Yugto 23: Miss Me
“Manang, you should keep a closer eye to Ate Beatrix,” wika ng kapatid kong si Ryle habang hinahalo ko ang nilulutong adobo. “Baka masunog niya ang kitchen natin.” Panira pang umiling-iling ang kapatid ko bago nilaro ang iPad niya.
Hindi siya grounded. Unfair. Hindi ko naman maaaring gamitin ang cellphone na bigay ni Courtney sa bahay dahil makikita ni Mommy iyon at mapapagalitan ako.
Inirapan ko siya at dinilaan. “Whatever, Ryle Adrian! You’re an epal! Makikita mo mamaya. Kapag masarap ito, hindi kita bibigyan.”
“Nah. I’m sure that dish will be horrible.”
Umirap ulit ako. He was just seven, pero kung makapag-ingles ay akala mong Amerikano. May accent pang nalalaman.
But then, he was right. Matapos ang mahigit dalawang oras kong pagpapagod ay tinikman ko ang niluto ko. Napangiwi ako dahil masyadong maalat ang adobo. Habang iyong ni-bake kong red velvet cake ay matabang naman.
“Huwag kang mag-alala, Ma’am Beatrix. Matututo ka rin. Ganyan talaga. Ganyan din ang luto ko noong nagsisimula pa lang,” pang-aalo sa akin ng kasambahay namin.
Gano’n lamang ang nangyari sa akin sa buong sem-break. Walang pinagbago sa pagluluto ko. Kung mayroon man, mas naging mali ang mga lasa. Ewan ko ba. Ini-enroll ako ni Mommy sa mga Kumon classes, personality development classes, art classes, pero hindi niya ako naisipang i-enroll sa culinary.
Hanggang tainga ang ngiti ko nang sumapit ang buwan ng November at nag-resume na ang mga classes.
“Bakit parang ang saya mo yata?” bati sa akin ni Harold nang umagang iyon. Sinamahan niya ako sa library, naghahanap kasi ako ng mga libro.
“Masaya ba ang bakasyon mo? You went out of town or out of the country?” Ngumiti siya.
“Sa bahay lang.”
Nang nahanap ko ang mga librong kailangan at pormal na iyong nahiram sa librarian namin, ay nagpaalam ako kay Harold na pupunta na ako sa classroom. Gusto niya sanang ihatid pa ako kaso ay tinanggihan ko siya. Masyado na siyang naging mabait sa akin noong mga nakaraang buwan at ayaw ko nang sumobra pa iyon.
Masaya akong pumunta sa classroom. Pero noong nalaman ko na absent si Enrick ay parang binagsakan ako ng langit at lupa. Parang gusto ko na lang umuwi.
Bakit kasi siya lumiban? Pagkatapos niyang magpa-miss nang sobra ay a-absent siya nang gano’n-gano’n na lang?
Nang tumunog ang last bell ay nagligpit ako ng mga gamit ko. Nang pababa ako sa ground floor ay nakasalubong ko naman si Mr. Dimaano. Babatiin ko na sana siya ng good afternoon kaso ay nauna siyang nagsalita.
“Soledad, nasaan si de Vera?” Nagtaas siya ng kilay sa akin.
“Hindi ko po alam, Sir.”
“Bakit hindi mo alam?” Mas tumaas pa ang kilay ni Mr. Dimaano.
“Paano ko naman pong malalaman?”
“Eh, basta. Ibigay mo sa kanya itong mga handouts na ito.” Nilagay niya ang isang damukal na papel sa ibabaw ng mga kamay ko. “Iyan ang ibinigay ko sa inyo kanina. Pero dahil absent siya, hindi siya makakatanggap. Pero dahil nandito ka, ikaw ang magbibigay sa kanya niyan.”
“Po? Bakit po ako?”
“Heto na rin ang address niya.” Ipinakita niya sa akin ang papel na may nakalagay na address ng isang subdivision. “Sayang naman kung hindi niya makukuha iyan. Papalapit na ang periodical, walang rereviewhin si Mr. de Vera. First honor pa naman siya.”
