In what?”

“You know, tutulungan mo ako para mapalapit ako kay Enrick. I want to be friends with him!”

Halos mabuwal ako sa upuan dahil sa sinabi niya. Akala ko ay magiging kaibigan ko si Janine. Eh, mukhang mas gusto pa pala niyang maging kaibigan si Enrick.

“Please, Beatrix? Help me?” Nag-puppy eyes pa siya at nag-pout.

Ngumiwi ako at uminom ng tubig. Tumingin ulit ako kina Enrick. Kasama niya ang mga kaibigan niya at mukhang tapos na silang kumain dahil nagsitayuan na. Binalingan ko si Janine na halos lumuhod na sa harapan ko. Umiling lamang ako sa kanya at mabilis na tinapos ang aking pagkain.

“Ayoko. Sorry.”

“Beatrix!”

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Janine na papalapit sa akin.

Nasa locker room ako at kumukuha ng mga libro, ilang araw na ang lumipas magmula nang samahan niya ako sa lunchtime. At hindi ko alam kung ano na naman ang kailangan niya.

Kunot-noo ko siyang binalingan. Niyugyog niya ang balikat ko at ngumisi nang malaki. “Help me, please?”

“Hindi nga kita matutulungan kay Enrick,” pagod kong sabi at isinarado na ang locker ko.

“Bakit hindi?” pangungulit niya.

“Bakit ka ba sa akin humihingi ng tulong? Hindi naman kita kaibigan at hindi ko rin kaibigan si Enrick.”

“Yeah, but... I just thought you could help me,” sabi niya habang unti-unting napapawi ang ngiti.

“I can’t. Sorry,” sabi ko at nilagpasan na siya. Lumabas na ako ng locker room dahil kailangan ko nang pumunta sa classroom.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon