Yugto 20: Galit At Seryoso
“Pumunta ka na kasi, please?” si Courtney habang naghahalughog ng kung ano sa kwarto ko.
Sabado, at wala siyang ginawa kundi ang kumbinsihin ako na pumunta sa party niya sa susunod na araw. Sa bahay nila iyon gaganapin.
“Hindi nga ako pupunta.”
“Why?!” pahisterya niyang tanong. Tumakbo siya patungo sa akin para yugyugin ako.
“Ayoko. Alam mo naman na hindi ako sociable katulad mo, at saka hindi ako papayagan.”
“Naku! Hindi iyan totoo! Tinanong ko kanina si Tito Ed kung papayagan ka niya, pumayag naman siya.”
“Hindi papayag si Mommy.”
“Hayaan mo na si Tita. Marami iyong ginagawa kaya hindi na niya mahahalata na umalis ka sa bahay ninyo.”
“Hindi pa rin pwede dahil may tutor ako kapag weekends.” Hindi ako naubusan ng dahilan.
Umirap siya. “Bakit ba kasi may tutor ka pa? Ang tanda mo na. You’re seventeen. Kaya mo nang mag-aral nang walang gabay ng tutor.”
“Gusto kasi ni Mommy.”
“There you go again.” Tumalikod siya sa akin at pumunta sa kama ko. Dumapa siya roon. “Lagi ka na lang sunod-sunuran sa Mommy mo. Mas masarap kaya ang maging malaya, katulad ko, wala akong sinusunod kundi ang sarili ko.”
Unlike her, hindi ko kayang suwayin ang mga magulang ko.
Umiling ako sa kanya at naalala ko pa ang isang dahilan kung bakit hindi talaga ako pwedeng pumunta sa naturang party. “Isa pa, I’m grounded. Bawal akong lumabas kapag weekends.”
“Grounded? Really? Eh, ‘di ba nga grounded ka rin sa gadgets, pero binigyan kita ng spare phone. So, ibig sabihin, may solusyon pa diyan. Tatakas ka kung hindi ka pwedeng lumabas. At saka pumayag naman ang Daddy mo noong sinabi ko na yayayain kita sa party. Kaya sumama ka na sa akin bukas!”
Umiling ulit ako. “Bakit mo ba kasi ako pinipilit na sumama sa party na iyan?”
“Syempre, gusto ko lang naman na maranasan ng pinsan ko ang mag-party. Last time na sinama kita, umalis ka kaagad kasi nakita mo ang mortal enemy mo. Ngayon, I assure you, wala na roon iyon. Hindi siya invited... At saka, ayaw mo bang sumaya man lang kahit minsan? Aral ka na lang nang aral. Hindi ka na lumalabas sa bahay ninyo. Gosh! If I were you? I’d die because of boredom.”
Sa huli ay kay Daddy ako nagpaalam, kahit na nakapagpaalam na sa kanya si Courtney. Sinabi sa akin ni Dad na siya na raw ang bahalang magpaliwanag kay Mommy at sa tutor ko. At ang isa raw naming driver ang maghahatid at susundo sa akin.
Kinabukasan...
“Mas gumanda ka pa!” saad ni Courtney matapos niya akong ayusan para sa party niya.
Ngumiti ako sa kanya. “Maganda ka rin.”
Mag-aalas-otso ng gabi nagsimula ang party.
“Nice party, Cour,” iyon ang sabi ng karamihan sa pumunta sa party ng pinsan ko.
Ang karaniwan na party’ng pinupuntahan ko ay mga formal at hindi ang mga for fun lang na katulad noon. Pero masasabi ko na rin na nice party talaga. Syempre, bukod sa malaki at maganda ang bahay nina Courtney ay pumili rin siya ng magagandang kanta para sa party niya. Pati mga mamahaling inumin at pagkain ay nandoon.
Iyon nga lang, hindi allowed ang mga bisita na pumunta sa ibang parte ng bahay. Tulad sa second floor, rooftop, poolside, o sa basement. Hanggang ground floor lang ang party.
“Beatrix, sayaw tayo!” Hinila ako ni Courtney sa gitna kung saan maraming sumasayaw.
“Yeah, baby!” sigaw ni Courtney at sinimulan niyang itaas ang mga kamay niya at sumayaw. Natawa ako dahil sa mga wild moves na ginawa niya. Sinubukan ko siyang sabayan at siya naman ang natawa sa akin.
Habang sumasayaw ay nakita ko ang paminsan-minsang pagbukas ng pintuan dahil sa pagpasok ng mga late na bisita. Wala naman sa akin kung bumukas ang pintuan na iyon... pero kinabahan talaga ako nang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Alec.
Si Alec de Vera. Ang pinsan ni Enrick.
Kung pumunta si Alec, ibig sabihin...
Ibig sabihin pupunta rin ang pinsan niya...
Hinintay ko ang muling pagbukas ng pinto pero hindi iyon nangyari.
“What’s your problem?” tanong ni Courtney dahil tumigil na pala ako sa pagsayaw.
“Nothing.” Kinalma ko ang puso ko.
Tinatakpan ko ang tainga ko nang nakauwi ako, alas-dose sa gabing iyon. Dahil rinig na rinig ko ang pagbubunganga ni Mommy sa sala.
“Naku, Eduardo! Bakit mo naman hinayaan ang anak mo na lumabas at mag-party kasama ang pinsan niyang si Courtney? She have a tutor today and she should be studying to be on top again! Not partying!”
Kinabukasan, Lunes, lunchtime, ay nakaupo ako sa usual table ko. Namataan ko si Harold dela Rosa na papalapit. May dala siyang tray ng pagkain at diretso ang tingin niya sa akin. He was with his usual smile. Kaya ngumiti rin ako pabalik.
Napadalas na ang pagsabay niya sa akin kapag lunchtime.
Umupo siya sa harap ko at nagpatuloy naman ako sa pagkain.
“Ang hirap talaga ng mga subjects ngayong grade twelve na tayo, ‘no?” panimula niya habang tinatanggal ang wrap ng sandwich niya. “Lalo na iyong subject na Math.”
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Kahit kailan ay hindi naman ako nahirapan doon o sa kahit anong subject. Naniniwala ako na kapag pinag-aralan at inintindi mo ang isang bagay, hindi na iyon magiging mahirap.
“I know you’re good at that,” aniya.
Ngumiti naman ako. Yes, I’m good at Math. But Enrick is better.
“Turuan mo naman ako, o.” Tumawa siya. “Kahit kapag break time lang, tulad nito. O kapag free ka, doon tayo sa library.”
“Sige, Harold. Titingnan ko kapag may time ako.”
“Eh, ngayon? Pwede mo na ba akong turuan? May quiz kasi kami mamaya.”
I nodded then he brought out his notebook. Ipinakita niya sa akin ang mga pinag-aralan nilang equations. Tinuro ko muna sa kanya ang mga basics at ang mga formulas. Baka hindi pa niya naintindihan ang mga iyon kaya nahihirapan siya. Kumain siya habang nagpapaliwanag ako.
Naisip ko na sobrang lapit na namin sa isa’t isa. But I shouldn’t mind the distance. Tinuturuan ko lang naman siya. Pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa ballpen habang nagsusulat ako. Nagkatitigan kami.
“Harold...”
Bago pa ako makaapila ay may ibang kamay akong naramdaman na dumapo sa braso ko. Lumingon ako sa gilid ko. Nakita ko ang galit at seryosong mukha ni Enrick.
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Novela JuvenilBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...