Yugto 8

143 9 0
                                    

Yugto 8: Soaking Wet

Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko ang aking kapatid at si Mommy sa couch sa living room. Si Ryle ay may kausap sa cellphone at mukhang masayang-masaya siya.

“Daddy, I want an iPad!”

Sinalubong naman ako ng halik sa pisngi ni Mommy. “I’m really happy for your brother,” bungad niya sa akin at sinulyapan ang aking kapatid na todo ngiti. “He got the highest scores on his periodical exams! Kaya ‘ayan at humihingi ng reward sa Daddy mo. How about you? Hindi ba’t ngayon din ang exam ninyong mga senior high school?”

“Opo.”

Mayamaya pa ay umalis si Ryle sa sala at siguro ay pumunta na sa kanyang kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Mommy roon.

“What happened? Ikaw rin ba ang highest scorer?” tanong ni Mommy habang nakangiti sa akin.

“Hindi po.”

Nagsimula na akong mahiya kay Mommy. Dahil maraming pera ang ibinayad niya sa aking tutor na si Mrs. Santos para lang maturuan ako every weekends. Pero hindi pa rin ako umusad, hindi pa rin ako naging first.

“Ano? Iyong de Vera na iyon pa rin ba ang nangunguna?”

Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Mommy.

“Opo.”

She sighed with disappointment. Umiling siya at malamig akong tiningnan. “I can’t believe you, Beatrix. Ginagawa ko ang lahat para matulungan ka na maungusan ang Enrick na iyan, pero bakit wala pa ring nangyayari?”

“Mommy—”

She cut me off. “I can’t believe that this is happening to you. Dati ay ikaw ang highest sa lahat! And now?” Bumuntong-hininga siya. “You keep on disappointing me and your father!”

Binuksan ko ang bibig ko para sana magsalita pero inunahan na naman ako ni Mommy. “You promised us, right? Na gagawin mo na ang best mo para maungusan mo na ang Enrick na iyan. But what is happening now? Nagagawa mo ba ang pangako mo? Magagawa mo ba?”

“Of course, Mommy. Gagawin ko po iyon. Maybe, this time isn’t right. Alam n’yo po iyon? Iyong kasabihan na there is always a right time for everything. And I think, hindi lang po ngayon ang right time. Pero baka soon ay matutupad ko na po ang promise ko.”

Umiling ulit si Mommy at humalukipkip. Ang kanyang mga istriktang mata ay nakatuon sa akin. “Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sa ‘yo Beatrix. Hindi ka naman ganyan dati...”

“Mommy, tutuparin ko naman po ang promise ko sa inyo ni Daddy.”

“Give me a reason to believe you!” Tumayo si Mommy at mas lalong tumaas ang kanyang boses.

Walang pakundangan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit tumulo sila. Hindi naman ako malungkot. Pero disappointed ako sa aking sarili. I was disappointed at myself for not being able to beat Enrick, for letting Enrick stole the things that are once mine, and for disappointing my parents.

“Crying is not a solution, Beatrix. You shouldn’t cry! You should act! You should do something! Kahit umiyak ka nang magdamag ay hindi niyan maibabalik ang mga medalya na dapat ay sa ‘yo, hindi niyan maibabalik ang pagiging first honor mo.”

At parang gano’n-gano’n na lang ay iniwan ako ni Mommy na umiiyak sa sala. But still, I was thankful. Dahil hindi naman ako pinagalitan nang matindi. Hindi lumala ang curfew ko at walang gamit na nakumpiska mula sa akin.

Lumipas ang isang linggo. Katulad ng dati ay lagi lang sa aking sinasabi ni Daddy na okay lang raw kahit hindi ako ang highest scorer. Okay lang para kay Daddy, pero hindi okay para kay Mommy.

“The time has come for the students of section A to receive their first quarter report cards,” anunsyo ng aming adviser at agad namang nag-react ang mga kaklase ko.

Habang ako ay naestatwa lamang sa kinauupuan ko. Kahit naman obvious na si Enrick ang magiging first honor dahil mas nakalamang siya sa akin sa mga performances, quizzes, and tests, ay kinabahan pa rin ako. Kapag second honor lang ako ay magagalit na naman si Mommy.

Ayaw ko nang nagagalit sa akin si Mommy, o kahit sino sa parents ko. At mayroong parte sa akin ang ayaw ring maging pangalawa.

“Beatrix Lynn Soledad.”

Tumayo ako nang tinawag ako ng aming adviser. Sa nanginginig na kamay ay tinanggap ko ang aking report card. Agad akong bumalik sa aking upuan at tiningnan ko ang mga marka ko. Mataas naman ang aking mga marka, pero alam ko na mas mataas ang marka ni Enrick. Lalo pa noong sinabi ng aming adviser na si Enrick ang first honor, ako ang second honor, si David ang third, and so on.

Isang normal na araw iyon para sa pag-aaral. Nang nag-lunchtime ay kumain ako sa cafeteria nang nag-iisa sa isang table. Hanggang sa nag-uwian na. Hindi ko na kailangang tawagan ang aming driver para sunduin ako dahil kumpiskado ang mga gadgets ko at alam naman niya kung anong oras ako susunduin.

Kahit hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa entrance gate ng school ay alam ko nang wala pa ang aming sasakyan. Kaya pumunta muna ako sa waiting shed na madalas kong tambayan habang wala pa ang aking sundo.

Ang mga kalapit na waiting shed ay walang tao. Dahil karamihan sa estudyante ay nasa gymnasium o nasa oval at hindi na uso sa kanila ang pumunta sa mga waiting sheds.

Tinanaw ko ang langit na mukhang galit dahil sa dilim noon. Malamang ay uulan.

Ibinaba ko ang bag ko sa mahabang upuan at inilabas ko ang isang libro. Nagsimula akong magbasa habang naghihintay.

Mayamaya pa ay bumuhos na ang malalakas na patak ng ulan. Sa sobrang lakas noon ay tumalsik sa paa ko ang tubig. Bahagya akong umayos sa pagkakaupo para hindi mabasa ng ulan. Sinulyapan ko ulit ang malayong gate ng school. Wala pa ring bakas ang aming sasakyan.

Sa hindi kalayuan ay may nakita naman akong estudyante na tumatakbo sa gitna ng ulan at walang dalang payong. Natigil ako sa pagbabasa at tiningnan ko ang estudyanteng lalaki na papunta sa waiting shed, kung nasaan ako. Bakit hindi man lang iyon nagdala ng payong? Paano kung magkasakit ang isang iyon?

Umiling na lamang ako at ibinalik ko ang pansin sa aklat na binabasa. Nang biglang...

“Dammit!”

Nagulat ako sa narinig ko. Ibinaba ko ang aklat na hawak at halos mabuwal ako sa aking kinauupuan nang nakita ko kung sino ang nagmura.

My mortal enemy, Enrick de Vera, was standing in front of me with a soaking wet uniform.

Hate For Him (Soledad Cousins #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon