Yugto 22: Tatantanan O Papansinin
“Enrick, Enrick, Enrick,” paulit-ulit kong sinabi ang pangalan ni Enrick.
Pero hindi niya pa rin ako pinansin. Para ba akong nakipag-usap sa hangin. Bumuntong-hininga ako. Gusto kong ibato sa kanya ang box ni Leila pero pinigilan ko ang sarili ko.
“Enri...”
Natigil ako nang nakita kong hinugot niya sa bag niya ang isang matte black Beats headphones. Walang pag-aalinlangan niya iyong ikinonekta sa kanyang cellphone. At agad din na inilagay sa tainga niya ang headphones.
Napanganga ako roon.
Walang hiya. May gana pa siyang mag-headphones. Magaling.
Luminga ako sa classroom at nakitang may ibang pinagkaka-abalahan ang mga kaklase ko. Wala ring nakapansin sa amin ni Enrick dahil nasa dulo kami nakaupo. At wala pa ring teacher sa kadahilanang hindi ko alam, pero mabuti na rin iyon.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Enrick. He was still with his headphones.
Sa inis ko ay mabilis kong hinaltak ang nakasuot na headphones sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya. Tiningnan niya ako na para bang nagulat siya at hindi niya inakala na magagawa ko iyon.
“What the fuck?” Malutong at madiin ang pagkakasabi niya roon.
“Huwag mo akong ma-what-the-fuck-what-the-fuck diyan,” wika ko.
“Akin na iyan,” sabi niya, tinutukoy ang kanyang headphones na hawak ko.
“Ayoko.”
“Sabing akin na iyan.”
Inabot niya ang headphones niya pero inilayo ko iyon. “Bakit mo ako pinapansin ngayon? ‘Di ba kanina ay parang hangin lang ako sa ‘yo?” Kahit kinakabahan dahil sa lapit naming dalawa ay nagawa ko pa ring sabihin iyon.
Ginulo niya ang buhok niya at ikinunot ang noo. He looked more handsome when he’s mad.
“Ano? Bakit hindi ka makasagot? Ayaw mo akong pansinin kanina, ‘di ba? Nakailang tawag na ako sa’yo pero wala pa rin! Hindi mo ako pinapansin!”
Huminto ako sa pagsasalita at hinabol ko ang hininga ko. Nanatili siyang nakatitig sa akin habang kagat ang labi niya.
“Sige! Okay lang naman! Huwag mo na akong pansinin! Huwag na tayong magpansinan habambuhay!” Isinampal ko sa dibdib niya ang headphones.
Nanatili ang box sa mga kamay ko at hindi ko pa rin ibinigay iyon kay Enrick.
“That’s what you want, right? Noong huli tayong nag-usap, ang sabi mo ay tantanan na kita. And I did it. ‘Tapos ikaw ngayon itong galit?”
Oo. Sinabi ko noong nakaraang linggo na, tantanan na niya ako. Pero may ipinabibigay kasi si Leila.
“Now tell me, ano ba talagang gusto mo? Tatantanan o papansinin kita?”
Bumilis bigla ang tibok ng traydor kong puso. At imbes na sagutin ang tanong niya ay inilapag ko sa desk niya ang box ni Leila. “Bigay sa ‘yo ni Leila.”
Ang akala ko ay kukunin niya iyon o hahawakan man lang, pero hindi. Tiningnan niya lang iyon nang mabilis na mabilis at ibinalik agad ang titig sa akin.
“Answer my question,” saad niya at pilit akong tiningnan sa mga mata. Mas lalo ko pang iniwas ang tingin ko.
“Hindi mo ba bubuksan iyong box?”
“Beatrix, dammit! Will you answer my damn question first? Kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Sinunod kita sa gusto mo na tantanan na kita, pero heto ka ngayon at nagagalit. What do you really want?” Napaos ang boses niya.
At sa mga sandaling iyon, ang pakiramdam ko ay litong-lito siya sa isang bagay.
“Look at me,” marahang utos niya na hindi ko ginawa. Nanatili ang tingin ko sa ibaba. Hindi ko siya nakayang tingnan dahil nagwawala ang puso ko.
Inangat niya ang baba ko gamit ang kanyang mga daliri. Napatingin ako sa kanya. Kinagat ko ang labi ko nang nakita ko ang litong-lito niyang ekspresyon. Ang kanyang malalalim na mata ay punong-puno ng mga emosyon na hindi ko mawari.
Napaka-perpekto pa ng mukha niya. He looked like a Greek god or something.
“Nalilito na ako, Beatrix. What will I do? Parang lahat na lang ng ginagawa ko ay ikinagagalit mo... Now, tell me, what do you really want? Tatantanan o papansinin kita?”
Parang narinig ko sa utak ko ang sasabihin ni Mommy sa bagay na iyon. “Tatantanan! Kailangan, tantanan ka na niya! Hindi siya makakabuti para sa ‘yo! Hihilahin ka lang niya pababa! Hindi ka makakapag-aral nang mabuti kapag nandiyan siya!”
Pero sa nakakabinging sigaw ng utak ko ay narinig ko ang mapanlinlang na bulong ng mapandayang puso. At sa maliit na boses ay sinabi ko kay Enrick ang, “Papansinin.”
At nangyari nga iyon.
Nang nag-uwian na ay sabay kaming lumabas ng room ni Enrick. Nang nakarating kami malapit sa entrance ng school ay humanap ako ng waiting shed na masisilungan. Naupo ako roon. Lumapit naman siya sa akin at umupo rin sa tabi ko.
Hindi ko alam kung bakit nagwala ang puso ko gayong tumabi lang naman siya sa akin.
“Baliw ka,” biglang sabi ni Enrick. Nagulat ako nang inabot niya ang kamay ko at inilagay niya iyon sa mukha niya. “Baliw ka,” pag-uulit niya.
“Ano?”
“Baliw sa akin.” Ngumisi siya at pakiramdam ko, kung ilegal ang pagiging sobrang gwapo, malamang ay matagal na siyang nakakulong.
Tutal at inilagay naman niya ang kamay ko sa mukha niya, kinuha ko ang pagkakataon na iyon at sinapak ko na ang mokong. Baka sakaling magising sa katotohanang hindi ako mababaliw sa kanya.
“Aray! Ang sakit naman, Beatrix!” Namula ang kanyang mukha at sinimangutan niya ako.
“Buti nga sa ‘yo! Ang feeling mo, ‘no! Hindi ako baliw! At mas hindi ako baliw sa ‘yo!”
“Nagjo-joke lang naman, eh.”
Umirap ako at nag-iwas ng tingin. I fought the urge to smile and laugh. I was never informed that a person can be cute and handsome at the same time.
Matapos ang araw na iyon ay nagsimula na ang semestral break. Totoo nga siguro ang sabi nila na kapag masaya ka, hindi mo na mamamalayan ang oras.
Buong sem-break ay nasa bahay lang ako, grounded pa rin. Nakipaglaro ako ng mga board games kay Ryle. Binisita rin ako paminsan-minsan ni Courtney kaya hindi ako masyadong nabagot.
Ni-try ko rin na magluto, kahit pa ang sabi ni Mommy ay hindi na raw kailangan dahil may pambayad naman kami ng mga cook. But I still insisted to learn. I just felt like I needed to. Babae ako, at iyon naman ang gawain ng mga babae.
Narinig ko rin kasi na halos lahat ng babae kong kaklase ay marunong nang magluto. Malamang, dahil grade twelve na kami.
Kaya nagpaturo ako sa isang kasambahay namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/186828135-288-k227644.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Ficção AdolescenteBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...