“Pero, Sir—”
“O, siya, sige! Ibigay mo na iyan at may aasikasuhin pa ako sa faculty.”
At biglang naglaho si Mr. Dimaano sa harap ko. Pumikit ako nang mariin.
Pagdilat ko ay naramdaman ko na lang ang sarili ko na nagdo-doorbell sa malaki at napakagandang bahay nina Enrick. Hinatid ako ng driver namin doon dahil ang sabi ko ay may pinapagawa ang teacher ko.
Isang doorbell pa lang ang nagagawa ko ay pinagbuksan na ako ng gate ng isang bodyguard. “Pangalan at anong sadya?” pambungad niyang tanong sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Beatrix Soledad po. May ibibigay lang po kay Enrick.” Ipinakita ko ang isang dosenang papel. Ang bag at ang mga libro ko ay iniwan ko sa sasakyan namin.
Agad siyang tumango at may sinenyas doon sa isa pang guard na pumasok naman sa loob.
Ang ganda ng bahay nila. May malaking garden sa harap at maberde ang nakalatag na Bermuda grass.
Mayamaya pa ay may lumabas na isang nasa mid-forties na babae. She graced her way to me with class and elegance. Karangyaan din ang isinigaw ng kanyang itsura.
“Beatrix Soledad?” Ngumiti siya sa akin at mas nadepina ang kanyang kagandahan.
Somehow, her smile reminded me of Enrick’s smile.
“Opo.” Ngumiti rin ako pabalik.
“I heard that you’re looking for my son, Enrick.”
“Opo.”
“Sige, hija. Pasok ka muna,” aniya at iginiya ako papasok sa kanilang bahay.
Bahagya akong nahiya nang nalaman ko na siya ang Mama ni Enrick. Kaya pala may pagkakahawig sila nang kaunti.
“Pinapunta ka ba ni Enrick dito sa bahay para may mag-alaga sa kanya?” Mas lumaki ang ngisi ng Mama ni Enrick.
“Hindi po. Ibibigay ko lang po ito.” Pinakita ko ang mga handouts.
Nakita ko kaagad si Enrick na pababa ng kanilang grand staircase. Malaki ang ngisi niya at nakatingin siya sa akin.
“O, sige, maiwan ko muna kayo. I’m going to his Dad’s office.” paalam sa akin ng Mama niya at nang nakaalis siya ay sinalubong ako ni Enrick ng tanong.
“Miss me?” Mas lalo pa siyang ngumisi.
Heck, yes, Enrick. Kung alam mo lang kung gaano ka-boring ang mga araw ko dahil wala ka.
“Hindi! Huwag ka ngang feeling.” Inabot ko sa kanya ang mga handouts. “O, ‘ayan. Pinabibigay lang sa ‘yo ni Mr. Dimaano kaya ako nandito.”
“So, you don’t miss me, huh? Ouch.” Nag-pout siya at hinawakan ang puso niya na para bang masakit iyon.
Umirap ako sa kanya. “Bakit hindi ka pumasok?” Hindi ko napigilan ang magtanong.
“Flu.” Nag-iwas siya ng tingin at napanganga naman ako. Hindi ako makapaniwala na magkakasakit ang isang katulad niya.
Agad na dumapo ang kamay ko sa kanyang noo at naramdaman ko na may lagnat siya. Flu nga.
“Nilalagnat ka,” sabi ko pero agad naman niyang hinawi ang kamay ko.
“You should go...” bigla niyang sabi.
I should go? Bakit? Ayaw niya ba sa presensya ko?
BINABASA MO ANG
Hate For Him (Soledad Cousins #1)
Teen FictionBeatrix Lynn Soledad have always hated Enrick de Vera. For her, Enrick is a curse. Magmula kasi nang dumating ito ay nabago na ang buhay niya. Naging second honor na lang siya, naging Vice President na lang siya sa classroom... That guy took away th...
